Rae's POV
.
.
"Permission to leave Captain Nuevez" sabay saludo sa kapitan dahil tapos na ang duty ko. Sumaludo din siya sakin at nag bow.
Papunta na sana ako sa kabina ko para magpahinga saglit para sa dinner mamaya ng makita kong papunta sa gawi ko si Captain Del Vega isa siya sa naging bestfriend ko hindi lang sa barko pati nadin pag nakabakasyon kami. Naging schoolmate ko kasi siya sa Universitat Politècnica De Catalunya(UPC) sa Barcelona isa sa sikat na school for Marines, Nautical Engineering, Shipping Business at iba. Kahit na ayaw man ng daddy at mga kuya ko na ito ang maging Profession ko well, ain't no choice sino ba naman ang hindi makakatiis sa nagiisang prinsesa nila.
"Kanina pa kita inaantay, tara na hinahanap kana nila Chief Engineer" beso sakin sabay hila sana sa akin
"Easy ka lang Nic, wala ka naman sigurong hinahabol ano? Inom na inom? O baka naman may pinopormahan ka diyan ha lagot ka talaga kay Nicole ako narin mismo babali ng buto mo" talim na titig ko sakanya, ako lang din ang nakakaalam na may girlfriend na siya dahil gusto raw niya ng private relationship. Eme ka veh
"Hoy wala no, may night out din daw kasi after dinner libre ni Chief, saka papakilala kita sa kaibigan ko" sabay kamot sa batok nito
"Baka din naman nakalimot kana matagal tagal na din, lumandi ka naman Raerae galaw galaw baka ika'y pumanaw" halakhak pa niya.
When my Ex and I broke up, Nic is the only friend na pinagsabihan ko ng lahat and always been there for me through out my moving on journey. Nakamove on naman na ako and I'm more than okay. I realized many things, one of these is I don't fvcking need someone who stays with you through years but confused with his feelings. We all don't deserve that. Well now it's been 3 years.
"Pwede magpalit? Nakauniform pa ako oh and I'll just take a quick shower para din naman hindi ako ganun nakakahiya sa ipapakilala mo. Pogi ba yan?" taas baba ng kilay ko, napailing lang siya at tumawa.
"Syempre ako pa ba, all in one na Hill siguradong wala kang problema. Minsan ka na nga lang magkajowa pangit pa diba? Malas mo naman kung ganon" sabay hagalpak ng tawa
"Siguraduhin mo lang. Susunod nalang din ako sa resto, byeee" hindi ko na siya inantay pang sumagot at pumasok na agad sa cabin ko.
Mabilis lang ako nagshower saka pumuntang vanity ko para magblower at maglagay ng konting make up.Well maganda padin naman ako kahit walang make up, natural beauty pero syempre paparty tayo mamaya kaya dapat looking fresh padin kahit gumagapang na chariz! Simple black dress na above the knee at see through yung sleeves para kabog diba pinartneran ko na lang ng Dior sneakers ko kasi for sure all out party nanaman ito lalo na at kasama ko si Nic. Magreretire na kasi si Chief Engineer despedida niya ngayong gabi dahil bababa na sila pagdating sa susunod na port.
Buti nalang talaga at tapos na ang duty ko. Agad nadin akong nagtungo sa Resto. Madami din akong nakakasalubong na bumabati sa akin. Papunta na sana ako sa gawi nila Nic ng makita ko ang mag-isang babae sa labas ng balcony ng resto, nakaupo ito umiiyak at nagiinom. Maybe she needs someone to talk, sa pagalala ko ay pinuntahan ko muna ito saglit. Hindi sa pagiging pakielamera pero syempre cargo ko lahat ng passengers na andito, iniiwasan naming may mangyaring aksidente o anuman sa cruise ship na ito. Tungkulin namin iyon bilang Kapitan ng barko.
"Good evening Madame sorry to disturb you, I would like to ask if you're alright? Is there any problem or anything that I can help you with?" sunod sunod na tanong ko. Napatitig ako dito ng lumingon ito sakin she look familiar. She's at the age of maybe 40s to 50's but still look gorgeous, ang ganda mars! Simple lang din manamit pero halata mong mayaman ito.
Nagulat ako ng niyakap agad ako nito at humagulgol na, Oh my I really don't know what to do but I just hugged them back and tap their back. Hinayaan ko lang silang umiyak siguro sobrang bigat na ng dinadala nila she badly needed someone, maswerte na pala ako dahil noong mga panahong kailangan ko ng makikinig sa mga rants ko at magpapatahan sakin ay meron akong kaibigan at pamilya na asa tabi ko. Ramdam na ramdam kong hindi ako magisa. Hinayaan ko lang sila hanggang sa silay kumalma at tumahan. Humiwalay nadin sila sa akin at pinahid ang kanilang mga luha.
