"Bakit hindi ka na lang magpalit ng number, Miss President?" tanong ni Reed. Nakita niya kasi na may tumatawag na namang unregistered number sa cellphone ko. "Ah. Hinihintay ko na lang 'yong sim card na ipadala sa akin. 'Yong assistant kasi ni Kuya ang nag-asikaso." "Nice!" sambit nito. "Hindi mo na kailangang pumila sa service provider para magpalit ng postpaid line mo." natawa ito. "Kung magpapalit ka rin ng number, sabihin mo sa akin para ipapalakad ko rin sa assistant ni Kuya." alok ko rito. "Hala! Huwag na, Miss! Baka pagalitan pa ko ng Kuya mo." napakamot ito sa ulo. "Iba talaga kapag bigatin." "Uy! Hindi naman." sabi ko rito. "Pero, curious lang ako, anong family business ninyo?" "Lightings and Fixtures." maikling sagot nito. "Wow! Dapat pala sa inyo na lang kami magp

