Brianna pov
Katatapos ko lang isinilang ang aking anak na si Brielle Iris... napakagandang sanggol ang niluwa ko. Hindi matutumbasan ng ano man ang kasiyahan ko ng makita ko ang aking anak.
" Yana napakaganda ng iyong anak." sabi ng aking pinsan.
" Brielle Iris ang kanyang pangalan Maita..." hinang hina man ako ay pilit kong binibigkas ang kanyang pangalan.
" Napakaganda mo Brielle Iris Hidalgo... Ikaw ang pinakamaganda sa angkan natin. "
" Brianna isusunod mo ba sa kanya ang apilyedo ng kanyang ama? " tanong ni Ina.
" Hidalgo siya Inay....hindi pwedeng ikabit sa kanya ang pangalan ng kanyang ama."
Tumango lang ito. Pagkaluha ni Inay sa aking anak. Nawalan ako ng lakas at doon nakatulog.
Limang araw ang nakaraan. Ginanap namin ang binyag ni Belle... Ngunit isang di inaasahang bisita ang dumating.
Siya ay si SILVANA.
Siya ang pinakamakapangyarihan sa aming lahat. Siya ang Reyna ng Luna...ang Luna ay isang angkan ng may mahika. Tao kami ngunit nasa dugo lang namin ang paggamit ng mahika. Hindi kami masasama... kami ang mga taong nag aalaga ng kalikasan lalo na sa gabi. Tinawag na Luna dahil ang ibigsabihin ay buwan.
" May kasiyahan pala ang pamilyang Hidalgo....."
" napadalaw ka Reyna Silvana..."
" Nalaman ko na sinaktan ka ng isang lalaki Brianna.... at binigyan ka niya ng supling. Napakaganda naman niya..." hinarap niya ito.
" Salamat pero...."
Hinawakan niya ang kamay ni Belle.
" Sa iyong sinapit bibigyan ko ng regalo ang batang ito na siyang maghihiganti sayo sa ginawa ng kanyang ama.... Bilang makapangyarihan ay ikaw BRIELLE IRIS HIDALGO ay binibigyan ko ng kakaibang kagandahan, ang sinumang lalaking titigan ka ay magiging bato ito, at ang sinumang hahalikan nito ay mawawala ang kanyang kasalukuyang ala ala. Ang sumpang ito ay mawawala lamang kung ang kanyang ama ay mamamatay ito sa kanyang mga kamay. "
" Silvana nagmamakaawa ako sayo... wag ang anak ko. " pagmamakaawa ko.
Niyakap ako ng aking Ina.
" Brianna...hindi tama ang ginawa ng lalaking yun sayo. Isa ka sa mga magagaling sa mahika. Bakit mo hinayaan na mangyari sayo yan? "
" Dahil sa pagmamahal Silvana...."
" Ang binigay ko ay hindi na mababawi pa at alam mo yan... Ginawa ko ito upang maproteksyonan ang iyong anak sa mga lalaking magtatangkang saktan siya. "
" Ngunit.... "
" Hindi ako masama Brianna.... ang binibigay kong kakayahan sa isang bata ay isa itong proteksyan para sa kanila. Ang anak mo ay may kakaibang ganda lalo ang kanyang mga mata. Alam ko na alam mo ang magiging kahihinatnan niya sa kanyang pagdadalaga."
Oo naisip ko na ito. Iba ang ganda ng mata ni Belle.... para itong nakakahipnotismo.
" ituloy niyo ang inyong kasiyahan... "
Sa kanyang pag alis, natahimik ang aking mga kamag anak.
Habang tulog si Belle nag usap usap kaming lahat.
" Brianna delikado ang mga lalaking makakaharap ni Belle kailangan natin siyang ilayo upang di siya makakagawa ng kapahamakan sa ating lugar." Maita.
" Juanita... May magagawa pa ba tayo upang mabawasan ang sumpa sa kanya?" tanong ko.
" Pag aaralan ko muna Brianna...tama si Maita kailangan muna natin siyang ilayo pansamantala.... "
Napahugot ako ng hininga.
" Anak.... Sa bundok Maikli muna tayo titira. Ipapalinis ko kina Boyet ang bahay. " Inay.
" Inay... Hanggang saan hahantong ang sumpa sa anak ko? "
" Anak may awa ang Dyos... hindi tayo pababayaan.... ang binigay ni Silvana ay regalo.. wag mong isiping sumpa ang binigay niya. "
Kung regalo ito bakit niya sasapitin ang ganitong klaseng pagsubok.
Nagulat kami ng biglang umiyak si Belle. Aakmang si Anton ang kukuba ng pinigilan soya ni Maita.
" Anton wag!.... Brianna kunin mo na siya... " utos saakin ni Maita.
