Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang mga pangyayari kanina sa school. Talaga bang dahil lang sa pag-confront nila nang kagigising si Gavin kaya ito nagalit? Baka may galit ito sa akin. Wala naman akong maalalang encounter naming dalawa. Hindi pa nga kami nagmi-meet ever. As in, hindi ko maalala na mayroong pagkakataon sa school na nagkausap kami para magkaroon siya ng galit sa akin. "Princess, what's the problem?" tanong ni Kuya Maze sa akin habang kumakain kami ng dinner. Ang sarap pa naman ng ulam namin, kaso wala akong gana. "May hindi lang magandang pangyayari sa school, Kuya." "Hmmm. What is it?" tanong ulit nito. "My Feasibility partner did not show up this morning in our supposed to be meeting. Then, we found him sleeping in our classroom." tiningnan

