Chapter Five- What Is Right?

1462 Words
"Hello! Good morning, soon-to-be Mr. and Mrs. Dalton. Take a seat." Ms. Salvador smiled while pointing at our seats. She's our wedding planner and also a wedding coordinator. Recommended ng mga friends ko iyon dahil sa napakagandang feedbacks sa kanilang team kaya siya na rin ang kinuha namin ni Dom. We've met before if I'm not mistaken at my best friend's wedding, how she meticulously prepared every detail, and I was pleased with the outcome. Everything was perfect, except for the cold feet I'm experiencing right now. "Okay na po ang lahat mula sa hotel, church, and nakausap ko na rin po ang designer ninyo, ide-deliver na lang bukas ang gown para ma-fit mo kaagad, Ms. Caith." Sinulyapan niya kami ni Dom, "Ito naman po ang set up for your reception." Tahimik lamang ako habang dini-discuss ni Ms. Salvador ang lahat ng plans for our wedding. Lahat oo ang sagot ko. Ngiti rito, ngiti roon. Nakikinig naman ako at na-amazed sa ganda ng mga ideas ni Ms. Salvador. Hindi nga lang siguro halata sa mukha ko dahil medyo seryoso ako sa pakikinig sa kaniya. "Okay ka lang, hon? Wala ka na bang ipapabago sa plan?" tanong ni Dom na may pagkunot-noo na naman. Para siyang ipinaglihi sa sama ng loob. Palagi nang galit, hindi naman siya si angry bird. Ngumiti ako. "Wala naman. I think perfect na lahat, hon." Iniwasan kong tingnan ang salubong niyang kilay para hindi ako mahawa. Bawas ganda na naman ito. "Please continue, Ms. Salvador. Nakikinig ako. I'm sorry." Ngumiti ako sa wedding planner namin na nakakahalata na yata sa aming dalawa. Ngumiti rin ito at tiningnan kaming dalawa ni Dom. "Normal lang po 'yan. Marami na akong na-encounter na ganito. At ang iba mas grabe pa. Let's have a break po muna, baka may gusto kayong pag-usapan," confident na ngumiti naman ni Ms. Salvador sa aming dalawa. "Yes, please..." Mabilis na sinang-ayunan naman iyon ni Dom. Pagkaalis ni Ms. Salvador ay napahawak na kaagad si Dom sa ulo niya. "Caith naman! Sa lahat na lang ba ng ideas, oo ang magiging sagot mo? Wala ka man lang bang ibang sasabihin kun'di puro oo?" This time, nagsalubong na ang pressure na nararamdaman naming dalawa. Hindi na ako nakatiis kaya nagsimula na rin magsalubong ang mga kilay ko. "What exactly is your issue? Why are you so upset?" Pumikit ako sabay release ng hangin. "Para kasing wala akong kasama rito e. Siguro si Marco na naman ang laman ng utak mo. Puro Marco na lang!" "Here we are again. Nakita mo na naman si Marco. That's what I'm doing, avoiding him. Happy?" I heaved a deep breath as I say, "E, ano ba ang dapat na isagot ko? Nahihirapan na kasi akong manimbang sa mga ayaw at gusto mo! Maganda at ayos na lahat, kaya nga oo na ang sagot ko, kasi gusto ko." Napatingin ako sa glass door ng office ni Ms. Salvador at may ilang staff na nakatingin sa amin. "And one more thing, what has Bro got to do with this?" I admit it, I’m confused now, especially that our wedding is getting closer. I'm choked on his jealousy. Sinundan niya nang tingin ang bintana pagkatapos ay tumayo ito upang isara ang blinds ng office ni Ms. Salvador. Pagkatapos ay binalingan akong muli. "Bakit? Ako lang ba ang ikakasal dito? Dalawa tayo rito, pero parang ako lang ang may gusto na gawin 'to!" And this time ay mas mataas na ang tono ng pananalita niya. "Please, Dom. Tama na, masakit na ang ulo ko. Sobrang stressed na ako sa wedding preparations na 'to! Maganda na naman at okay na ang lahat, bakit kailangan pa baguhin? Ano pa ba ang gusto mo?!" Napataas na rin ang tono ng boses ko. "Ang sa akin lang naman, kailangan ko rito ang presence mo. 