Wala na akong nagawa kung ‘di ang mahiga. Naalala ko tuloy noong may sakit din siya at ako ang nag-alaga sa kaniya. Marahan nitong hinahaplos ang aking buhok. He is humming a song, but I am not sure of the title. Pamilyar lang pero hindi ko malaman kung anong kanta. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang mga pangyayari. I woke up alone… Nagpalinga-linga pa ako para hanapin si Gavin pero wala ito. Bumangon ako para silipin sa may bandang pintuan pero wala ito. Nahihilo pa rin ako. Napasulyap ako sa orasan, mag-aalas kwatro na pala. Hindi ko namalayang kinumutan ako nito. Nahulog pa ito sa sahig. Nahirapan pa akong damputin ito dahil masakit pa rin ang ulo ko. Saan kaya ito nagpunta? Hindi siguro ito sanay magbantay ng may sakit kaya iniwanan na lang ako pagkatapos kong makatulog.

