Chapter 29: Earth Demon

2007 Words
Lilith's Point Of Views Ramdam ko ang mabigat na tensyon at atmospera sa paligid. Parang nakaka suffocate ang kapal ng hangin dahil sa tensyon. Pa bigat nang pa bigat ang pakiramdam ko at ramdam ko rin ang pa bigat na pa bigat ng pag hinga ko. Tila sumagi muli sa isipan ko ang isang alaala na hindi ko pa nakaka limutan na nangyari noon. Ang pag sasanay naming dalawa ng naka babata kong kapatid na si Azza... ang panahon at ang araw na ipina kita niya sa akin ang paraan at basehan ng pag papakita kung gaano kalakas ang mga Earth Demon, ang pinaka malakas na klase ng demonyo pag dating sa pisikal na lakas. Mariin akong napa kagat sa ibabang labi habang naka pako ang tingin ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Hindi man dumami ang mga mata niya, ang eye balls niya ang dumoble. Pati na rin ang biglaang pag labas ng dalawa pang sobra niyang kamay sa bewang... Napa ismid ako at nag dikit ang dalawa kong kilay, kasabay ng pag kunot ng noo ko. Hindi na ako nag kakamali... Si Santina at Rosa... ang kambal na Cambions, ay parehong Earth Demon. Para akong sinampal ng katotohanan dahil sa biglaang pag babago ng pisikal na anyo ni Santina. Literal na sinampal— hinagis na mismo. Ramdam ko pa rin ang pag bali ng iilang buto ko dahil sa lakas ng pag impact ng pag kakatilapon ko sa puno. Hindi maipag kakaila, na napaka lakas nga talaga ng mga Earth Demon pag dating sa pisikal na lakas. Humigpit ang pag kakasara ng kamao ko at ramdam ko na rin ang pag sugat at pag dugo ng ibaba kong labi dahil sa diin ng pag kakakagat ko. Dalawang mga kamay at dalawang mga mata... nag papakita na mas lamang siya sa akin. Sobrang lamang dahil isang kamay lang meron ako... isang kamay na hindi ko pa tuluyang nagagamit nang maayos. Napaismid ako sa inis. Bwisit! Paano ko siya magagawang matalo? Paniguradong hindi tatalab ang iba kong kakayahan sa kaniya. Ang sumpang ibinigay sa akin ng nakatatanda kong kapatid na si Caim ay hindi kakapit sa bato niyang balat. Ang kakayahan na ibinigay sa akin ni Loki para magamit nang tuluyan ang mga pakiramdam o senses ko ay hindi gaanong uubra pag dating sa labanan. At ang pag gamit o pag usap sa mga insketo na kakayahan na ibinigay sa akin ni Azza ay paniguradong wala ring mapapala. Ang pwede ko na lang gamitin sa ngayon... ay 'yon. Tama... para maka tapat sa isang Earth Demon, kailangan ay isang Earth Demon ka rin. At ang kakayahan na 'yon ay nanggaling sa kapatid kong Earth Demon na si Azza. Napatingin ako sa kanan kamay kong naging bato hanggang buto. Ito ang kakayahan na ibinigay niya sa akin... itong kamay na 'to ay nanggaling mismo sa kaniya... ito lang ang magagamit ko, para maging panlaban. Kung sa kali, ito lang din ang magagawang maka sakit at maka laban kay Santina. "Lilith!" Rinig kong malakas na pag tawag sa akin ng isang babae. Agad akong napa tingin sa direksyon ng auntie ng mortal. Nag aalala siyang naka tingin sa akin habang hawak hawak ang braso niyang walang tigil sa pag dugo. Napa ismid na lamang ako nang makita ko ang kalagayan niya. Hindi hamak na mas malala ang kalagayan niya kung ikukumapara sa akin. Nag akma siyang tumakbo pa papalapit sa akin nang matigilan siya nang mabilis kong itinaas ang kamay ko, hudyat na pinapa hinto ko siya. Kahit nararamdaman ko ang pag kirot ng buo kong katawan at sa tingin ko ay wala na akong lakas pa para tumayo, pinilit ko ang sarili kong itayo ang katawan ko. Malalim na ang pag hinga ko at rinig ko na rin ang bawat pag t***k ng puso ko pero hindi ako nag patinag. Dahan dahan kong itinayo ang iika ika at patumba tumba ko ng katawan. Kahit mabigat ang pag hinga ko, pilit kong nilakas ang boses ko nang sa gano'n ay marinig ako ng auntie ng mortal mula sa pwesto niya. "Don't bother fighting, angel!" Malakas na giit ko sa kaniya. Sa kabila ng pag hihirap na nararamdaman ko ay pinilit kong ipinakita na hindi ko kailangan ng kahit anong tulong. Mariin akong napa kagat sa ibabang labi bago tignan ang babaeng anghel kasama ko. "I can take care of this myself! Save your energy by healing your self!" Malakas at may tono kong sambit sa kaniya. Kita ko ang pamimilog ng mga mata niya at pag kaawang ng bibig sa sinabi ko. Alam kong hindi ko siya mauuto sa mga sinasabi kong pag dadahilan, dahil kitang kita sa pwesto at sitwasyon ko ngayon kung gaano ko kailangan ang tulong. Pero hindi ko na pwedeng palalaain pa ang lagay niya. Lalo na't sigurado akong may magagamit pa siyang mahika kumpara sa akin. At isa pa, hindi buong at kawang kasinungalingan ang mga sinabi ko sa kaniya. Sigurado akong... wala siyang palag sa isang Earth Demon na ganito. Muling napunta ang tingin ko kay Santina na naging iisa na sa kakambal niyang si Rosa. Panigurado akong hindi ganito ang totoo nilang katauhan na anyo. Sadyang naging iisa lang talaga si Santina at ang kakambal niyang si Rosa nang pumanawa ito... ang pag iisa ng dalawang kambal na nahati sa dalawa ang lakas. Ito ang totoong katauhan ng isang Cambion. Isinara bukas ko ang mga daliri ko sa kanan kong kamay na gawa sa bato hanggang buto. Huminga ako nang malalim habang malalim ang iniisip. Kung kailangan ko silang talunin sa pangalawang pag kakataon, hindi na 'ko dapat pang mahirapan. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, tinalasan ko ang bawat pakiramdam ko gamit ang kakayahan na ibinigay sa akin ni Loki. Mabilis ang bawat kilos ko habang buhat buhat ang medyo mabigat kong kamay na bato. Kailangan kong sapakin lang siya sa pangalawang pag kakataon! Mabilis ang bawat pag kilos at galawa ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat pag tama sa akin ng pag hampas ng hangin. Sa tingin ko ay naninibago pa ngayon ang katawan ni Santina sa sarili niya... dahil ito pa lamang ang unang beses na nangyaru at naging iisa sila ng kakambal niyang Rosa. Panigurado akong pati ang isipan niya ngayon ay wala rin sa sarili. Kung gano'n, panigurado akong hindi siya nakakapag isip pa nang maayos. Kinuha ko 'yon bilang isang chansa at pinag isipan ko ang magiging bawat galaw ko. Pinalibutan ko si Santina na nanatiling tulala sa pwesto niya at hindi gumagalaw. "I'll take this as a chance!" Mahinang bulong ko sa hangin. Umamba akong sasapak sa harapan ko, pero parang sa nangyari nung unang pag kakataon, sa isang iglap, nawala si Santina sa harapan ko. Namilog ang mga mata ko sa nangyari at hindi kaagad na proseso ito ng utak ko dahil sa bilis. Natauhan na lang ako nang makaramdam ako ng malakas at madiin na pag kakasapak sa kaliwang bewang ko. Parang bumagal ang pag takbo ng oras nang unti unting bumaon ang kamao ni Santina sa bewang ko. Napadura ako ng dugo kasabay ng muli kong pag tilapon. "LILITH!-" Rinig kong pag tawag sa akin ng auntie ng mortal. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko, kita ko ang pag akma niyang pag lapit sa akin. "STOP!" Mabilis na pag tigil ko sa kaniya na kinatigil niya sa pag takbo. Pinilit ko ang sarili kong tumilapon ng nakatayo, nang sa gano'n ay hindi na tumama ulit ang likod kong bali na at bewang ko sa kung ano. Napaismid ako nang maramdaman ko ang pag sakit ng paa at binti ko dahil sa pag gamit ko rito para itayo ang sarili ko sa pag tilapon. Nawala sa isipan ko na marami siyang mga mata at nakikita niya na rin ang lahat. "T-Tsk, ang bilis niyang kumilos-" Mahinang giit ko sa sarili nang matigilan ako. Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang biglang bumigat ng kusa ang pakiramdam ko. Tila namilog kaagad ang mga mata ko nang makaramdam ako ng presenya sa likuran ko. Agad akong napalunok nang malalim at lumingon sa likuran ko nang hindi ko ito na tuloy. Sinalubong ako ni Santina ng isang suntok sa mukha dahilan ng muling pag tilapon ko. Nararamdaman ko na ang panlalabo ng mga mata ko habang nasa ere ako at tumilapon. Mabigat na ang bawat pag hinga ko at parang namamanhid na rin ang buo kong katawan dahil sa sobrang sakit ng mga natamo ko. Parang bumagal ang pag takbo ng oras habang nasa ere ako habang namamaga ang mga mata at hindi na makakita pa nang maayos. B-Bwisit... hanggang dito na lang ba talaga ako? Mariin akong napa kagat sa ibabang labi habang nanlalabo na ang tingin ko sa paligid. Hindi hamak na isa lang cambion ang kaharap ko... isang cambion pa lang. Kumpara kay Azza na anim ang mga kamay at anim din ang mga mata ay apat pa lang ang sa kaniya. Sa susunod na pag kikita namin ni Azza, paniguradong naka tadhana kaming mag laban. P-Paano ko siya magagawang maka harap kung dito pa lang ay wala na akong laban? Hindi lang si Azza... kumpara sa kaniya, ang kakayahan na meron pa ang iba pa naming mga kapatid ay baliwala pa. Parang natutuyo ang lalamunan ko at nahihirapan akong huminga habang inaalala ang mga kapatid ko at ang mga kakayahan nila. Tila nawawalan na ako ng pag asa ngayon pa lang kahit hindi ko pa sila nakakaharap. Sa isang cambion pa lang ay nahihirapan na ako... paano pa sa isang royal leader? Humigpit ang pag kakasara ng kamao at mariin akong napa ismid. Nag sisimula na akong mag duda kung tama ba talaga ang desisyon na pinili ko. Kung tama na naman ba ang bagay na pinasok ko ngayon ang magiging katulad lang ito ng nangyari noon... wala akong napala... at nawala ko pa ang lahat na meron ako. Nawalan ako ng ekspresyon habang nakatulala ako sa kalangitan gamit ang walang buhay kong mga mata. Habang malalim ang iniisip ay parang nag bago ang tingin ko sa paligid. Imbis na nasa ere ako ay paki ramdam ko ay naka lutang ako sa tubig. Bigla na lamang gumaan ang buong pakiramdam ko. Nawala ang bigat na nararamdaman at nakadagan sa mag kabilang dalawang balikat ko kanina. Parang kusang gumaling ang mga sakit na nararamdaman ko. P-Patay na ba ako? Nakatulala ako sa kawalan. Nang bigla na lang may pumasok sa isip ko... Isang larawan... Larawan ng isang pamilyar na tao. Wala sa sarili akong napa ngiti nang makita ko ang pamilyar na tao na 'yon. It felt like that person is watching me right now... and it is making me feel alright and happy. Pakiramdam ko ay chini cheer niya 'ko ngayon kung nasaan man siya ngayon. Kusang kumurba ang labi ko sa isang ngiti at wala sa sarili akong tumango. "Watch me... watch me, my hero." Marahang sambit ko sa hangin. Kusa akong nagising sa katotohanan. Muling sumalubong sa akin ang asul na kalangitan at nararamdaman ko ang pag hagis sa akin sa ere. Muli akong bumalik sa kaganapan kung nasaan kami kanina, nasa ere ako nang sapakin ako ni Santina. Kahit muling bumalik ang sakit ng katawan ko, ang pan lalabo ng mga paningin, at ang pawawalan ng lakas. Hindi na 'ko nakaka ramdam pa ng kaba. Para bang nawala na ang takot na nararamdaman ko kanina at gumaan ang tensyon para sa akin. Sa pangalawang pag kakataon, sinubukan kong itayo ang sarili ko sa pag tilapon. Ramdam ko ang pag c***k ng buto ko sa kaliwa kong paa. Pero hindi ko na 'to ininda. Napa dura ako ng dugo bago walang kaemo emosyong napa tingin sa cambion na kaharap ko. Wala sa sariling nag lalakad papa lapit sa akin si Santina. Para bang wala diyang nakikita at wala siya sa katinuan. Huminga ako nang malalim bago ko maramdaman ang unti unting pag babago ng kanan kong kamay na gawa sa bato hanggang buto. "Huwag kang mag alala, isasama na kita sa kakambal mong si Rosa, Santina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD