As expected, kay Gavin pa rin ako sumabay pauwi. “D’yan ka na, Miss. Ayaw kaming pasakayin niyan sa car niya.” may himig pagtatampong sabi ni Arkin. “Napakagulo mo kasi!” sabi ni Reed na tatawa tawa pa. Sinamaan niya ito nang tingin. Natawa lang si Gavin sa sinabi ng kaibigan. “Ingat kayong lahat.” sabi ko sa mga ito. “Bye guys!” Napasulyap ako sa wrist watch ko. Past eleven na. Sobrang late na, pero hindi pa ako hinahanap ng Kuya ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mag-aalala. Hindi na yata ako mahal ng kuya ko. Habang nasa byahe pauwi ay ang hirap na namang makipag-usap. Hindi ako magaling sa ganitong sitwasyon lalo na kapag ang kasama mo e hindi rin naman palasalita. Ang weird din kasi niya lately. Hindi ko na alam! Binuhay nito ang stereo dahil siguro sobrang tahi