"I'm really sorry to disturb you miss, I just needed to let it all out, thank you for being my crying shoulder and I'm fine na thank you for asking. It's been a long time that someone ask me that huh" sabay ngiti nito sakin pero kita padin sa mga mata ang lungkot nito.
Ngumiti ako "It's okay not to be okay maam, just let it all out till the pain fades away" Hay mabuti nalang at Pinay rin pala sila, akala ko pa naman mauubusan ako ng english mukha kasi silang foreigner
"Oh God iha, what a pleasure to meet you Captain Phoenix right? The Famous female young Captain! Have a seat. Sorry we even met like this."
Naupo nadin muna ako dahil hindi pa naman nagsisimula ang dinner at may mga ibang inaantay pa nakatayo ding nakikipagusap pa si Chief sa ibang kakilala, kita kasi ang loob nito dahil glass ito.
"Oh no it's fine po, I am ma'am. Rae Phoenix but not that famous po. Nice meeting you po Ma'am ..." nahihiyang wika ko at inabot ang kamay
Nakilala ako bilang young female Captain dahil napaaga ang pagiging kapitan ko sa barko at ako din ang kauna unahang babaeng kapitan na nailulusot ang pagkalaki laking barko sa mga pinakamakipot na daan tulad na lamang sa Suez, Pamana at Corinth Canal ng walang kahirap hirap lalo na't cruise ship pa ito.
"Very humble darling I like you. By the way I'm Clarise Moretti call me tita nalang. I'm in the fashion industry." pagtanggap nila ng kamay
"Nice Meeting you po, Madame" ngiti ko
"I'm so amaze how you make your own name at that young age, iha and I bet it's not that easy working with men, lalo na't madaming loko loko."
I laughed "Thank you po. Opo medyo sakit po talaga sa ulo ang mga yan, pero okay naman po madalas kong nakakatrabaho"
"Well that's good, you know what I ~"
May sasabihin pa sana sila ng may tumawag sa kanilang phone. "Sorry iha, I just have to take this call" nginitian ko nalang sila at umiwas na muna ng tingin mukhang magsisimula na ang dinner dahil nasisiupuan na mga ito.
"Hello son" "Andito lang ako sa labas nagpapahangin" "Okay I'll wait for you" "Love you too"
"Mukhang ikaw nalang ang inaantay nila iha, sorry for disturbing you and thank you so much for sparing time with me. Parating nadin ang anak ko, sayang gusto pa sana kitang ipakilala" ngiti nila
"No it's fine po, no problem po Madame"
"It's nice meeting you iha, thank you so much for your time. Hope to see you again soon."
"By the way if you need anyone or anything you're always welcome to visit our Love Charity in the Philippines, I'm always right there." ngiti nila
"It's nice meeting you too Madame Clarisse, take care. Yeah sure po, I'd definitely go there. Enjoy your vacation po" ngiti ko
~
Patungo na ako sa mga kasamahan ko ng mahinto ako dahil nahagip ng mata ko ang papasok na ex ko kasama ang babaeng pinili niya. Nahinto ako at nanlaki ang mga mata ko sa gulat this is really unexpected huh what a small world, may konting kirot akong naramdaman sa puso ko akala ko ba okay na ako. Nawala ang paningin ko sa kanila nang may humarang na matipuning lalaki sa harapan ko.
"Excuse me miss can I pass by" with his baritone voice.
"Oh I'm sorry" sabay gilid ko para bigyan siya ng daan saka ko siya nilingon, nakakunot noo ito at nakatingin sa kanyang phone ng mapatingin din ito sakin.
There's something in his look that I can't read he also seems familiar to me, bumagay ang navy blue polo shirt nito na fit na fit sakanya, well pogi siya. 10 out of 10 pero hindi ko ganong type madami kang magiging kaagaw pag ganito kagwapo. Mukha ding playboy, wait bat ko ba naiisip yun.
He sweetly smiled at me "It's okay mon chèri, thank you"
Ano raw? Spanish words lang alam ko ee, tipid na ngiti nalang ang isinagot ko saka na ako naglakad sa table namin.
Nang makalapit na ako ay rinig ko na ang masayang kwentuhan nila. Napatingin na din sakin si Chief Engineer sabay ngiti kay Nic "Oh here comes your girlfriend Nic" sabay kantyaw nila samin
Sa sobrang close namin ni Nic na tipong lagi kaming sabay na sumakay at magbakasyon akala tuloy ng marami ay may namamagitan samin, hindi kasi nila alam na may girlfriend tong mokong na to dahil nga they want private relationship kuno.
"Guys, we're just super close friend" pagdepensa nito
"Sorry Chief I'm a bit late" pagpaumanhin ko sabay upo sa tabi ni Nic
"Just on time Captain" saludo pa ni Chief
"By the way sorry I forgot to tell you, just a heads up andito ang ex mo magbabakasyon yatang Switzerland, lately ko lang nalaman alam mo naman busy sa work and bonding with friends" bulong nito sakin
"Sana ol madaming time. No worries besides bababa naman na sila ng port and he didn't know that I'm here" sabi ko pero ang totoo ay nababahala ako baka magkasalubong o magkita kami. He tried to reach out many times kasi and I don't know what for. Ayoko nadin talaga siyang makita and have any connection or contact with him. Mabuti nalang talaga at ilang linggo akong naging busy sa deck
"That's why let's have fun later, I'm sure you're fully drain at work kaya hindi ka nagkakajowa e puro ka kasi trabaho" asar niya
"Blah blah, talaga. Deserve ko to kaya todo na to!"
~
Matapos ang dinner ay nagkayayaan silang magkantahan, pinalitan pa nga nila ang live band at ang iba ay nagsasa-sayaw na sa harap. Mangilan ngilan naman na ang mga tao dito bukod samin. Andito rin daw ang mga matalik na kaibigan ni Nic na mga passenger namin hindi ko pa sila nakikilala dahil nga ilang linggo akong nabusy sa sandamakmak na trabaho at pagbabantay sa deck. Balita ko nga ay sikat at bigatin ang mga ito minsan na nga lang din raw sila magkita kita.
Asa harap si Nic hawak ang guitara at kumakanta ganyan na yata talaga kakapal ang mukha niyan.
"By the way shout out to my best bro's in there, thank you for visiting me and choosing Empire Cruise hope you enjoy your vacation" kaway niya sa mga ito at nagsihiyawan naman sila.
May pashout out pa tong mokong na to akala mo naman artista!
"And also I would like to congratulate mah bro David and Sofia the newly engaged, congrats bro nakahanap kana din ng katapat mo at nawala kana sa listahan ng The Bachelors" sabay tawa nito nagsipalakpakan na din kami
"Our next song is requested by Mr. David Kiefer, Sofia this one's for you daw. Oh how sweet bro" asar nito sa kaibigan niya.
Pinatugtog nadin niya ang guitara at nagsimula ng kumanta ng To the bone ng Pamungkas. Mabuti nalang at maganda ang boses nito, pwede na hindi narin ganung nakakahiya sa mga guest.
Nang matapos ito ay akala ko bababa na nang muli itong nagsalita, jusme nagtawag pa talaga.
"And for our last song one of our Captain right here will join us on stage tonight. The most beautiful, talented, strong, hardworking and of course an unbreakable woman" sabi nito kaya todo kantyaw nanaman ang mga kasamahan namin dito.
"Please come up here on stage, You can't say no too cause it's Chief Engineer's request" tawag niya sakin.
Jusme. Mali talagang mambash vebs dahil bumalik lang rin sa akin anyway may choice pa ba ako? Syempre wala kaya tumayo na ako at naglakad papuntang stage
"And guys take note this woman is not just a great captain but also capable of everything, I'm very much proud on how happy and successful you've become despite everything you've been through. So, to all her ex's" huminto siya na parang may hinahanap, nang maalala ko na andito pala sila kanina. D*ym andito pa ba siya, I mean sila?
"It's your lost man, so you better back off. She deserves more, a man. A real Man" ngiti niya sakin at bigay ng isa pang mic.
Maiiyak na ba ako sa speech niya? o lalong kakabahan dahil andito pa nga talaga ang kumag na yun. Medyo nahiya nadin ako sa mga guest na andito, hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko
"Thank you for that wonderful and thoughtful speech Captain Del Vega!"
No choice nadin ako kaya pumunta na ako, nginitian saka kinindatan niya lang ako. Binigay nadin sakin yung electric guitar at tumapat sa mic.
"Good Evening! Captain Phoenix here and I would like to thank everyone for choosing Empire Cruises and Hope you had a great experience sailing with Empire Cruise! Enjoy your vacation."
"And for our Chief Engineer Quego, as you head off on an amazing new chapter of your life your dedication and teamwork are greatly appreciated. We hope to enjoy your retired life as much as you enjoy working with Empire Cruises." ngiti ko kay Chief
Kahit kabado bente ako ay wala akong choice kundi samahan ang tukmol na tong kumanta dito sa harap.