Pagkakarga ko sa kanya agad itong tumahan. Nakita kung paano nag iba ang kulay ng kanyang mga mata. Green hazel color ang naging kulay ng mata ni Belle.
Sa Bundok Maikli kami nanirahan hanggang sa kanyang paglaki. Sa limang taong edad ni Belle lumalabas na ang kanyang aking ganda na kinaiinggitan ng ibang batang babae sa pamilya. Maging ang kanyang buhok ay kulay mahogany na bumabagay sa kanyang kutis.
Maraming dayo ang nagtangkang tignan ang aking anak ngunit inilalayo namin agad ito sa kanila.
Sa walong edad nagtatanong na kung sino ang kanyang ama. Tatlo kami nila Inay at Lola ang hindi makasagot sa tanong ni Belle.
Tumungtong ng Trese si Belle.
" Inay maliligo lang po ako sa Talon.." paalam niya saakin. Pumayag naman ako dahil araw ng sabado.
Mula bata ay kami na ang nagtuturo sa kanya. Nag aaral ito sa pamamagitan namin nila Inay at Lola.
Ako ay guro ng Elementarya samantalang sina Inay ay titser at Lola ay Principal sa Maligaya National High School.
Home school ang tawag sa pamamaraan ng kanyang pag aaral. Noong nasa ika anim na baitang ng pinaalam namin sa kanya ang biyaya na binigay sa kanya.
Inamin na din namin kung ano kami sa angkan. Hindi naman ito natakot, naintindihan naman niya ito kaya hindi na siya nagtanong pa.
" Mag iingat ka Belle....umuwi ka pagkatapos. Mamaya ay kakain na tayo ng tanghalian."
" Opo Nay..." sagot niya.
Tahimik naman ang pamumuhay namin dito. Ang kaso kinakabahan ako kapag may mga dayong umaakyat dito sa bundok. May mga turista kasi na napapagawi dito sa Bundok Maikli. Sa katunayan may isa ng nabiktima si Belle....ayon sa kanyang kwento at hahawakan sana ito ng isang lalaki na mangangaso. Dahil na din sa ganda ng kanyang katawan.... nabighani ang lalaki at hinarap niya ito para halikan. Sa pagpupumiglas daw ni Belle natanggal ang salamin ng kanyang mga mata kaya nakita niya kung paano nanigas ang katawan ng lalaki. Doon na namin ipinaliwanag sa kanya kung bakit namin siya nilayo sa mga lalaki.
" Brianna.... nasaan si Belle?" tanong ni Lola Patring. Kadarating lang nito mula sa patag.
" Naligo sa talon Lola....ano pong balita sa patag?"
Nagluluto ako ng pananghalian namin.
" Sabi ng iyong ama...malapit na daw magawa nila Maita ang pwedeng magamit ni Belle sa kanyang mata." Lola
" Lola.... sa tingin niyo ba ay epektibo kung sa kanila ang gagawin nila? "
" Wag kang mawalan ng pag asa Brianna.....gagawa tayo ng paraan."
" si Inay po pala Lola? "
" May inaasikaso sila sa iskwelahan... mamayang hapon pa ito aakyat kasama ng iyong ama. "
" Naaawa na ako kina itay at lolo... kapag tulog lang si Belle nila nasisilayan... "
Lumapit saakin si Lola para yakapin ako.
" Apo....naiintindihan naman nila. Mahal nila ang apo nilang si Belle. "
" nagpapasalamat ako lola... maging kayo. Hindi niyo ako iniwan hanggang sa lumaki si Belle. "
" Jusme...nagdrama ka na naman... "
Hinintay namin si Belle ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito.
" Lola pupuntahan ko lang saglit ang batang yun.. Baka nawili na ito kakalangoy... "
Sa Talon.
" Belle.... " sigaw ko.
Ngunit wala akong makitang Belle na naliligo. Kinabahan ako.
" Belle... Nasaan ka!?"
" Belle...."
" Inay nandito po ako.... " narinig kong sagot ni Belle. Nasa likod ito ng puno ng malaking mangga.
Lumapit ako at laking gulat ko na may isang binata na basang basa....ngunit wala itong malay.
" Belle anong ginawa mo sa kanya? "
" Inay nagulat nalang ako sa pag ahon ko habang lumalangoy ng bigla itong sumulpot sa aking harapan. Nalulunod ito kaya tinulungan ko siya.."
Napatakip ako ng bibig sa sinabi ni Belle.
" anak... sana hindi mo ginawa yan. Alam mo naman ang mangyayari sa kanya kapag---"
" Inay wala naman siyang malay... ang kaso mamamatay iyo kung hindi niya mailalabas ang tubig na nainum sa kanyang katawan."
" amina anak... Ako na ang bahala sa kanya... "
Pumikit ako at inihanda ang aking kapangyariha.
" ustava Urra! "
Agad naman itong nagkamalay. Nagtago agad si Belle sa aking likod.
" Belle umuwi ka na... ako ng bahala sa kanya...sige na anak..!"
Tumango naman ito at tumakbo palayo saamin.
" Iho... okey ka na ba?"
Bumangon ito. At may kung anong hinahanap.
" K-kayo po ba ang s-sumagip saakin?"
Tumango lang ako.
" N-nakita niyo po ba y-yung babaeng naka p-puting bestida na naliligo kanina dito?"
Nakita niya si Belle?
" hindi iho... nakita lang kitang nakahiga kaya nilapitan at tinulungan kita. Saan ka ba galing iho? "
" Nagkakamping po kami ng mga pinsan ko sa gawi doon. " sabay turo sa kaliwa.
" Baka hinahanap ka na iho... Sa susunod ay mag ingat ka. Hindi naman delikado dito ngunit hindi rin maiiwasan ang aksidente. "
Tumayo ito. Nagpasalamat ito saakin.
" Sandali po.... Tiga rito po ba kayo? "
" A-h k-kasi ano... nagawi lang din ako. Tiga patag ako sa may Maligaya...."
" ganun po ba... wala po bang nakatira dito? "
" bakit mo naman na itanong iho? "
" nakita ko kasi ang babae kanina... hindi ko masyadong nakita ang mukha ngunit ang buhok niya ay parang namumula... maputi din ito. "
" wala naman iho.... wala ding nakatira dito."
" ganun po ba... Sige po salamat po. "
Sa pagbalik ko sa bahay ay agad kong kinausap si Belle.
" Anak... hindi ka muna maliligo sa talon. Nakita ka daw ng binata.... mabuti nalang at hindi niya nakita ang mata mo. "
Napatigil ako ng may suot suot itong kwintas.
" saan mo nakuha yang kwintas Belle?"
" Hindi ko alam Nay... kung sa ilalim ng tubig ko ito nakuha o sa lalaki kanina. "
" Akina yan Belle... "
Inilayo ni Belle ang kwintas.
" Nay... saakin na ito. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki kasing gwapo ng pinapanood ko sa tv. "
" Brianna hayaan mo na si Belle....ipagkakait mo pa rin ba ang isang bagay? " singit ni lola.
Napabungtong hininga nalang ako. Hinayaan ko ito.
Kinagabihan. Dinalaw ko siya sa kanyang kwarto. Kinuha ko ang brush ng buhok para suklayan ang kanyang mahabang buhok.
" Nay....masaya bang mag aral sa pinagtuturuan nila Lola? "
" Oo naman.... maraming activities na ginaganap sa paaralan ng high school..."
" Nay kailan ko din kaya mararanasan ang mag aral doon?"
Napatigil ako.
" Anak...hindi pa natin alam ang mangyayari kapag.... kung may paraan pa para hindi ka nila makita sa mata... papayag akong mag aral ka doon. "
" Nay....si Reyna Silvana.... pwede ba niyang bawiin ang binigay niya saakin? "
" Anak....ang binibigay ni Silvana ay walang makakabawi doon. Karangalan ang karamihan sa regalong binibigay niya. "
" Bakit ako kapahamakan naman ang binigay niya saakin?"
Lalo akong hindi makasagot sa kanyang tanong.
" Matulog ka na Belle... magsisimba pa tayo ng maaga bukas. "
Sa Tv kami magsisimba. Nagpapasalamat na din ako dahil may simba na sa TV.
Nagtataka ba kayo bakit para kaming nasa sinaunang panahon sa pamamaraan ng aming salita.... Dahil na din sa aming kakayahan. 2022 na ngayon at marami ng mga teknolohiya ang uso ngayon. Pero gusto naming matututo si Belle sa simpleng pamumuhay. Hindi niya kailangan ang mga usong damit, alahas, sapatos, mga gadget gaya ng cellphone. Ang isa lang na pwede niyang gamitin ay ang computer. Gusto din namin siyang matuto sa teknolohiya na pinag aaralan. Hindi siya pwede sa social media gaya ng mga kabataan.
Mahilig sa mga libro si Belle.... natutuwa na ito sa pasalubong ng kanyang mga lolo kapag may dala silang libro na pwede niyang basahin.
Sumapit ang 16 na taon si Belle.
" happy birthday Brielle.... Happy birthday Brielle... Happy birthday... Happy birthday.... Happpppy birthdaaaaaaay to yooooooou!" pagkanta namin sa kanya.
" make a wish Brielle...!" Hilda isa sa mga pinsan ko.
" ang gusto ko lang ay ang maranasan pumasok sa high school sa Siyudad.... at magkaroon ng ibang kaibigan."
Hindi kami naka imik lahat sa kanyang hiling.