Chapter 1

1371 Words
CHAPTER 1 PAIGE'S POV   Naiinis ako! Parang gusto kong gibain ang buong The Camp. Natanggap ko kahapon ang mission ko. I need to protect a well known businessman. Dahil nag-aalala ang isa niyang kaibigan ng lalaki na halos kapatid na ang turing sa kaniya na si Harvey Mendoza.   Dalawang beses na kasing napagtangkaan ang buhay ng businessman na yon na si...anyway...they failed to kill him at ngayon gusto siyang pabantayan ni Harvey at the same time hanapin ang nagtatangka sa buhay niya.   Walang kaso sa akin kung delikado ang trabaho na ito. Sanay na ako. Ilang taon na akong nagtatrabaho sa The CAMP. Organisasyon na itinayo ng mga magulang ko. Organisasyon kung saan tumatanggap kami ng mga mission kung saan kinakailangan namin na mag-undercover.   But this mission...I don't want it. Halos magmakaawa na ako na wag ibigay sa akin ang mission na ito, pero wala akong choice dahil kasalukuyang may mission din iyong iba.   I don't want this mission because Aries Liam Wright, the person I need to protect, is my ex-fiancee. Simple lang ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ako sa kaniya, I can't stay with him dahil nalalagay na siya sa panganib noon ng dahil sa akin ng hindi niya nalalaman. Mabuti na lang at nagawan na namin ng paraan bago pa niya malaman ang katotohanan.   Dahil sa nangyari, bumalik ulit sa akin ang mga pangamba na inalis ko sa isipan ko noon. Na kung bakit hindi pwedeng maging kami. Kaya ako nakipaghiwalay sa kaniya.   At eto nga ngayon, siya pa ang babantayan ko. Ang alam ni Harvey, meron lang nagbabantay sa malayo hindi niya alam na ako iyon. Alangang sabihin ko sa kaniya eh kilala niya ako.   Napabuntong-hininga ako at nanggigigil na ipinalo sa malambot na armrest ng kinauupuan ko na sofa ang cellphone ko. Kanina ko pa tinatawagan ang nakakatanda kong kapatid na si Craige. Mukhang alam niya na magbaback-out ako kaya hindi niya sinasagot.   Apat kaming magkakapatid. Ako lang ang nag-iisang babae. Sa pangalan namin kinuha ang pangalan ng The CAMP. Craige, Andreige, Marveige and Paige.   "Wag mong hawakan yan, Lian. Mamaya may may-ari niyan magalit pa sayo."   Napatingin ako sa babae at lalake na nasa harapan ko. Mukhang mag-asawa. Siguro ay empleyado din sila dito o may kaibigan lang na dinalaw. Hindi naman sila mukhang nag-a-apply na secretary hindi katulad ko. Kanina pa ako nandito sa Wright at naghihintay kung kailan ako ipapatawag para sa interview ko. Ako na nga lang ang natitira dito dahil natapos na ang iba.   "Gusto ko ng ganito. Bibili nga ako mamaya. Samahan mo ako Jake, please?"   "Sige- Damn!"   Napapitlag sila pareho ng magdekwatro ako at kumurap. Tumingin din ako sa kanila at nagtaas ng kilay.   "Cool! Gumagalaw yung manika-"   I tried not to roll my eyes. "Hindi ako manika, miss. Tao ako."   Nanlaki ang mga mata nila. Napabuntong-hininga naman ako. Lagi nalang ganito kahit saan ako magpunta napagkakamalan akong manika. Last time may bata na lumapit sa akin sa mall at pilit na pinabibili ako sa nanay niya.   "Miss, ikaw na ang sunod." sabi ng babae na lumapit sa amin.   I know her dahil pinag-aralan na namin ang lahat ng tao dito sa company na ito. She's the secretary at aalis na siya dahil mag-aasawa na siya at titira sa ibang bansa. Tumayo ako at nakita kong napaatras ang ibang tao doon na mukhang dadaan lang sana.   Minsan inconvenient din ang mukhang ‘to.   "This way, ma'am."   Tumango ako at sumunod sa kaniya. Buti na lang nagpalit noon ng secretary si Aries at least hindi ako kilala ng secretary na ito.    Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng office ng makarating ako roon. Wala pa rin namang bago. Parang noong kami pa rin. That sofa, that connecting door that leads to a room, iyang table. I can still remember how we- Whatever.   Napalunok ako ng makita ko ang taong hindi ko kailan man naisip na makikita ko ulit. Nakatayo siya at nakatingin sa glass wall.   "Sir, nandito na po ang last applicant."   Tahimik na umupo ako nang umalis na ang secretary at inintay lumingon si Aries na mukhang malalim ang iniisip. Ilang segundo din siyang hindi umaalis sa pagkakatayo niya kaya mas natitigan ko siya ng matagal. Walang nagbago. Parang mas gumuwapo pa siya.   "So Ms. Lawrence. You're applying as a-" napatigil siya ng humarap siya sa akin.   Nanlaki ang mga mata niya at natulala na parang nakakita ng multo. Alanganin na ngumiti ako sa kaniya at kumaway ng konti. "Good to see you again Aries."   "Paige? What the- What are you doing here?"   "Mag-aapply."   "As?"   "Secretary, of course."   "WHAT?!"   Napatakip ako sa tenga ko. "Aries! Maka-sigaw?"   "You can't. Hindi ka pwede dito at saka bakit ka nag-aapply as secretary? May negosyo kayo. Mayaman ka. Wag ka ng magtrabaho."   "Wag kang bad influence Aries. Gusto ko dito. Saka para bagong environment."   "No."   "Why?"   Kumunot ang noo niya sa akin pagkatapos ay napailing. "Paige, you broke up with me. Ex-fiancee mo ako. You dumped me. Hindi pa ba malinaw?"   "Wala namang kinalaman yon dito diba? At saka gusto mo bang makasuhan? Hindi ka tumanggap ng secretary dahil sa ex mo iyong babae? Move on Aries."   "I already did. But I still don't want you here."   Ouch. "Listen Aries- Sir. I lied. Naghihirap na kami. Ako pala. Tinakwil ako ng parents ko kasi nagkaroon ako ng boyfriend na rocker. Ang kaso kahit hiniwalayan ko na si Rock, my rocker ex- boyfriend, ayon tinakwil pa rin ako-"   "Wala akong pakialam. Hindi pa rin pwede. At wag kang magkwento ng love life mo sa akin dahil hindi ako interesado."   "Matitiis mo ba ang ex mo na maghirap? Na walang makain? Na walang matirhan?"   Titig na titig siya sa akin. Ngumiti lang ako at inintay ang sagot niya. Nang hindi makatiis ay nagsalita ako ulit. "Sige na Ar- Boss! Sige na please, please, tanggapin mo na ako."   "No."   "Tanggapin mo na ako o ipagkakalat ko sa mga empleyado mo na hindi ka marunong humalik and that you're a lousy lover."   "Walang maniniwala sayo."   "Sasabihin ko manyak ka."   "Still, no one will believe you."   Inuubos niya ang pasensya ko. "I'll tell them that I drop you like a hot potato. That I dumped you hard."   Kinabahan ako ng nagdilim ang paningin niya. Lalo na ng tumayo siya at tumukod sa lamesa dahilan para mapalapit ang mukha niya sa mukha ko. Napaatras ako.   "Are you threatening me?"   "If you're scared, then yes."   "I'm not scared."   "Then it’s not a threat."   Nakita kong napatingin siya sa mga labi ko pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin sa iba. Umupo siya ng maayos habang tila nag-iisip. Kilala ko siya. Hindi niya ako makakayang pabayaan kahit na sinaktan ko siya.   "Fine, be my secretary. Pero kapag nakaipon ka na-"   "Yes boss! Aalis na ako dito kapag may ipon na ako."   "Bawal magdala ng boyfriend dito. Hindi pwede na galitin ang mga tao, hindi ako pwedeng istorbuhin, wag kang lalapit sa akin kapag hindi kita tinatawag at wag mo kong kakausapin kapag wala akong tinatanong sa iyo."   "Okay!"   "You may go now-"   "Wait!"   Napatingin siya sa akin. Kaya mo yan Paige! "Wala nga kasi akong pera saka wala akong matutuluyan..."   "And?"   "Pwedeng tumira sa bahay mo?"   Mas mabuti iyon. Mas mababantayan ko siya. 24 hours. Tingnan ko lang kung makalusot pa sa akin ang nagbabanta sa buhay niya.   "No!"   "Eh di huwag!"   "Galangin mo ako, boss mo ako."   "Fine. I re-phrase, 'DI WAG PO BOSS!' Okay na?"   Tumayo na ako at naglakad paalis. Naramdaman ko na nakasunod sa akin si Aries. Palabas na sana ako ng pigilan niya ako sa braso. "Saan ka pupunta?"   "Pupunta sa rocker kong boyfriend. Ex pala. Baka pwede niya akong tanggapin ulit tapos makikitira ako sa bahay niya-"   "HINDI PWEDE!"   Napatakip na naman ako sa tenga ko. "Sabi mo hindi pwede sa bahay mo!"   "Nagbago ang isip ko. Pero hindi ka sa bahay tutuloy. Doon ka sa condo."   "Bakit? Akala ko hindi pwede?"   "Basta!"   Tumalikod na ako at lalabas na sana pero pinigilan niya ako ulit. "Saan ka pupunta?"   "Kukuha ng damit boss. Excited much ka lang?"   Binitiwan na niya ako at walang emosyon na tiningnan ako. "Fine. Sige, lumayas ka na. Bilisan mo at ayokong pinaghihintay."   Ay ewan! Maloloka ako! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD