Dahil sa pag-amin ni Gavin ay hindi na tumigil ang mga kaibigan ko sa pang-aasar. Lalo na si Macy at Trixie. “Girl, ibang klase rin talaga si Gavin ‘no? Straightforward!” kinikilig na sabi ni Trixie. “Grabe, Madison! Ewan ko na lang sa’yo kung hindi ka pa kiligin!” sabi ko rito. “Ang iingay n’yo! Hindi ako makapag-concentrate dito sa ineedit ko!” sabi ko sa mga ito. Ibinalik na kasi ng prof namin ‘yong research paper namin at mayroon siyang ipinapabago. Nagpaiwan pa kami sa school para matapos namin, nauna na ang The Great sa pag-uwi. “Ay, grabe s’ya! Patay malisya ah!” sabi ni Macy. Naiiling na lang kaming dalawa ni Shane sa kulit ng mga kaibigan namin. “Ito na ‘yong sign na pinag-uusapan lang natin kanina ‘di ba?” sabi ni Trixie. “Action speaks louder than words, nagsalita

