Kinabukasan maaga akong nagising para mamili sa talipapa ng mga kailangan ko sa kusina. Hindi na nga ako nakapag hapunan kagabi dahil sa sobrang pagod at natulog ako kaagad.
Di nagtagal dumiretso na ako sa bayan para mamili maganda kasi mamili pag umaga kasi presko pa yung paninda lalo na yung mga isda. Pagkarating ko doon una kong pinuntahan ang pwesto ng isdaan.
"oh pave ! Kailan ka dumating ? Kamusta Ang byahe ? ." si Aling Mercy pala isa sa mga kapit bahay ko ,isa siya sa nakalapit ko ng tumira ako dito.
"naimbag abigat Aling Mercy. Kahapon lang po ako dumating." sagot ko
"oh ganun ba. Magtatagal kaba dito ? Matagal-tagal ka ring hindi naka balik ah." tanong naman niya
"Hindi ko po alam kung magtatagal ako.Kayo po kamusta kayo? " tanong ko
"ok lang naman ako.Inya ti ginatang mo ?(ano binili mo)" tanong ni Aling Mercy
" Wala pa po, pabili nalang ho ako ng isang kilo ng tulingan." Ani ko
"ito lang ba bibilhin mo ?" Aling Mercy
" ah hindi po may iba pa akong bibilhin, Mauna na ho ako sainyo ." paalam ko
Pagkaalis ko dun ay sunod kong pinuntahan ang karnehan. Saka ako sunod pumunta sa may gulay. Kaunti lang ang pinamili ko lalo na't ako lang mag-isa pagkatapos non ay nilagay ko muna ang iba kong pinamili sa sasakyan bago ako pumunta sa bigasan.Pagkatapos ko roon ay umuwi na rin ako dahil magluluto pa ako.
Pagkatapos kong kumain sinimulan ko ng maglinis sa bahay ko lalo na't matagal rin itong hindi nalinisan dahil matagal akong hindi nakabalik.
Malapit na akong matapos sa paglilinis ng marinig kong may tumatawag sakin sa labas. Napa tingin ako sa orasan at nakita ko na malapit na palang mag tanghalian.
Pumunta ako sa may likod ng bahay kung saan nagmumula yung boses para tingnan kung sino ang tumatawag sakin ng nakita kong si Nita pala ito ang kaibigan ko dito sa Praxedes.
"oh Nita ikaw pala yan. Napadalaw ka?"
tanong ko rito
"pave ! andito kana pala Hindi ka manlang nagsabi.Kung hindi pa nabanggit ng inay na nakita ka niya sa talipapa hindi ko pa malaman." mahabang litanya nito
"ahh kahapon lang ako dumating. Pasensya kana hindi kita nasabihan hapon narin kasi ng nakarating ako."paliwanag ko
"oh sige para makabawi ka sakin at minsan ka nalang dumalaw dito.Mamayang haponan dun ka sa bahay kumain. May kaunti kaming salo-salo."anyaya niya sakin
"oh sige susunod nalang ako roon at may tinatapos ako ." ani ko
"oh sige pumunta ka ah ,hihintayin kita " ani niya
Nang sumapit ang hapon ay nagmadali akong kumilos para maligo.Ayoko namang mahuli doon.
Pagkatapos kong maligo ay gumayak na ako paalis papunta kila Nita. Maglalakad lang ako papunta roon tutal malapit lang naman.Sa dalampasigan sa likod ng bahay na ako dumaan. Ang ganda talaga rito mapayapa ang pamumuhay.
Nung malapit na ako kila Nita napansin ko na medyo maraming tao sa may cottage sa likod ng bahay kila Nita.Medyo may kalayuan ng kaunti ang distansya ko sa cottage pero rinig na rinig ko ang tawanan nila.Lalapit na sana ako roon kasi nakita kong naroon si Nita ng may tumawag sa pangalan ko.
"pave ? kamusta?" paglingon ko ang kuya pa ni Nita si Nonoy
"oh Nonoy ikaw pala yan. Kamusta ? " tanong ko
" ito mabuti naman. Kanina kapa ba diyan ?." tanong Niya
"ah hindi kakarating ko lang ." Ani ko
"ah ganun ba halika , ipapakilala kita sa kanila" ani niya sakin
sabay kaming naglakad palapit sa kumpulan ng may sumigaw sa may cottage na kaibigan nila Nonoy
"uy Nonoy sino yan ? shota mo ? Naka jackpot ka ah " pabirong sabi nong hindi ko kilalang lalaki
Hindi ko naman sineseryoso ang ganung biro.Kung may isa sa natutunan ako sa pagbalik-balik dito ito yun kasi isa rin yan sa pagpapahiwatig ng pakikisama.
" hoy Erwin tumigil ka nga baka maniwala sayo si pave." ani ni Nonoy
"Nonoy ipakilala mo naman kami wag kang madamot." gatong pa nung isang kaibigan ni Nonoy
"oh sya , Ito nga Pala si pave taga manila sya.Pave mga kaibigan ko " pakilala niya sakin
Ipinakilala niya rin sakin ang kaibigan niya na ginantihan ko ng ngiti at pakikipag kamay ,kaso hindi ko na halos masundan at maalala ang pangalan sa dami nila.Pasimple ko namang inilibot sa mga taong naroon ang paningin ko.
