CHAPTER 3

1345 Words
“GIO ZION HARKIN POV” INIS na inis ako habang nakatingin sa pinto ni Amelia, how dare her! Hindi ko alam kung Anong gagawin ko para mapalayo siya sa cheater at manloloko na si Rean Velasco. Close friend ko si Rean at Siya Ang Kasama ko noong hindi pa gaanong sikat Ang G company. “Boss, pinatawag mo daw ako” nakangiti nitong wika, may bitbit pa itong mga pagkain sa kamay niya. Sinasadya ata ag Isang ito na makita ko Ang bitbit niya. “Yeah, titingnan ko lang Ang schedule ko ngayon kung meron bang meeting o Wala dahil ilalabas ko si Eivon” tumango tango naman siya at agad na tiningnan Ang bitbit niyang files. “Wala Kang meeting ngayon, ibig Sabihin ba nito ay pwede na rin kaming umuwi ni Amelia?” Kunot noo ko naman siyang tinitigan. “At bakit Kasama si Amelia, magkaiba Naman ng direksyon Ang Bahay niyong dalawa?” Ngumisi naman ito Sakin. “Boss, ex niyo na siya kaya pabayaan niyo na ako sa gagawin ko” nakangisi nitong wika na nag pa init Lalo ng ulo ko. Paano nalaman ng Loko na ito na ex ko si Amelia, nag oover share na naman siguro ang babaeng iyon. “Pwede ba Rean, mag hanap ka ng ibang babae na gusto mong landiin!” Natawa Naman siya ng dahil sa sinabi sakaniya, na Akala mo ay may nakakatawa sa sinabi ko. “Boss Hindi ko alam kung bakit ka ganiyan ka mag react ex mo na si Amelia at may Eivon kana sa Buhay mo, ipaubaya mo na siya Sakin nag bago na ako at Hindi ko siya sasaktan katulad ng ginawa mo noon sakaniya.” seryuso nitong wika. Napabuntong hininga naman ako ng dahil sa sinabi niya Sakin. Para akong sinapak dahil totoo Ang sinabi niya, Nakita ko kung gaano ka desperada Sakin noon si Amelia na makipag balikan pero itinulak ko siya palayo, ngayong Nakita ko siya ay Hindi ko alam kung bakit kumakabog parin ng husto ang dibdib ko. It's been 4 or 5 years pero ganun parin Ang nararamdaman ko para sakaniya at itong nararamdaman ko ay di ko man lang naranasan kay Eivon. “Are you okay boss?” wika Naman ni Rean Sakin. Bumuntong hininga na lamang ako at tumango. “Umalis kana ayukong Makita ka pa” walang gana ko namang wika. Nag kibit balikat lang Naman ito at agad Naman siyang umalis, napasandal na lamang ako sa swivel chair at inikot ikot ito. Bumalik lang ako sa katinuan ng biglang tumunog ang cellphone ko, sinagot ko Naman kaagad ito ng Makita ko Ang pangalan ni Tristan sa screen ko. “Oh ano?” bungad ko kaagad dito. “Psh, ganiyan ba dapat batiin Ang isang gwapong katulad ko?” wika nito na nag painis Sakin Lalo. Irritable ako ngayong Araw, dinagdagan pa talaga ng kupal na ito gusto ko tuloy siyang sapakin. “Nabalitaan ko andiyan daw si Amelia sa company, pa simple ka rin e!” natatawa Naman niyang wika. Napangisi Naman ako, Ang bilis talagang maka kuha ng chismiss nitong ul*l na lalaking ito. “Psh, di ko sinasadya na siya ang irerecommend sakin ng ibang company.” “Sus! Kunwari ka pang Hindi Ang Sabihin mo mahal mo pa siya kung iwan mo nalang kaya yang si Eivon total napilitan ka lang Naman dahil may sakit yan.” wika nito. Bumuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya, ito Ang dahilan kung bakit ayukong umalis sa tabi ni Eivon may sakit siya sa puso at Sabi ng kaniyang doctor ay Kailangan niya ng Kasama dahil bawal itong masaktan at mapagod. She's so fragile and weak kaya iniwan ko si Amelia alam ko Naman na kakayanin ni Amelia Ang lahat. “psh, mananatili ako sa tabi ni Eivon alam mo Naman na matagal ko ng matalik na kaibigan si Eivon diba? Siya din Ang first love ko” nakangiti ko namang wika. “Gio, payong pinsan lamang ha kung patuloy mong itatago at isasakripisyo Ang kaligayahan mo para sa iba Ikaw