“Ganyan na ba talaga kapag in love?” naiiling na sabi ni Sean. Nakabantay ito sa pintuan habang kausap ko si Madison. Tsismoso talaga kahit na kailan. Buti na lang at hindi na narinig pa ni Madison ang sinabi nito dahil na-end ko na. “Ano na? Aalis pa ba?” tanong nito. Sumulyap pa ito sa wall clock saka tumingin sa akin pabalik. Ang aga pa naman kasi kaya hindi ako kumikilos. “Gusto mo ba’ng mauna na?” tanong ko rito. “Sira ka ba? Sino ba ang kaibigan nila Tristan? Ako ba?” “You’re one of our friends so, I think it’s okay.” “Sige…” sabi nito. “Mamaya na lang tayo umalis baka tumawag pa si Madison…” sabi nito. “Ikaw, Gavin Grey Lopez Salazar-” “Stop calling me that, Sea!” sigaw ko rito. Itinaas nito ang kamay bago muling nagsalita. “Gavin, guard your heart. Masyado ka na nama