Sa isang tabi napansin kong may isang lalaki na tahimik umiinom at base sa pananamit niya masasabi kong galing ito sa marangyang pamilya. Hindi naman ako magtataka kung may mayamang kaibigan sila Nonoy kasi noong nakaraang balik ko dito ay may ipinakilala siya sakin na nagmula din sa marangyang pamilya.Kaya hindi na ako magtataka kung may kaibigan silang mayaman.
"so taga manila ka Pala pave . Paano ka napadpad dito ?" tanong ng kaibigan ni Nonoy
"ah hindi bali nag-aaral lang ako sa manila pero taga Mindanao ako" sagot ko
"alam niyo ba na itong kaibigan ko mag e- engineer to " pagyayabang ni Nita
"ah talaga ba pave. Hindi ba mahirap na kurso yun ?" tanong ng isa sa kaibigan ni Nita
"ah medyo mahirap pero tiyaga lang." simple kung sagot
Hindi kalaunan pagkatapos kumain ay naglabas na sila Nonoy ng inumin at nag karaoke na din na hindi mawawala kahit pa sabihing maliit na salo-salo lang. Kaming mga babae ay nasa kabilang bahagi ng cottage at nasa kabila naman ang mga lalaki.
"pave pansin ko kanina pa nakatitig si Sandro sayo siguro may gusto nayan sayo " bigla namang sabi ni Dani na kaibigan ni Nita
"Hindi baman siguro , baka si Sofie ang tinititigan niya " Sabi ko , kasi magkatabi naman kami baka napagkamalan lang
"Hindi ah , hindi naman ganyan si Sandro eh" gatong naman ni Sofie
"baka kasi bago ako sa paningin niya , syempre hindi ako taga dito at ngayon lang kami nagkita naninibago lang siguro" pagdadahilan ko
"lage namang may bago yang nakikilala pero hindi ganyan" sagot naman nung isa
" baka nakatulala lang , baka may iniisip" Ani ko
" nakatulala sa ganda mo at iniisip ka yiee" kantyaw ni Nita na sinamahan pa ng sundot sa tagiliran ko.
Nagsitilian naman yung mga kasama naming babae dahilan para mapa lingon yung mga lalaki sa gawi namin.
"oh ano yan , Sali niyo naman kami " hirit ni Nonoy
"usapang babae Nonoy , wag kang tsismoso" pagtataray naman ni Dani
Pasimple ko namang tinignan ang lalaking sinasabi nilang lalaki at nakatitig nga ito. Ano bang problema nito at bakit siya naka titig . Umiwas nalang ako nang tingin at nakinig sa kwento ng mga babae. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung titig nung lalaking nag ngangalang Sandro lalo na't nararamdaman ko. May kung ano sa titig niya na hindi ko maintindihan ang epekto sakin.Sobrang intense niya kasi tumitig sakin.Yung titig ba na parang may balak ewan ko hindi sa nag aassume ako pero arggh.
Habang lumalalim ang gabi parami na rin ng parami ang inomin. Yung iba kong kasama medyo may tama na , sila Nita sumasayaw na habang kumakanta sila Dina. Hindi naman ako uminom ng marami at hindi rin ako madali malasing pero siguro dahil sa pagod sa byahe kahapon at sa paglilinis kanina nakaramdam ako ng antok. Napagpasyahan ko na magpaalam na uuwi nalang .
"Nita uuwi na ako ha inaantok na kasi ako" paalam ko kay Nita na tumango lang dahil sa kalasingan naka pikit na siya sa may upuan sa cottage.
"Nonoy mauna na ako , inaantok narin kasi ako " paalam ko kay Nonoy
"ha sigurado ka ? gusto mo ihatid na kita ? pero ipapasok ko muna si Nita kasi lasing na lasing na hindi na kaya tumayo antayin mo ako dito " mahabang litanya nya
"nako wag na kaya ko namang mag isa, atsaka malapit lang ang bahay ko dito " sagot ko
"siguro ka ? mag-iingat ka ha " Sabi niya na tanging tango lang ang sagot ko.
Naglalakad na ako pauwi , dun parin ako dumaan sa dinaanan ko kanina.Sobrang tahimik na ng paligid tanging buwan lang ang ilaw ko bukod sa flashlight sa cellphone kong malapit na ma lowbatt. Nang sa kalagitnaan ng paglalakad may parang naramdaman akong sumusunod sakin ayaw ko namang lumingon at baka iba ang nakita ko.Kaya binilisan ko nalang ang paglalakad at naramdaman ko ding parang bumilis ang lakad ng tao sa likod ko.Nang nasa madilim na parte na kami yumuko ako at nagkunwaring nagpapag ng paa pero pasimple akong dumakot ng buhangin .Para pag mag kagipitan yun ang magiging sandata ko .
Nung maramdaman jong malapit na siya bigla akong humarap at sinabuyan siya ng buhangin sabay takbo.
Hinihingal ako nang makarating sa bahay sobrang lakas ng t***k ng puso ko.Napahawak nalang ako sa dibdib ko at dali daling ni lock ang buong bahay . Nakaka paranoid man pero nagtabi narin ako ng sandata sa pag tulog kung sakaling pasukin man ako ng kung sino man yung sumusunod sakin kanina. Parang naglaho yung kaantokan ko kanina at mag-uumaga na akong nakatulog dahil sa nangyari.