lang Ang kawawa. Sana lang Hindi dumating Yung Araw na maging regrets mo sa Buhay yung mga maling desisyon na ginawa mo. Ewan ko sayo bro, napaka tanga mo sarap mong sapakin” inis na wika naman ni Tristan Sakin. Di na ako nakapag salita dahil kaagad Naman niyang pinatay Ang tawag, halos lahat ng pinsan ko ay tinatawag akong g*go, t*nga at b*bo. Sa limang taon ganun na mga salita lagi Ang natatanggap ko ngunit hindi ko na alintana ang mga iyon. Ang importante Buhay si Eivon at malakas ito. “Honey” bigla Naman akong napatingin sa pintoan ng bumukas ito. NAKANGITI namang pumasok sa loob si Eivon, naka kulay puting damit ito napaka inosente niyang tingnan at sobrang hinhin niya. Paano ko sasaktan Ang isang tulad niya? Tumayo Naman kaagad ako at sinalubong siya, hinalikan ko Naman kaagad siya sa pisngi niya. “What are you doing here, diba Sabi ko sayo na mananatili ka lang sa Bahay. Baka ma Pano ka” Ngumiti naman ito ng malapad Sakin at ngumuso. Napangiti Naman ako dahil ginagawa din ito ni Amelia, sa tuwing gagawin ito ni Eivon minsan nasasambit ko Ang pangalan ni Amelia kaya nag aaway kaming dalawa. “Honey bored na kasi ako e, I need some fresh air and gusto kitang Kasama” napangiti Naman ako at ginulo ko Naman Ang buhok niya. “Okay, Wala Naman akong meeting Tara na” sambit ko at agad ko namang hinawakan Ang kamay niya. Lumabas Naman kaagad kami sa office sakto Naman at lumabas din si Amelia at Rean, tatawa tawa Silang dalawa na para bang tuwang tuwa Sila sa pinag uusapan nila. Natigilan Naman si Eivon at tiningnan ako ng seryuso. “Why she's here?” malamig na wika nito. Tumingin Naman ako sa gawi niya at hinaplos ko ng bahagya Ang kaniyang Mukha. “Don’t be mad honey, Hindi ko Kasi alam na siya pala Ang tinutukoy ng ibang company it's too late kasi napermahan na Ang kontrata si Rean Naman Ang nag asikaso ng lahat at Wala akong magawa” Bumuntong hininga naman siya at agad Naman siyang yumakap sa braso ko. Nakita ko Naman sa gilid ng mata ko Ang pantingin ni Amelia samin kaya agad ko namang inakbayan si Eivon. Naiinis naman ako ng biglang hinawakan ni Rean si Amelia sa bewang niya kita ko Ang gulat ni Amelia ngunit agad Naman siyang nakabawi, ngumiti naman siya ng matamis Kay Rean. “They look good together right honey?” wika Naman ni Eivon habang nakatingin Sakin. “A-ah, y-yeah. Tara na” walang gana ko namang sambit. Hinawakan ko Naman kaagad Ang kamay niya at umalis na kaagad kami. Hindi Naman ako umimik at patuloy na inaalala Ang sinabi ni Tristan Sakin kanina. Hindi ko alam kung susundin ko ba Ang gusto niya o hindi . “Do you still love her?” biglang Tanong Sakin ni Eivon na nag pahinto sa kinaroroonan ko. Tumingin Naman ako sa gawi niya at seryuso siyang tinitigan. “Why you you still ask the same question, alam mo Naman Ang sagot ko diyan ” inis na wika ko Dito. “Gio, wag mo nga akong niloloko!” naiiyak na wika niya. Bumuntong hininga naman ako at agad ko Naman siyang nilapitan at niyakap ng sobrang higpit. “Shhh, Tama na. I don't love her” wika ko Dito habang hinahaplos haplos Ang likod Niya. “You promised that you choose me over her” umiiyak nitong wika. Agad ko namang hinawakan Ang Mukha nito at pinunasan Ang luha niya. “Yes, I will choose you” sambit ko at agad ko namang hinalikan Ang kaniyang noo. “Let’s go, wag ka ng umiyak pumunta na muna tayo sa favorite spot mo okay?” wika ko Naman Dito para gumaan Ang kaniyang pakiramdam. Ngumiti naman siya Sakin at agad Naman itong pumasok sa loob ng kotse ko, sumunod Naman ako at agad ko ng pinaandar Ang makina at umalis na kaagad kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD