Chapter 27: Tears AMETHYST'S POV (Skeet's Mom) Galos-galos na katawan. Putok ang mga labi. Naliligo sa sariling dugo. Hindi ko napigilang mapaiyak matapos naming makausap ang saksi sa pagkakabundol kay Nisyel. Kusang sumuko ang driver ng sasakyan matapos ang hindi sinasadyang aksidente. Ang sabi ng mga nakasaksi naka-green daw ang traffic lights kaya walang kasalanan ang driver dahil bigla na lamang sumulpot si Nisyel sa gitna ng kalsada. Parang nadudurog ang aking puso nang makita siya kanina na walang malay na nakahimlay sa stretcher habang ipinapasok sa emergency room. Bakit kailangang mangyari ito sa kanya? Ano'ng kasalanan niya para parusahan siya ng ganito ng pagkakataon? Si Nisyel na walang ginawa kundi ang magpakita ng kabutihan sa kanyang kapwa. Napapangiti niya ang sinu

