“Madison, anak… bumangon ka na riyan at tanghali na, nagagalit na ang mga kuya mo.” “Yaya…” pagmamaktol ko. Hinihila nito ang kumot ko. “Paakyat ang mga kuya mo…” sabi nito na nagpabalikwas sa akin mula sa pagkakahiga. Kaso, sumakit ng husto ano ko. Napahawak ako sa sintido ko, para akong masusuka pero pinipigilan ko. Umiikot ang paningin ko. Hangover! Ugh. “Bakit ka ba kasi nag-inom, anak? Alam mo namang magagalit ang mga kuya mo kapag ganyan.” Hindi na ako umimik. Wala naman akong rason na maibibigay. Tanging iniinda ko talaga ay ang sakit ng ulo ko at ang pagkahilo ko. Nasusuka talaga ako… Tumakbo ako sa CR. Sinundan naman ako ni Yaya Mela. Hinagod nito ang likod ko habang sumusuka ako sa toilet bowl. Guminhawa nang bahagya ang pakiramdam ko matapos kong mailabas ang lahat