'Yon lang!" Pasuyo pero hindi ko maramdaman. Hindi ko alam na ganito pala ang pressure kapag papalapit na nang papalapit ang kasal. "Narito ako sa tabi mo, nakikinig. Pakakasalan ka na nga, 'di ba? Ano pa ba ang gusto mo?" Nabigla ako sa sinabi ko. It was too late when I realized that my words were offensive. He'd bitten his lower lip and pulled back his hair, which was now a tangled mess. "Ah, wow! So, should I thank you because you're going to marry me? " Walking around, gasping for air, as if wishing to suffocate from annoyance. Na-shock rin ako sa nasabi ko kaya todo explain ako sa kaniya. "N-No. It's not what I mean." Napapikit ako at napasuklay sa buhok ko. "I'm sorry, hon. Pero ikaw kasi, kung ano ano ang naiisip mo. Lahat na lang binibigyan mo ng malisya." I don't want to hurt him 'cause I love him... I love Dom, but now... now I'm confused. My mind is confused, and I'm trying to get rid of how I feel about Marco. If I could simply reset my heart, my problem would be solved. Pareho kaming hindi nakakibo. Nagpapakiramdaman sa isa't isa. Until he hugged me, "Caith, you know how much I love you." He kissed me on my neck and hugged me behind my back. "At hindi ko kakayanin kung hindi matutuloy 'to mababaliw ako." Humarap ako sa kaniya. Hinaplos niya ang mukha ko, tinitigan ko siya sa mga mata. Nakita ko sa kaniya kung gaano siya kaseryoso at kadeterminado na matuloy ang kasal. I turned to face him. I gazed into his eyes as he caressed my face. I could see in him how serious and determined he was to keep the marriage going. "Pinakaba mo ako, hon. Gusto ko lang naman na perfect ang lahat kasi minsan lang tayo ikakasal. Narito na tayo, oh. Ilang linggo na lang ikakasal na tayo," malambing niyang saad sabay halik sa noo ko. "Huwag na tayong mag-away. Pipigilan ko na ang sarili ko, hindi na talaga kita aawayin. I love you, hon!" Pinatakan niya ako ng halik sa labi habang nakahawak sa waist ko. "Hay, gasgas na ang linya mong 'yan, hon. Pero, thanks God! Sana po forever na siyang ganito." Ganito kabilis magbago ang mood naming dalawa every time na mag-aaway kami. Kung kanina ay parang kumukulong tubig, ngayon naman nagyeyelo na sa lamig. Direktor nga talaga siya, magaling gumawa ng palabas. Nakakainis kung ganito ang mapapangasawa, magkaiba kasi kaming dalawa. Malayo sa isa't isa ang mga hilig kaya kung minsan, may hindi talaga kami napagkakasunduan. Kahit maayos na kami ngayon, ang cold feet ko nandito pa rin. Mahal ko si Dom, kahit na gan'yan s'ya, kaya hindi ako magpapaapekto sa cold feet na ito. Baka kaya kaya lang ako nagkakaganito ay dahil alam kong malaki na ang mababago sa amin ni Marco once I got married to Dominic. Iiwasan ko muna si bro for the meantime para hindi na rin siya makagulo sa isip ko. Binuksan niya ang blinds, maya maya ay pumasok na rin si Ms. Salvador. Pagkaupo niya sa swivel chair niya ay nagsimula na naman ito sa dini-discuss niya nang biglang tumunog ang phone ko. I took my phone out of my bag and looked at who was calling. Dom looked at me. "It's besh, hon, can I?" He says, "Answer it, hon. Kami na ang bahala rito." Tiningnan ko si Ms. Salvador at sinabing, "Please excuse me." Tumayo ako at sinagot ang tawag habang naglalakad palayo sa dalawa. "Yes, besh?" Umupo ako sa bakanteng upuan sa labas ng office ni Ms. Salvador. May ilang tao na dumaraan pero umaalis rin naman. Sa kanila ako nakatingin habang hinihintay ang tugon ni Rachel. "Besh, na-recieved ko na ang invitation, pero I'm not sure kung makakapunta ako. Naka-bed rest ako ngayon." Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa narinig. Nalungkot ng kaunti pero I understand the situation naman kaya um-oo na lang ako sa kaniya. "I understand, besh. Palakas ka ha? Ingatan mo ang mga inaanak ko. Si Tita and Yeoj, makaka-attend ba?" kuryosong tanong ko. "Papupuntahin ko sila. Hindi naman pwede na walang makaka-attend sa amin, 'no? Importanteng araw mo 'yan. Congrats soon-to-be Mrs. Dalton." "Thanks, besh. Sayang naman kung hindi lang maselan ang pagbubuntis mo, maid of honor kita, e," nakangusong sabi ko. "Teka, seryoso pala kayo na hindi kasali sa entourage si Marco?" I sighed. "That was Dom's decision. Alam mo naman na mainit ang dugo ni hon kay bro. Mas mabuti na rin iyon para makaiwas sa gulo." "Kung sabagay, kahit ako naman magseselos ako, pero...kumusta ka naman? Miss na kita, besh. Bisitahin mo naman ako sa bahay minsan." Maya maya pa ay nagpaalaman na rin kami sa isa't isa. Bumalik na ako sa loob ng office at umupo sa tabi ni Dom. Nang balikan ko ang dalawa ay tapos na rin silang mag-usap kaya umalis na rin kami ni Dom. "Are you okay, hon?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD