Chapter 35: Surprise 24 days later.. "Dee, ito pa. Say ahh..." "Busog na ako. Excuse me." Napakagat ako sa aking ibabang labi nang umalis si Dee sa hapag kainan kaya napatigil sa ere ang hawak-hawak kong kutsara na may lamang pagkain na isusubo ko sana sa kanya. "Hindi pa rin ba kayo bati ni kuya Skeet, Ate?" tanong ni Silver na kaharap ko sa hapag. Iniling-iling ko ang aking ulo at ibinaba ang kutsarang hawak ko. "Hayaan mo, ate, gusto lang yata ni kuyang lambingin mo siya. Alam mo naman si kuya magulo ang utak," ani Gold at hinimas-himas ang aking likod. Tumango-tango na lang ako kahit na sa totoo lang ay gusto ko nang magtampo kay Dee. Tatlong linggo na niya kaya akong hindi pinapansin. Humingi na naman ako ng sorry sa kanya, ah. "Nawalan na rin ako ng gana. Akyat na 'ko, ha?"

