Prologue

2671 Words
Amina's Pov. Isang madilim na kagubatan. Napakaraming puno. Wala akong maaninag na kahit kaunting ilaw mula dito sa daang nilalakaran ko. Napahinto ako sa paglalakad ng may bigla akong maramdamang kirot mula saaking mga paa. Nang tanawin ko ito ay wala pala akong sapin sa paa. Kahit sapatos man lang o tsinelas. Panandalian akong tumayo muna sa bahaging ito. Hindi pa sa kalayuan ay may nakita na akong liwanag. Sobrang liwanag sa bahaging iyon. Ano kayang meron doon? Iyon naba ang labas? O baka iyon na ang langit? Nanginig bigla ang buong katawan ko ng may marinig akong kalansing ng kadena. Ang tunog nito ay mukhang patungo sa direksiyon ko. Nagmumula ito sa likuran. Halos hindi ako makagalaw mula dito sa kinatatayuan ko. Anong dapat kong gawin? Dapat ko bang lingunin? Siguro ay kailangan kong lingunin. Ahh hindi! Tatakbo nalang ako. Pero gusto kong makita kung sino siya. Lilingunin ko siya! Hinintay ko pa ang ilang sandali na makalapit siya ng bahagya saakin bago ako lumingon para saktong makita ko ang mukha niya. Huminto siya. Huminto ang ingay ng kalansing ng kadena. Haharap na ako Isa...Dalawa....~~Tatlo! Laking gulat ko ng naka maskara lamang ito. Itim ang lahat ng suot niya. Itim din na maskarang nakangiti ang nakatakip sa mukha niya. May hawak itong itak na nakakonekta sa isang kadena na mukhang iyon ang pinagmumulan ng ingay kanina. "Amina." Iyong boses niya. Isang pamilyar na boses na sigurado akong narinig ko na iyon noon. Pero bakit niya ako kilala? Papaano niya ako nakilala? Papalapit ito ngayon saakin. Tatakbo ba ako? O Mananatili ako dito? Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan ko. Mukhang kahit gustuhin kong tumakbo ay hindi ko magagawa dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Papalapit na siya ng papalapit. "Amina." Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko. Paano niya ba ako nakilala!? At sa wakas! Nakagalaw na ako! Agad akong tumalikod saka tumakbo ng mabilis. Nang tanawin ko siya mula sa malayo ay nakatayo pa rin siya doon sa kinatatayuan niya mula pa kanina. Salamat naman at hindi niya ako sinundan. Sobrang lapit ko na sa lugar kung saan nagmumula ang liwanag. Kaunti nalang. Malapit na. Saktong sa liwanag ay nadapa ako dahil sa bilis ng pagtakbo ko. Araayy! ang tuhod ko. Nang iangat ko ang paningin ko,isang napakalaking eskwelahan. Tama ba? Eskwelahan ba'to? Mukhang abandonadong eskwelahan noon pa. Mula sa gate nito may isang board sa itaas na may nakasulat na... 'Welcome To Gehenna Academy' Tama ako lumang eskwelahan ito. Ang ipinagtataka ko ngayon ay paano ako napunta dito? Saan ba ang lugar na ito? Ngayon lang ako nakapunta dito. Sino ang nagdala saakin dito? Isang eskwelahang mukhang sobrang tagal ng hindi nagagamit. Sobrang luma. Nababalutan na ang eskwelahan ng maraming alikabok dahilan para maging color black and white na ang paligid. Sobrang tahimik. Walang tao. Sa madaling salita nakakatakot dito. Tumatayo ang mga balahibo ko. Pero dinadala ako ng masyado kong curiosity. Gusto kong pasukin ang lugar na ito. Ano kaya'ng nakaka excite na makikita sa loob? Papasukin ko. Bahala na. Nang may biglang nagtakip sa bibig ko!! "AHHHHHHH!!!!!!!" "Apo! Binabangungot ka nanaman ba?" Nagising ako dahil sa sigaw ni lola. Agad akong napabangon sa hinihigaan ko. Panaginip nanaman pala iyon? Parati akong nananaginip tungkol sa lugar na 'yon. Hindi ko maintindihan. Ano ba talaga ang nangyayare? "Ayos ka lang ba Apo?" Hinagod ni lola ang likod ko habang habol ko ang hinga ko. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko. Parang hindi ako makahinga dahil kanina. "Lola nanaginip nanaman po ako. Napanaginipan ko nanaman yung tungkol sa Gehenna." Umiwas ng tingin si Lola na para bang may tinatago siya O baka alam ni Lola kung ano nga ba talaga ang nangyayare? Bakit ko ba napapanaginipan ang lugar na iyon? "Alam ko apo,Wala ka namang ibang napapanaginipan dipende sa paaralang iyon." Bakit parang feeling ko may alam si Lola? I really feel it. "Ano po ba talagang ibig sabihin ng mga panaginip ko? Gusto kong masagot lahat, Lahat-lahat Lola." Desperada akong malaman lahat. "Apo malalaman mo din sa tamang panahon,Hindi ito ang tamang araw." Tumayo ito at maglalakad na sana papalabas ng kwartong ito ngunit hinawakan ko si Lola sa kanyang kaliwang kamay. Tama ako! May alam si Lola. At hindi imposibleng alam niya lahat. Simula umpisa hanggang ngayon na napapanaginipan ko padin iyon. "Lola Gusto ko ng malamang ngayon,araw-araw akong binabangungot Lola,hindi ko alam na baka sa susunod na mga araw mananatili na lamang akong nakahiga dito at hindi na ako magigising." Pagmamakaawa ko. Kailangan ko ng sagot. Sagot sa lahat.Naguguluhan ako ng sobra. "Pinagbawalan ako nang mga magulang mo apo." Ano ba'ng masama kung malaman ko? Unless may tinatago sila sa'kin na sobrang importante. "Lola,pleaseee. Pangako hindi makakarating kina Mama at Papa ang mga sasabihin mo sa'kin." I'm dying to know about sa lahat-lahat! "Sige dadalhin kita do'n pero! Wag na Wag mo sasabihin sa Mommy at Daddy mo,Malalagot tayo pareho. Naiintindihan mo ba?" Pagbibilin ng maigi saakin ni Lola. "Opo lola. Pangako." Handa akong itikom ang bibig ko hanggang sa mamatay ako basta malaman ko lang bakit ko napapanaginipan ang lahat ng iyon. Kailangan ko ng mga sagot sa madami kong tanong. Kailangan ko maliwanagan. "Mag Bihis ka. Aalis tayo. Ihanda mo din ang sarili mo." Tila ba may pagbabanta sa paraan ng pananalita ni Lola. Mabilis na lumabas si lola mula dito sa kwarto ko. Ano kaya ang ibig sabihin niyang ihanda ko din ang sarili ko? May mangyayare bang hindi maganda? Nagbihis na kaagad ako at nag ayos dadaldin ko din ang maliit na bag ko. May lamang cellphone at maliit na ballpen na merong hide knife kapag binuksan mo. Saka na ako bumaba sa kusina para puntahan si lola at saktong naghihintay siya do'n may hinahanap lang ata siya sa ilalim ng lababo. Ano kaya 'yon? "Ahm..Lola? Tapos na po ako magbihis. A-anong hinahanap niyo diyan?" Pagtataka ko at sinusubukang sumilip sa kung ano ba ang bagay ang kinukuha ni Lola sa ilalim ng lababo ngunit nakaharang siya. "Sandali lamang apo..." Umupo na muna ako sa table chair na nasa mismong likudan ni Lola. Ano ba kasi ang hinahanap ni lola? Tumayo si Lola at dahan-dahang naglakad papunta saakin "Eto Apo. Ingatan mo." Inilahad niya saakin ang hawak niyang? Ano 'yan? Para siyang kwintas. Oo kwintas nga ito. Old necklace pero diko siya type. Masyadong makaluma. Para saan naman iyan? "What's that Lola? Para saan?" Naguguluhan ko na tanong kay Lola habang nakatitig lamang sa kwintas na mukhang dekada na pero kumikinang padin. "Sa Mommy mo ito. Ibibigay ko saiyo. Pamana." Kay Mommy? Bakit never ko ata iyang nakita na isinuot ni Mommy? Pamana? "Kay Mommy?" Mas lalong dumami ang mga tanong sa utak ko. Ngumiti lamang si Lola na siguro ay hudyat ng sagot na 'Oo' Inilahad ni Lola ang kwintas "Bakit niyo po ibinibigay saakin?" Tinanggap ko naman ito. "Basta apo. Mamaya ko na iyan ipapaliwanag saiyo, kapag nakarating na tayo sa lugar na gusto mong puntahan." Tumango lamang si Lola. "Bakit po Lola?" "Wag ka muna magtanong. Ihanda mo lahat ng katanungan mo mamaya." Hindi na ako nagsalita pa kaya naunang naglakad si Lola palabas ng bahay. Kinakabahan ako pero nangingibabaw saakin ang dahilang gusto kong malaman. Ang dami kong tanong na gusto kong masagot. Lumabas na din ako sumunod lang ako kay Lola na sumakay na sa kotse. Hanggang sa bumyahe na kami. Suot-suot ko na ang kwintas na binigay ni Lola at para hindi ko mawala dahil kagaya ng sabi niya ay importanteng bagay ito na sasagot sa lahat ng mga tanong ko. Isa na rin ito sa dahilan ko. Gusto kong malaman kung anong mga sinasabi ni Lola na dapat ko pang malaman tungkol sa bakit niya ibinigay ang kwintas na ito. Buong byahe tahimik lang si lola. Nakasilip lamang sa bintana. Tinapunan ko siya ng saglit bago muling ibinalik ang tingin sa may bintana. Pinagmamasdan ko itong dinadaanan namin. Kinakabisado baka sakaling mawala kami. Hindi ko maintindihan ang lahat. LAHAT LAHAT. Dinadapuan na ako ng antok. Pinipilit ko na imulat ang mga mata ko at ayokong makalimutan bawat lugar na dinaanan namin pero mukhang malayo pa byahe namin mas mabuting matulog na muna ako. "Apo." Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pag tapik ni Lola sa balikat ko para lamang magising ako. "Lola?" Inilibot ko ang paningin ko at nandito parin ako sa sasakyan pero nakahinto na kami. "Nandito na tayo apo." Walang ekspresyon akong nababasa sa mukha ni Lola. Nandito na kami? Ilang oras ba kaming bumyahe? Bumangon na kaagad ako. Tinanaw ang labas ng kotse at puro lang naman kapunuan. kagubatan ito. Walang kahit na bahay. "Dito na po Lola? Sigurado kayo na dito talaga?" Paninigurado ko kasi wala man lang kahit bahay ba dito. "Oo,Tara na?" Inilahad ni Lola ang kanang kamay niya saakin saka ko iyon tinanggap at bumaba na sa kotse. Samantalang ang driver namin maiiwan lang muna daw dito para magbantay sa kotse. Naglakad-lakad kami ni Lola. Puro kakahuyan lang ang nakikita ko. Malayo na din kami sa Kotse namin. Nasaan naba kami? Kagubatan na walang katapusan? "Apo. Kahit na anong mangyare, wag na wag mong wawalain iyang kwintas na suot-suot mo. Sobrang importante iyan. "Ano po bang klaseng kwintas ito? Bakit nanggaling din po ito kay Mommy?" Ang sabi ni Lola ihanda ko lahat ng tanong ko kaya eto na. "Ang Mommy mo noon ang dating susi apo." Anong dating susi? Imposible ang mga pinagsasabe ni Lola Anong susi? Ano!? Naguguluhan ako. "Po?" "At ngayon na nasasaiyo na iyan. Ikaw na ang bagong susi. Ingatan mo at wag na wag mo ipapahawak sa iba." Natatakot na ako. "Lola natatakot ako!" Anong bagong susi!? Hindi ako susi noh tao ako! "Lola. Hindi ko maintindihan." Teka?! Bakit ba ako?? Bakit hindi iba nalang! "Malalaman mo ang lahat ng sagot na hinahanap mo sa loob. Mag iingat ka. Wag mo wawalain iyan. Sobrang mahalaga iyan." Bakit ako papasok sa loob? Saan? Puro naman puno ang nandidito. Teka? Doon ba sa nakita ko sa panaginip ko?! Yung lugar na paulit-ulit sa panaginip ko? Ayun ba? Huminto kami bigla sa paglalakad. Tumahimik bigla si Lola. Sobrang tahimik ng paligid kahit huni ng mga ibon ay wala akong marinig. Sobrang init sa bandang ito. Parang nawawalan ako ng hangin. Hindi ako makahinga kagaya ng nasa panaginip ko. "Iyang kwintas ay pwede mo buksan apo. Subukan mo." Nagulat ako bigla nang sa haba ng segundong hindi nagsalita si Lola at bigla na lamang niyang inutos saakin na buksan ito. Sinunod ko siya at itong bilog na parang pendant sa kwintas ay dahan-dahan kong binuksan. Hindi ko ma explain kung ano ba ang tawag sa ganitong makalumang kwintas Like ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ang alam ko yung mga ganitong simpleng lumang necklace na mabibili sa mga Mall kapag binuksan may picture na lalabas, ganoong mga tipo. Dahan dahan..... Nang biglang umihip ang malakas na hangin parang kahit ako na tao ay malilipad sa sobrang lakas. Napuling ako bigla at napapikit dahil din sa sobrang liwanag na bigla nalang nag exist. Ilang sandali pa. "Buksan mo na ang iyong mga mata Apo." Sa utos ni Lola idinilat ko ang aking mga mata. Eto 'yon! eto 'yong nakita ko sa mga panaginip ko. Nakakamangha! Nandito na ako. Narating ko nadin sa wakas! Masasagot na ba ang lahat ng mga tanong ko? 'Welcome to Gehenna Academy' Eto na 'yon. Sobrang saya ko totoo pala talaga ang mga nasa panaginip ko. "Apo. Mag iingat ka sa loob." Sambit muli ni Lola. Bakit? Papasok ba kami sa loob? Kasama ko si Lola? Di pa sa kalayuan ay may natanaw akong apat na lalake na hindi ko napansin kung saan nga ba nanggaling. Patungo sila sa direksyon namin. Mukha silang mga bouncer sa club. Ang lalaki ng mga katawan. Sa tingin ko kahit kotse mahirap silang patumbahin. "Patawad Apo. Patawarin mo ako." Then suddenly binitawan ni Lola ang mga kamay ko. Unti-unting umiyak si Lola ngunit may ngiti sa mga labi. Anong ibig sabihin nito?! Saka ako sapilitang hinawakan ng dalawang lalake sa magkabilaang braso TEKA ANO TO!? ANG DALAWANG LALAKE NAMAN AY HINARANGAN LAMANG SI LOLA. "Anong ginagawa niyo!? Sino kayo!? Bitawan niyo ako!" Nakawala ako sakanila at tatakbo pa sana ako papunta kay Lola pero hinatak ulit ako nung isang lalakeng nakaharang. Anong nangyayare!? "Apo. Patawad! " Walang pag dadalawang isip si Lola na bumalik sa dinaanan namin kanina. Habang ako nagpupumiglas naman na makawala dito sa dalawang lalake. "PAKAWALAN NIYO AKO!!! SINO BA KAYO!!!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko nag e echo sa buong kagubatan dahil narin sa katahimikan. Ang layo na ni Lola! "LOLA! WAG MO KO'NG IWAN! LOLA!" Bakit mo ito nagawa saakin Lola?! Kinaladkad na ako ng dalawa pang lalake. Hindi ako makalaban dahil ang lalaking mga tao nito. Hindi ko kayang suntukin o sipain man lang dahil alam ko naman na hindi sila tatablan. Ang tanging kaya kong gawin ay sumigaw ng sumigaw at umaasang may mabuting tao ang makarinig. "HAYOOOPP KAYO!! PAKAWALAN NIYO AKO!!!" Sigaw ko lang ang nangingibabaw sa lahat. Naiiyak na ako. That's what I hate kapag umiiyak ako. Saan nila ako dadalhin? At bakit hinayaan lang ako ni Lola?! May magagawa siya eh! Lumaban! Hindi typical na manuntok pero bakit ako iniwan ni Lola??! Ilang minuto pa ng pagsigaw ko, napagod nadin ako at hindi na ako nanlaban pa dahil din nakarating nakami sa loob ng eskwelahan. Sobrang ganda sa loob,sumarado automatic ang gate. May mga estudyante din. Nakatingin lang sila saakin. Lahat ba sila nakakalabas pa? Kasi nag aaral sila kaya kapag uwian na uuwi din sila? Ganon din kaya ako? Papalabasin pa kaya nila ako? "SAAN NIYO BA KASI AKO DADALHIN!!!!"Malakas na pag sigaw ko kahit na napakaraming estudyante. Wala akong pake basta bitawan lang ako ng mga 'to!? Saka anong kasalanan ko? Teka naalala ko.... 'Apo kahit anong mangyare 'yang suot mong kwintas,wag na wag mong wawalain,sobrang importante 'yan' Ito bang kwintas na ito ang dahilan? Dahil kagaya nga ng sinabi ni Lola Ako daw ang susi? Ito bang kwintas na ito ang dahilan? Oo! Itong kwintas na ito ang dahilan! Noong buksan ko ang kwintas na ito ay biglang Lumitaw ang lugar na ito sa gitna ng kagubatan. Tama! Ano bang dapat kong gawin? Isuko at ibigay sakanila itong kwintas? Pero pinangako ko kay Lola na hindi ko ito ibibigay sa kahit na kanino! Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad. Huminto kami sa isang kwarto na may kulay itim na pintuan nasa tingin ko ay isang office? wala itong kahit na nakasulat sa harap at mukhang luma na itong kwartong ito. Anong binabalak nila saakin? Kulungan ba ito!? Ayoko dito! Sinubukan ko muling makawala mula sa pagkakahawak nila saakin, pero sobrang lakas talaga, sobrang higpit ng pagkakahawak nila saakin. Hindi ko talaga sila kaya. Dahan-dahan nilang binuksan ang pintuan. Sobrang dilim. Saka ako tinulak ng isa sakanila papasok sa loob. Halos mabalibag ako dahil sa sobrang lakas,para lang akong papel na hinipan papasok dito. Isinara ang pinto. Natatakot ako! Oo! Matatakutin ako! Hindi kaya may mga lion dito? Baka may kumagat bigla saakin dito! Ayoko na! Huhuhu. May kaunting liwanag na nagmumula sa sikat ng araw dahil umaga pa naman, kaya naaaninag ko parin itong buong kwarto. Malawak at sa tingin ko nga ay OPISINA ito? Kung hindi ako nagkakamali. Dahil may isang table na maraming worksheet papers. Tapos ngayon ko lang napansin may tao pala na nakaupo sa isang table chair ngunit naka talikod ito mula saakin. Who's this? "Sino ka!? Anong kailangan niyo saakin!? Bakit niyo ba ako ipinasok dito?!" Mabilis itong umikot paharap saakin. Medyo umatras ako at baka magulat ako sa makikita ko, advance lang naman ako. Babae siya ngunit hindi ko maaninag ang kabuuan niyang mukha. "Sino ka?" Pag uulit kong tanong. "I'm Keya Del Valle,Welcome to Gehenna Academy,Miss Amina Adah." Paano niya ako nakilala? Napaatras ako'ng muli ng bahagya at ngayon at nakasandal na ako sa pintuan ng saktong mahagip ng mga mata ko ang mga mata niyang naging kulay pula bigla. Is she a Demon? Nakakatakot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD