PANGALAWA

3131 Words
(New Friend? Or New Enemy?) Amina's pov. Nanaginip nanaman pala ako kagabi. Pero ngayon alam ko na. Buhay ako sa panaginip ko at lahat ng mga napapanaginipan ko totoo at kailangan ko ng mga sagot. Bakit ako nandito? Bakit ko napapanaginipan ang lugar na ito? Anong konekta nito sa buhay ko? Sa buhay ng pamilya ko? Sinabi din ni lola na ang dating susi ay si Mommy kaya aalamin ko iyon. Nakatayo ako dito sa harapan ng bintana. Nakatingin sa malayo. Sobrang daming iniisip. Unti-unti ko nang tinatanggap na nandito na ako. Akala ko ay isa din itong panaginip pero mukhang hindi. Ang lahat ng ito ay KATOTOHANAN. Ang dati kong normal na buhay eto lang pala ang kapupuntahan ngayon. -Toktoktok- Nabalik ako sa realidad ng may biglang kumatok. Sino kaya 'to? Iyong babae ba kagabi. "Sino 'yan?" Sigaw ko mula dito sa kinatatayuan ko. "Delivery po." Isang boses ng babae at sa tingin ko hindi siya ang babae kagabi. Anong Delivery? May pa delivery-delivery pala sila dito? Tsk. Naglakad ako patungo sa pintuan at walang atubiling binuksan ito. Bumungad saakin ang isang babaeng maliit. Hanggang balikat ko lang ata,maputi at maganda,color grey ang half ng buhok niya,hanggang bewang din ang buhok niya. Sa mukha niya mukhang mabait naman siya. "Who are you?" Pagtataas ko ng kilay sakanya. "Hi? I'm Bell." Masiglang pagbati at ngiti nito. Bell? Bell na yung tumutunog? Hahaha nakakatawa. "Okay Bell, Anong kailangan mo?" I asked her. "Delivery from Mr. Tate Easton Alva." Sumeryoso bigla ang awra ng mukha nito. Ibang-iba sa nakita ko'ng ngiti niya kanina. Sinong Mr. Tate Easton Alva ? "Anong delivery ba 'yan?" Pababa kong tinignan ang bitbit niyang box. Medyo kalakihan nga naman. Anong laman nito. "Hindi ko din po alam, Just Open po." Dahan-dahan kong binuksan ito. Ipinatong ko muna sa mga kamay niya. Saka ko binuksan,may isang letter munang bumungad na nakapatong sa ibabaw mismo ng bagay na ipinadala. -For you Ysabelle Ysabelle? What? Teka? I'm not Ysabelle. Cringe. Nagtaas ako ng tingin kay Bell na naghihintay na buksan ko ito. Should I open? This is not for me. Pero kahit na gano'n pinagpatuloy ko parin at binuksan ko ito. Kaunti nalang at mabubuksan na. Bumungad saakin ang.... "WHAT THE!!!!!" Na ihagis ko ang box at naitulak ko si Bell napasigaw siya ng makitang nahulog ang laman ng box sa sahig. Omyyy!! ISANG PUTOL NA KAMAY! WHAT THE HECK!! TANGINA! "ANO YAN?!" Nasigawan ko si Bell dahilan para magsilabasan ang iba pang mga estudyante galing sa mga kwarto nila. Mukhang nalakasan ko ata ang boses ko. "S-sorry p-po...H-hindi ko A-alam..." Nanginginig itong nakatayo at mukhang naiiyak. Naiintindihan ko siya mukhang nautusan lang. Hayup na yan! Sino ka Tate Easton Alva?! But what they want?! Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Ayos lang pero mukhang mali ata nabigyan mo. Nakasulat d'yan na para kay Ysabelle,But I'm not Ysabelle so hindi 'yan para saakin. I'm sure with that. But who's Ysabelle? "Hindi po. Para daw po sa iyo 'yan. For Room 6-5-4.." Sinilip nito ang number na nasa pintuan ko kaya napatingin na din ako... OO NGA! ROOM 654. "Pero hindi ako si Ysabelle." Room 654? Is there anyone dito sa building na ito ang may number ng 654 except saakin? "Baka kamukha niyo lang po siguro si Ysabelle." "Sino ba kasing Ysabell----" NAPATABON AKO SA MAGKABILAANG TENGA KO NG MAY MARINIG AKONG PUTOK NG BARIL! ANO NANAMAN BANG NANGYAYARE!? DAHAN-DAHAN KONG IDINILAT ANG MGA MATA KO. NAPATABON AKO SA BIBIG KO NG HULI NA ANG LAHAT AT NAKITA KO NG DUGUAN AT NAKAHANDUSAY SA SAHIG SI BELL JUSSSSKO! NAPAATRAS AKO NANG BAHAGYA PAPASOK SA KWARTO KO. NAGTAAS AKO NG TINGIN AT HINANAP KUNG SAAN NANGGALING IYON PERO WALANG TAO! WALA NANG TAO! AKO NALANG MAG-ISANG NAKABUKAS PA ANG PINTUAN NG KWARTO!! AHHHHHHHH!!! ANONG NAGAWA NIYANG MALI!? DAHIL BA NAGKAMALI SIYA NG NABIGYAN!? AAHHH! NATUMBA NALANG AKO BIGLA SA SAHIG. MABILIS NA DUMALOY ANG MGA LUHA KO MULA SA MAGKABILAAN KONG MGA MATA. NAKATITIG LANG AKO SA BANGKAY NI BELL. MABUTI SIYANG TAO! MGA HAYOP! SINO BANG BUMARIL SAKANYA! Ilang sandali pa may mga paa akong nakitang nakatayo kung saan banda nakahandusay si Bell. Itinaas ko ang tingin ko. Isang lalake. MAY HAWAK SIYANG BARIL. Mas lalo pa akong nanginig. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi rin ako makasigaw ng tulong! Nang bigla niyang itutok saaking ang baril. Gusto kong sumigaw. Pero para akong nawalan ng boses. Anong nagawa ko? Wala akong ginagawang masama! Ano nanaman ba ang kasalanan ko? ANO BA'NG KLASENG LUGAR ITO?! Parang nawawalan na ako ng lakas ng loob dahil sa sobrang kaba. Tatanggapin ko nalang ba na hanggang dito nalang ako? Mamamatay naba ako? AYOKO PA! "Ysabelle." Bigkas nito na para bang wala sa sariling katinuan. HINDI NGA AKO SI YSABELLE! SINO BA KASING YSABELLE 'YON! "EASTON TAMA NA!" May isa pang boses ng lalake akong narinig. Sino nanaman to?! Tate Easton Alva... So Ikaw ang nagpadala saakin ng bagay na ito? Yumuko na lamang ako at pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Rinig ko ang bawat yapak ng lalakeng sumigaw papunta sa kinatatayuan ni Easton. Iniangat ko ng bahagya ang ulo ko para makita ko kung sino siya pero hindi siya pamilyar saakin at kahit pa sa panaginip ko. Sino ka? "Hindi siya si Ysabelle." Hinawakan nito ang baril na hawak ni Easton na nakatutok saakin at ibinaba. Ilang segundo pa ay kinuha na din ng tuluyan nitong lalakeng ito ang baril saka isinuksok sa kanyang pantalon. "Nasaan ba si Ysabelle?" Tanong ni Easton na parang naiiyak. Anong trip niyo ha?! "Si Ysabelle iyang binaril mo." A-ANO?! PERO PAPAANO?! SO SI YSABELLE ANG BABAENG ITO? SI BELL? TOTOO BA? P-PERO BAKIT? DI AKO MAKAPANIWALA. BAKIT HINDI ALAM IYON NI BELL? MALAMANG PA'NO KO NAMAN MALALAMAN. KAYA PALA BELL,KASI YSABELLE. PERO BAKIT NIYA BINARIL!? Unti-unti itong napaluhod sa mismong harapan ng nakahandusay na bangkay ni Bell at niyakap ito. Bago ito tuluyang humagulgol sa pag iyak. "YSABELLE!" Ramdam ko ang galit at higpit na pagyakap niya kay Bell. Anong meron sakanila? Bakit hindi niya kilala si Bell? SINO BA SI YSABELLE?! AT SINO NAMAN SI BELL?! BAKIT NIYA BINARIL ANG BABAENG 'TO?! KUNG ETO NAMAN PALA SI YSABELLE!? NAGUGULUHAN AKO! SOBRA! BAKIT SAAKIN DIN IPINADALA ITONG BOX NA 'TO!? BAKIT AKALA NIYA AKO SI YSABELLE!? AYOKO NA DITO!! GUSTO KO NANG UMALIS DITO!!! Agad akong napatayo at tumakbo nang sobrang bilis. Nilagpasan ko lamang sila. Takbo lang ako ng takbo pababa. Hanggang sa nakarating ako dito sa first floor. AYOKO NA DITO! TATAKAS AKO! Hanggang sa hindi ko na namalayang narating ko na pala ang labas nitong dormitoryo. Sobrang dilim ng paligid. Wala akong makitang daanan. Saan ako pupunta?saan ako dadaan? SAAN BA AKO PWEDENG MAGTAGO!? AYOKO NA! BAKIT BA NANGYAYARE SAAKIN 'TO!? "Wala kang madadaanan kung sakali mang tumakas ka."At sino nanaman ba ito? Isang boses ng babae. "AT SINO KA NAMAN HA?! ANO BA'NG KAILANGAN NIYO SA'KIN? ANO BA'NG KLASENG LUGAR 'TO?!" Malakas na pagsigaw ko na halos buong lakas ko na ang inilabas ko. "Oo Tama ka. Impyerno ito. Dapat tanungin mo ang sarili mo kung bakit ka nga ba andidito?" Hindi ko siya makita,Nasaan ba siya!? Bakit diko siya maaninag!? Sino ba siya!? "OO! IMPYERNO 'TO AT MGA DEMONYO ANG MGA TAO DITO!" muli kong pagsigaw. Magpakita ka sa'kin! "Oo Madaming demonyo dito,Kaya mas mabuting itikom mo 'yang bibig mo." Mula sa madilim na bahagi ng isang malaki at mataas na puno mismong sa harapan nitong dormitoryo ay may nabubuong shape ng tao at sa tingin ko papalapit ito saakin. Siya na ba 'yan?! Nang tuluyan ko ng matanaw ang mukha niya napansin ko kaagad ang mga mapupungay niyang kulay asul na magkabilaang mga mata. GALING SIYA SA MAY PUNO? HINDI KAYA SIYA IYONG BABAENG NAKITA KONG KULAY BLUE ANG MATA!? KAGABI KUNG DI AKO NAGKAKAMALI. "Sino ka?" Medyo huminahon na ako dahil sa sobrang galit na naramdaman ko kanina. "Ako si Monise" Monise? Anong klaseng pangalan 'yan!? Demonise? Monise? Anong klaseng mga pangalan 'yan? "Galing ang pangalan ko sa aking ina. Monise din ang pangalan niya. Isinunod niya saakin." Hindi kaya siya si Demonise? It means nahanap ko naba siya? Siya na nga ba? Teka...Paano niya nalaman ang iniisip ko? "Gabi na ulit. Bumalik kana sa dormitoryo mo." TEKA!? ISA PANG NAPANSIN KO! UMAGA LANG KANINA! NO'NG NAMATAY SI BELL UMAGA PA! PERO ANG BILIS GUMABI! GABI NA KAAGAD!? PA-PAANO!? "Ganito dito kapag may namamatay gumagabi kaagad. Nga pala hindi ako si Demonise." Unti-unti itong naglaho sa dilim at ako nalang ang nananatiling nakatayo rito. MONICE? Isa nanamang pamilyar na pangalan. Sobrang daming pamilyar na bagay at tao ang nakikita at naririnig ko dito. Sobrang cringe ng lugar na 'to. Sumuko na rin ako at pumasok muli sa dormitoryo. Wala na nga ba talaga akong magagawa? Wala ba talagang daanan? Wala na ba talagang paraan para makaalis ako dito? Para makatakas ako dito? Habang naglalakad ako sa hindi kalayuang kaliwang bahagi ng building kung saan may parang malaking poste may nakita akong dalawang tao? May something silang ginagawa I'm sure. Anong ginagawa nila? Lumapit ako ng bahagya para matanaw ko talaga sila. I clearly saw it. NAGHAHALIKAN sila?! What the?!! I saw him hugging the girl so tight. As if he loves that girl so much and I saw his right elbow with a familiar tattoo. Saan ko yan nakita? Did I saw that kind of tattoo before? It looks like so familiar. His tattoo. It's a skull. I didn't expect thay they will fall inlove in this kind of place. Feeling ko tuloy I want to love kahit na andidito ako sa komplikadong lugar na ito. Kahit papaano maging masaya naman din ako but nevermind I don't want to. Nagulat ako ng tumigil sila at nakatingin na pala saakin iyong lalake. Nakatitig lang kasi ako sa tattoo niya at paulit-ulit na inaalala kung saan ko ba nakita 'yan before. I saw his full face and It's so familiar. Bakit sobrang pamilyar niya? Nagkatitigan lang kami direct to each others eyes. Hindi naman sila sobrang layo para hindi ko makita ng malinaw yung mukha niya. I can tell I saw him before. I just can't remember where. Nabaling muli ang paningin ko ng nakatingin nadin pala ang babae saakin. She looks so innocent. Gulat na gulat ata siya ng makita ako. Nangibabaw na saakin ang pagkahiya feeling ko tuloy na disturb ko sila sa ginagawa nila, kaya nag kunwari na lamang akong di sila nakita at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Bakit kasi sa public place like this pa? Madami na ng puno sa labas hays. Naglalakad ako sa hallway ng naramdaman kong may nakatingin saakin. Alam kong may sumusunod sa'kin. What is all this about? Again. Madami sila. Hindi madami. Hindi lang isa kundi hmm...TATLO? Oo Tatlo. Ramdam ko na sesense ko sila. Nasa likod ko lang sila nagtatago. "Sino kayo? Lumabas ka'yo d'yan." Bigkas ko. "Hi?" Boses ng isang babae ang narinig ko. Nilingon ko siya, mukhang enosente ang mukha nito. "Bakit niyo 'ko sinusundan?" Ano nanaman bang kailangan nila sa'kin? "Huh? Alam mo na may mga kasama ako?" Halatang-Halata. "Oo,Kaya palabasin mo na sila." Dahan-dahang lumabas ang dalawang babae na nagtatago sa pang apat na poste siguro nitong dorm kasi nung nakita ko yung couple kanina doon sa pinaka unang poste iyon. Laking gulat ko nang isa sakanila ay iyong babae sa panaginip ko! Iyong sinasakal ng isang lalake! "Anong pangalan mo?" Pagtatanong ko roon sa babaeng nakita ko na sa panaginip ko. Mukhang natakot ito sa'kin. "Ahm..Ako si Lorraine." Lorraine pala ang pangalan niya. Hindi ko pwedeng sabihin na nakita ko siya sa panaginip ko na namatay dahil baka magulat siya at hindi maniwala. Pwede ko kaya siyang iligtas? Pero papaano? Ilalayo siya sa lalakeng iyon? Pero hindi ko kilala ang lalakeng iyon. Saan ko siya hahanapin? "Kayong dalawa?"Nabaling naman ang tingin ko sa dalawa pang babaeng nasa magkabilaang gilid ni Lorraine. "Ako si Therise." Ngiti nitong babaeng unang lumabas kanina. Maganda siya color brown ang buhok niya, saktong mag ka tangkad lang din kami. "Ako naman si Frea." Simple lang naman ang suot niya mukhang masungit nga lang at maldita. "Nakulong din ba kayo dito?" Mataray na tanong ko sakanila. Ang pinagtataka ko na bigla silang nag ngitiang tatlo. Anong nakakatawa? "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" How rude. "Hindi naman namin itinuturing ang mga sarili naming nakakulong rito." Muling ngumiti si Lorraine. Mabait siya kaya sigurado akong madali lang siyang pakisamahan. Kaya madali kong magagawa ang mga plano ko. "Hindi? Eh anong tawag niyo dito na kahit