MADISON’s POV It’s the second day of the event. Nakakapagod pero worth it kapag nakita mo ang masasayang mukha ng mga estudyanteng kasama sa workshop. Ang aaga nila dumating, 30 minutes pa pero halos kompleto na ang mga bata. Nagbi-breakfast pa kaming mga organizers kasama ang The Great sa kabilang conference room. Si Gavin lang ang hindi kumakain, tulog na naman ito. Hindi nito ginalaw ang kanyang pagkain. Nakayuko ito sa lamesa. He’s not a morning person. Alam naman ng lahat ‘yon kaya hindi na namin siya inistorbo. “Sabay ba kayo kanina?” mahinang tanong ni Evan kay Tristan. Inginunguso pa niya si Gavin. “Yeah, para daw makatulog pa siya sa byahe.” sagot ni Tristan dito. Mukhang hindi na naman nakatulog si Gavin ng maayos o sadyang hindi lang niya kaya gumising ng maaga. Ang

