(*Alexie Balbuena*)
"Haaay..... ngarag nanaman ang beautiness ko my goodness! ang tindi talaga ng director na yon mooi. Nakakapanginig ng laman! Anong akala nya sa lahat ng staffs at artists robot?" Ang palatak na reklamo ni Roger at agad na sinalampak ang pagod na katawan sa mahabang sofa mula sa hotel na tinutuluyan namin sa San Jose, northern california.
"Huling araw nanaman bukas hayaan mona, ok na rin yon buti nga natapos narin agad.." ang mahina kong sabi habang nakaupo sa pang isahang sofa, at pagod na nakasandal ang likod at nakapikit ang mga mata.
Last year ng alukin ako ng production bilang parte sa isang vampire series. Ni hindi nga ako nag audition sa kahit anong may kinalaman sa pag arte, dahil hindi ako marunong umarte at wala din doon ang hilig ko.
Pero nagustuhan nga raw ako ng nasabing production, dahil bukod sa kilala ako bilang sikat na international model ay swak din daw ang aking mukha, sa isang character na gusto nilang gampanan ko sa naturang series.
Bilang lang din ang scene na mahaba ang aking script na binigay sa akin, na lubos na pinagpapasalamat ko.
Puro pose lang ng mukha sa camera talaga ang ginawa ko, tapos ay labas pangil sa buong series! then pak! my good lord! Taaaarrraaan! Tumataginting na million dollar!
Nakakatawa nga kase kahit medyo weird ang character ko sa series na iyon ay pumatok parin sa mga manunuod at lalo pang nakilala ang pangalan ko, hindi lamang sa larangan ng pag momodelo..
Malaki rin ang naging offer nila sa akin, kaya hindi ko ito nagawang tanggihan. Ilang charity rin ang matutulungan ng perang iyon. Yon nga lang ay nakakapagod ang maghapong taping, alas tres narin kami ng madaling araw nakauwi ngayon, buti nalang ay nagawa pa naming makauwi sa kasalukuyang tinutuluyan naming hotel..
Huling araw narin naman bukas, at pagkatapos no'n ay lilipad naman kami ni Roger to England para sa isang cat walks fashion show.. Si Roger narin ang tumatayo bilang manager ko. Sinasamahan ako nito, kahit saan pa man lupalop ako ng mundo mapunta. Hindi rin nakakalimutan ni Roger ang gumawa ng vlog video sa bawat lugar na napupuntahan namin. Isa narin si Roger ngayon sa mga sikat at kilala vlogger sa buong mundo.. Sumasama rin naman si Rebecca sa amin lalo na kapag wala itong masyadong ginagawa sa kompanya.. Si Rebecca kase ang namamahala ngayon sa dalawang hotel na pagmamay ari ni lolo sa France..
It's been 7 years since i left, and lived here in the States with my dad.. But after i finished my culinary arts course, i was lucky to got a contract from the most biggest and famous modeling company in the States. Napabilang din ako sa mga piling modelo na tinatawag nilang angels. At rumarampa taon taon sa harap ng mga kilalang personalidad sa buong mundo lalo na sa larangan ng fashion designing..
****
"Ang daming interviews and guesting requests, na nakahilira mula sa Pilipinas, baka gusto mo naman silang pag bigyan? Hindi naman siguro masama kung mapagbibigyan mo ang libo libo mong taga hanga roon. Isa pa tumataginting na milyones din ang offer ng isang womens magazine na gusto kang kunin bilang cover. Na recieved kona rin ang invitation, mula sa isa sa pinaka paborito mong charity, ang Save Children Foundation. Atleast makakadalo ngayon ng hindi palihim, hindi patago, at hindi na ako makikiusap sa kanila na walang press para sayo etc. What do you think mooije?..." Ang mahabang sabi ni Roger, habang isa isang inilalagay sa maleta ang mga gamit namin.. Iniisa isa rin nito ang mga mga kompanya na kumausap sa kanya nitong mga nakaraan at nag aalok ng mga proyekto para sa akin..
Ang ilan sa kanila ay ilang taon nang nag hihintay na mapagbigyan ko, ngunit hanggang ngayon ay wala rin akong matinong maisagot para sa mga ito. Lagi nalang akong gumagawa ng dahilan para makaiwas ako sa mga press mula sa Pilipinas.. Sa pitong taon kong pananatili sa ibang bansa ay dalawang beses pa lamang akong umuwi ng Pilipinas upang mag attend ng charity events.. At yon ay mga pawang patago, at hindi ako nagtatagal at agad din akong umaalis agad pabalik sa ibang bansa..
Bumaling ako dito habang kinuha ko naman ang mga nakahilira kong mga damit at maayos iyon na nilalagay sa mga maleta.. Ngayon ang balik namin sa France. Sa wakas ay natapos din ang ilang mga proyekto ko, nakiusap naman ako kay Roger na huwag na mona itong kumuha ng bagong proyekto sa loob ng dalawang linggo. Gusto ko kase na magbakasyon mona kasama silang tatlo ni Becca at Althea.
"Pag iisipan ko mona.. But honestly i like the idea of goin home again. Para madalaw ko rin si lolo, at ang mga tao sa hacienda, its been a while.. I missed them.. Pero saka kona iisipin yon pwede ba? Sa ngayon, ang gusto ko lang makapag relax naman tayo kahit dalawang linggo lang, tayong apat na magkakasama!"
"Limahin mona at dalawang araw daw na makiki join ang lolo Markey mo. Nasa France ito ngayon at nagmo moment nanaman sila ni Becca." Ang sabi nito habang pinatirik ang mga mata, natawa ako sa kanya.