kayo hindi na nakalabas? Masaya pa kayo no'n?" Sarkastikang muli kong pagtatanong. "Ang bawat tao at estudyanteng nakulong dito sa loob ay may kanya-kanyang kwento. Siguro ngayon dahil bago ka palang hindi mo matanggap. Pero habang tumatagal malalaman mo kung bakit tinadhana kang ipasok dito sa loob."Sambit naman ni Therise na umikot-ikot dito sa kinatatayuan ko na para bang isang guro na nag kaklase sakanyang estudyante. "Anong ibig niyong sabihin?" So ayos lang sakanila? Makulong ng pang habang buhay dito? "Kami? Tinanggap nanamin ang purpose kung bakit kami ipinasok dito. Tanggap nanamin ang kapalaran namin."Paghingang-malalim ni Frea. Purpose? Kapalaran? Ang alin? Ang mamatay? "Ano ba'ng kapalarang sinasabi niyo?" "Tinanggap na naming nakatadhana talaga kaming...." Napatigil si Frea. Nagpakawala muna ito ng isang malalim na buntong hininga. Nakatadhanang Ano? "MAMATAY." Lumakas bigla ang ihip ng hangin mula sa labas ng dormitoryo na pumapasok dito sa loob dahilan para yakapin ko ang aking sarili at mas lalo akong nilamig. PINASOK SILA DITO KASI TINADHANA SILANG MAMATAY? NA NAKATADHANANG PATAYIN SILA? PERO BAKIT WALA LANG SAKANILA? KASI NGA TANGGAP NA NILA? "Eh paano yung buhay niyong naiwan do'n sa labas?" I know na katulad ko may mga pangarap din sila bago sila napasok dito. Walang kahit na isang nagsalita sakanila. Lahat sila nakayuko Bakit? Anong masama sa tinanong ko? Tama naman ako diba? Paano yung buhay nila sa labas ng lugar na ito? "Anong pangalan mo?" Sumeryoso ang tingin saakin ni Frea na tila ba isang magulang na pinapagalitan ang kanyang anak. "I'm Amina." "Amina. For sure hindi mo pa alam kung bakit ka pinasok dito, but I'm telling you. Lahat ng tao dito ay magkakaiba." Anong pinagkaiba namin? Eh pareho lang din naman kaming mga tao tsk. "LAHAT DITO MAMAMATAY TAO." Pagpapatuloy niya. Ilang minuto akong di nakapag isip. Nakapag salita. LAHAT? Hindi! Hindi ako kabilang sakanila. Hindi ako mamamatay tao. "Hindi lahat. Dahil never akong pumatay." Tumawa silang muli dahil ba sa sagot ko? Hindi naman talaga ako pumatay. Never pa. "NANDITO KA SA LOOB. You have only TWO CHOICES. PUMATAY KA O IKAW ANG PAPATAYIN. Ikaw?anong pipiliin mo?" I want to live but I don't want to kill someone. "Kayo? Nakapatay naba kayo?" "OO."Sabay- sabay na pagsagot nilang tatlo. TOTOO BA!? NAKAPATAY NA SILA!? "Pumatay na kami ng tao, at papatay pa kami kung kinakailangan." Para mabuhay? Bakit? "Paano kung ako? Papatayin niyo rin ba ako?" Kaya ba sinundan nila ako? "Pwede ka naming patayin kahit anong oras. Pero advice lang namin sayo. DITO SA LOOB LUMABAN KA. MAKIPAG p*****n KA kung kinakailangan. Kung gusto mo pang mabuhay. Kagaya nga ng tanong mo 'Paano 'yong buhay natin sa labas' Isipin mo yon." Bigkas ni Therise. "May pamilya ba kayo sa labas?" "May naghihintay saakin, yun ang alam ko pero hindi ako pwedeng umalis kasi may maiiwan ako dito."Sagot ni Lorraine. Ang mga kaibigan niya ba? Ayaw niyang iwan ang mga kaibigan niya? "Wala na akong tinuturing na pamilya pa sa labas. Trinaydor nila ako at ipinasok dito."Yumuko si Frea at ramdam ko sa boses niya ang galit. "Ako? hindi na mahalaga kung may naghihintay ba saakin. Basta gusto kong mabuhay. May mga pangarap ako." Sagot naman ni Therese. Talaga? Nakakamangha siya buti naman at may sumagot ng matino sakanilang tatlo. Kahit ganito ang buhay na meron siya ay umaasa parin siya na makakalabas at matutupad ang mga pangarap niya. AKO? DARATING DIN BA AKO SA PUNTONG KAILANGAN KO NG PUMATAY PARA MABUHAY? KAYA KO BA? KAYA KO BANG PUMATAY?SA TINGIN KO HINDI. SA LABAS NG LUGAR NA ITO KRIMEN ANG PAGPATAY. KRIMEN ANG PUMATAY! PERO PAANO KUNG BUHAY KO NA ANG NAKASA ALANG-ALANG!? Kaya ko nga ba ang pumatay? "Kung ano man ang iniisip mo,m asasabi lang namin sayo, magpakatatag ka dahil hindi ito simpleng lugar na sa inaakala mo ay maganda, ito ang lugar kung saan puro demonyo ang nakapaligid. MATUTO KANG LUMABAN DAHIL KAPAG NAMATAY KA DITO ITATAPON KALANG NILA SA LABAS NG GEHENNA SA GITNA NG KAGUBATAN. DO YOU THINK MAY MAKAKAKITA SA'YO DO'N? PAGTUTULUNGAN KAPANG KAININ NG MGA HAYOP. KAYA MAS MAIGING LUMABAN KA,MAS MARAMING HAYOP DITO." Pagbibilin ni Frea bago sila tumuyang naglakad papalayo. MADAMING HAYOP DITO? KAYA DAPAT BA MAGING HAYOP DIN AKO? Ayokong pumatay pero takot akong mamatay. What if anytime biglang may sumaksak sa likod ko? Patayin ako bigla? Natatakot ako at gusto kong umiyak pero hindi pwede. Hindi pwedeng ipakita ko mahina ako. Luminga-linga ako sa buong paligid. Sobrang tahimik. Nakakabingi. Wala na iyong tatlong babae. Wala na ba talagang daanan? Pag-asa? Should I accept na dito na ako mamamatay hanggang sa tumanda ako? Hanna's Pov. Padabog kong binuksan ang pintuan ng office. Nakatalikod lamang siya at nakatitig sa bintana. "What now?" Umikot ito paharap saakin ng may ngiti sa mga labi. "Sino siya?" I'm curious how did she know about Keya? "Guess who?" Naiinis na ako sa babaeng 'to. "Hindi ako manghuhula and you know that. So tell me bago maubos yung pasensya ko." Pagbabanta ko rito. "She's your dearest friend a long time ago. Do you still remember? How you betrayed her 5 years ago?" Naging pula ang mga peke niyang mga mata. How did she become that girl? "She's dead. Don't you dare to mention her name." "No she's not. I know iniisip mo bakit niya ako kilala? Bakit nakita niya ako? Then I already told you what's the answer." No It can't be. "She's dead." I almost whisper. After so many years nakaramdam ulit ako ng lungkot na parang gusto kong umiyak. "Yes because you kill her?" And how many years nadin akong nagtitimpi sa babaeng 'to. Paano siya nabuhay? Imposible. "Nakalimutan mo?? You're the one who killed her. Dahil sa lalakeng until now hindi ka padin mahal." Pang-aasar ko sakanya. Sumeryoso ang mukha niya kaya mas lalo pang naging mas maliwanag ang pula niyang mga mata. "I told you, wag mo 'kong susubukan. You're not keya and I'm letting you to act like you're her. Even your fake red eyes. Don't you dare to touch that girl." Kaunting pananakot para sa babaeng ito ang kailangan para tumigil na siya. "I have my plans." You have? haha. "Try me. You will see." Pagbabanta ko bago tuluyang lumabas ng opisinang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD