Biglang bumuhos ang malakas na ulan pagdating namin sa Manila. Mga 30 minutes pa bago kami makarating sa OPR Residences. “May bagyo ba?” tanong ko rito. Nagkibit balikat lang ito. Parang wala naman akong nabalitaan na bagyo ngayong araw na ito. Napakalakas ng buhos ng ulan. Tumatawag ang kapatid ko. He’s been checking up on me almost every 30 minutes. Ugh! “Hello, Kuya…” “Nasaan na kayo?” tanong nito. “Nasa Manila na po.” “Malakas daw ang ulan dyan. Mag-ingat kayo.” sabi nito. So, walang ulan doon sa Tagaytay? “Yes po.” “Dumaan kayo sa Meadows, para kumain sa restaurant. Nagpahanda ako ng food.” sabi nito. Wow! Ang bait naman ng kapatid. Eksakto talagang nagugutom na ako. “Gavin, daan daw tayo sa Meadows, may food na pinaprepare si Kuya.” sabi ko rito kay Gavin. Tuma