"Ang bitter mo mooi, buti nga at ilang taon na yang dalawang yan eh at sila parin. Going strong parin. Dapat masaya nalang tayo para sa kanilang dalawa. Proud ako sa relasyon ng dalawang yon alam mo?" Ang medyo natatawa kong sabi.. Totoo naman kase, sobrang kong hinahangaan ang relasyon ng dalawang yon.. Na magpahanggang sa ngayon ay sila parin. With almost 10 years of relationship? Wow ! Sila na talagang dalawa.
" Proud naman ako sa kanilang dalawa kahit pa minsan super oa na ang ka sweetan ng dalawang yon, at masaya rin naman ako para sa kanilang dalawa. Ang di lang talaga nakakasaya eh kung matutulog nanaman doon si Markey at mabibingi nanaman ako sa mga ungol at halinghing ni Rebecca! Hindi yon masaya mooi alam mo ba yon? " ang may gigil nitong sabi.. Natawa nalang ako sa paghihimutok nya. Minsan kase pag napupunta sa France si Markey ay doon narin sa apparment namin nakakatulog ito lalo na pag wala doon si Althea at naka night duty.
Tatlong taon narin namin kasama si Althea Olivarez, isa itong sikat na singer. At nakilala ito bilang mahusay na singer at bilang guitarist princess ng pilipinas. Napanuod ko rin ang mga vlogs nito na karamihan ay cover songs. Iwan ko pero gustong gusto ko talaga ang boses at mga kanta nya. It feels like they are really made for me.. Nakisuyo pa ako noon kay Roger nang umuwi ito ng pilipinas para papirmahan ang two cd and dvd albums nito na binili ko.
Dahil kay Roger nag umpisa ang pagkakaibigan sa pagitan namin ni Althea. Madalas kaming magkausap sa skype simula noon. Hanggang sa malaman nalang namin na nasa Italy ito. At kalaunay inalok namin ito na sa France narin manirahan kasama namin. Tulad ni Rebecca ay sumasama rin ito sa amin, sa iba't ibang panig ng mundo, kung nakabakasyon ito sa trabaho.
Ewan ko ba gustong gusto ko siya, hindi ko nagawang mainis or makaramdam ng galit kahit pa sobrang nagseselos at nainggit ako ng mapanuod ko ang vlogs nito kasama si Matthew. Oo, tanging selos lang at inggit ang nararamdaman ko para kay Althea.. Selos habang pinapanuod ko ang mga vedios nila ni Matthew, kita ko sa mga mukha nila ang saya habang magkasama. Halata kasing malapit na malapit ang dalawa sa isa't isa. Ngunit honestly hanggang doon lang ang nararamdaman ko. Ni hindi ko magawang magalit o, mainis. Hindi ko masisisi si Matthew kung magkagusto man ito kay Althea. Napakaganda nito at super talented pa. Mabait at mabuti rin itong tao, higit sa lahat. Isa itong marangal na babae.
Naiinggit ako kase, kahit gaano ako nasaktan ni Matthew noon, aaminin ko na noong mga oras na mapanuod ko ang vedio's nila, i was still wished for him... It was crazy i know... I still want the best for him. But i was still so mad at him, at the same time ...
At hanggang ngayon galit na galit parin ako sa kanya, sa ginawa nya. Pero hindi ko rin maitatanggi na kahit ilang taon ang nagdaan.. Ilang lalake narin ang ni linked sa akin ng baliw na social media at mga walang magawang press, siya parin ang tanging nag iisang lalaking minahal ko.
Mula noon ay hindi kona nagawa pang tumingin sa iba... Minsan nga e, nagugulahin narin ako. Dahil ba traumang naranasan ko sa nangyari sa akin noon, kaya di kona nagawa pang tumingin sa iba, o sadyang si Matthew lang ang tanging gustong mahalin ng puso ko? Ah! hindi kona alam kung anong nararamdaman ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hinding hindi kona hahayaan pang muling malunod ang puso ko sa pagmamahal para kay Matthew.. Never again....
Balita nga sa akin, single parin ito.. Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Karla? Ang alam ko, bago pa man ako umalis ay engaged na ang mga ito, di ba?.. Nakakatawa nga e, kung may legend lang sa pagiging tanga, ay baka napa bilang na ako doon. Isipin mong kahit pa sa pinaka huling sandali, nakipagsapalaran ako, pinaglaban ko siya. Nang araw na iyon bago ako pumuntang america, nagawa ko pa siyang puntahan sa opisina nya.
Lakas loob akong pumunta roon, para makiusap, magmakaawa... Pero muli akong nabigo... Muling nadurog ang puso ko... At hanggang sa wala na akong mapagpiliin pa but to let him go.. That day when i let him go, i just wished that i could let go all my feelings too, for him... But i could'nt...I just could'nt... Pero ano nga bang gagawin ko sa oras na magkrus ang landas namin muli? Iiwasan ko nalang siya?.. Pero kaya ko ba siyang iwasan nalang habang buhay?.... Damn it Alexie! Ano naman kung single siya? Hindi ba't sinumpa mo na kahit anong mangyari never mo ng hahayaan ang puso mong malunod ulit sa isang Matthew Mondragon? Ang may panunuyang pagpapaalala ng bahaging yon ng utak ko. Anong silbi ng pitong taon na naghubog sa tatag mo? Youre a grown up woman now, youre not the same Alexie anymore.. You could guard your heart and control your emotions, remember that.. Ang pagpapalakas ng loob na sabing iyon ng bahagi ng utak ko....