Maaga akong nagising. Actually, hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa kaganapan kahapon sa school. “Pwede ko na yata ibenta ‘yang eyebags mo, Princess.” pang-aasar pa ni Kuya Maze. “Hindi ka na naman ba nakakatulog ng maayos?” tanong ni Kuya Malt. Hindi ako umiimik. I’m too tired para patulan ang pang-aasar ni Kuya Maze at masyado pang antok para magstart ng conversation. Gusto ko pa sanang matulog kaso gusto kong mauna sa mga kaibigan ko para didiretso na lang ako sa classroom. Maaga rin naman talaga ang pasok namin today. 9 o’clock ang first subject. “Princess, I will ask my secretary to assign a driver for you while Mang Fredie’s not available.” Kuya Malt said while we are on our way to school. Hinatid ako nito. “Huwag na, Kuya.” “It is for your own benefit naman, par

