“Nagkausap na kayo bakit nakabusangot pa rin ‘yang mukha mo?” tanong ni Shane pagkatapos kong makausap si Gavin. “Wala naman siyang sinabi…” anas ko. “Paanong wala? Imposible.” aniya. “Uuwi raw siya. Hayaan mo na, ayaw ko na mag-isip. Tapusin na lang natin ‘to.” baling ko sa laptop. Susubukan ko ulit i-balance ang worksheet nila Shane. Kailangan ko lang mag-focus. “Naku, Madison! Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Kung uuwi na siya ngayon, kausapin mo na siya kaagad kapag pinuntahan ka.” I’m scared. Kung saan ako natatakot ay hindi ako sigurado. Hindi na ako umimik kay Shane at pinagtuunan na lang ng pansin ang Excel sheet. Kumpleto na ang detalye, may problema lang talaga ang utak ko at hindi ko mahanap kung saan ako nagkamali. “Sabi ni Reed, stressed si Gavin mula pa

