Belle pov
" Ikaw Cecil... sa tingin mo hindi tayo kakatakutan ng ibang tao?" tanong ko sa kanya.
Nandito siya ngayon sa kwarto ko. Nagkwekwentuhan kami tungkol sa magaganap sa skul na papasukan namin.
" well hindi naman tayo halimaw para katakutan nila. Sa ganda nating ito... hibang na ba sila? "
" ako kasi, may takot akong nararamdaman Cecil.... lalo na kapag lalaki na ang nasa harapan ko."
Tumabi saakin si Cecillia.
" Kung ganun Belle hindi ka pa nakakaharap ng lalaki? "
" Meron kaso naging bato ito... Cecil hindi pansamantala itong proteksyon ginawa nila Inay sa akin. "
" Kung ganun dapat tayong mag ingat... sa ganda mong yan Belle hindi tayo nakakasiguro na walang lalapit sayo. " maging ito ay kinakabahan na din.
" alam ko na... akin na yung cellphone mo"
" ha? Bakit? Hindi ko pa kabisado ito.."
" halika ituturo ko sayo... pero ang una kong iseset ay alarm clock... Alas otso kamo ang pagkawala ng bisa ng mata mo kaya... 7:30 ay i aalarm natin para may oras ka pang makauwi kung sakaling magabihan ka. "
Pinakita naman niya saakin kung paano gamitin. Mabilis ko lang natutunan dahil touchscreen naman ang cellphone.
" Oh Belle babalik na ako sa kwarto ko... mamaya ay mamasyal tayo. Hindi ko man kabisado ay madali lang naman masundan ang pasikot sikot dito. Gusto mo ba?"
Tinignan ko ang relo, sabay alas diyes palang kaya pwede pa.
" Sige pero hindi tayo magtatagal ha... bukas ay pasukan na natin. Unang araw pa man ay ayoko namang mahuli sa klase. "
" Sige pero... pwede bang bawas bawasan mo yung pananalita mo na tono ng pang Probinsya... magaling ka naman magsalita ng English.... yung tagalog mo wag naman malalalim na para kang makata diyan. "
Natawa naman ako sa sinabi niya.
" Oo na... babawasan ko na. Maige pa'y pumanhik ka na. Magpapahinga muna ako. "
After lunch daw ang paglabas naming tatlo. Nakaidlip ako habang nagbabasa.
Isang boses ang narinig ko.
" Belle.... halika!... samahan mo ako!" sabi ng isang boses. Malambing ang pagkakasabi nito. Tinignan ko ang kanyang mukha ngunit malabo ito.
Aakmang hahawakan ko ang kanyang mukha ng bigla itong naging klaro at isang mukha ng lalaki ang aking kaharap.... ang lalaki sa Talon.
Dahan dahan niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin.
Palapit ng palapit..
Ramdam ko ang kanyang hininga...
Sa kanyang pagdampi sa kanya labi sa aking labi...
Bigla nalang may lumabas na dugo sa kanyang labi.
" Belle....." huling bigkas niya aking pangalan.
Nakaramdam ako ng pagyugyug ng aking katawan..
Pagmulat ko., mukha ni Cecillia ang bumungad saaking mukha.
" Belle nanaginip ka ata..."
Napabangon ako.
" Cecil, wag nalang kaya tayo lumabas.. Masama yung kutob ko."
" Ha? Bakit naman...? Nakabihis na si Kristine,. Nanaginip ka ba na may naging bato?"
" Hindi, ngunit dugo ang aking nakita."
" Belle panaginip lang yan... halika na. Sabi nila ay fiesta daw dito sa barangay... Sige na saglit lang tayo. "
Pumayag na din ako, nagbihis nalang ako para hindi magalit si Kristine.
Paglabas ko.
" Ano ka ba naman Belle...? Wala ka na bang ibang damit? You look like a nerd dyan sa suot mo. " puna saakin ni Kristine.
Naka three fourth akong damit at short lampas tuhod ang haba....nakasumbrero din ako ng itim.
" Ikaw talagang babae ka... lahat lang pinapansin mo. Maganda naman ang suot niya ah. "
" ewan ko sainying dalawa... wala kayong taste sa pagpili ng damit."
Maarte talaga ito kahit sa pananalita. Hindi naman kailangan presentable na damit ang isuot para makapasyal lang.
" Akala ko ba'y dyan lang tayo sa barangay...? " tanong ko.
" Oo pero sana naman ay maganda ganda naman ang suot niyong dalawa. "
" Ang dami mong alam Pinsan... baka gusto mong tawagan ko si Mama at sunduin ka nila dito kasama ng Tatay mo..." pagbabanta ni Cecillia.
Biglang nag-iba ang aura nito.
" eto naman di na mabiro... sige na nga Oks na yan... Tara na...! " nauna na itong lumabas ng bahay.
" Kita mo itong babaeng ito... takot mapauwi hahaha... " Cecillia
" Ikaw talaga.... "
Nakahawak lang ako sa braso ni Cecillia. Hindi ko kabisado ang lugar kaya natatakot din akong mawala. Palingon lingon ako sa paligid. Ang mga tao ay abala sa pagtitinda..ang iba naman ay mga tambay mga stall ng lugar.
Tila mga langgam na nagkakabungguan ang mga tao.
" Hawakan mo lang ako Belle... Maraming tao. Ano kaya meron doon?"
" Cecil... ano kaya kung umuwi na tayo?"
" Nandito na nga tayo Belle... tara doon oh!" nauna muki si Kristine sa paglalakad.
Hindi ko inaasahan na ganito karami ang tao. Ni minsan kasi hindi pa ako nakapunta sa isang fiesta.
" OMG!!, tignan niyo may bandang sikat! "
" Sino naman sila? Hindi ko makita... " Cecillia. Patalon talon pa ito para makita ang bandang nagtutugtog.
Nakatayo lang ako sa tabi ni Cecillia.
" Grabe ang Parokya ni Edgar... grabe! Hanep!" Kristine
Ni isa sa kanila ay wala nga akong kilala.
" Belle...ok ka lang? "
Nakaramdam kasi ako ng pagkauhaw kaya napahaplos ako ng leeg.
" Nauuhaw ako Cecil... tara doon bumili."
" Kristine... dito ka muna bibili lang kami ng softdrink ni Belle... Wag kang lalayo malilintikan ka saakin.."
" Oo na... Ito may pagbabanta parati.."
" eh para ka kasing kiti kiti...."
" Oo na...."
Sa isang stall kami bumili ng inumin.
" Belle anong gusto mo dito? " turo ni Cecillia sa mga larawan sa harap.
Wala akong alam sa inuming ganito. Ang gusto ko lang ay tubig.
" Miss ano sainyo? Milk tea o milk shake? " tanong ng tindera.
" Ano Belle? Ano sayo?"
" Ano po ito?" turo ko sa isang inumin.
" Ah Miss... Taro shake yan..."
" Yan ba ang gusto mo?" baling sa akin ni Cecillia.
" Ate may tubig po ba kayo? Yun nalang saakin"
" sure ka Belle?"
Tumango lang ako.
" Ate ako itong dark chocolate... at cookies and cream na milk tea..."
" Sure ka Miss Tubig lang sayo?" paniniguro ng tindera.
" Opo...."
Habang hinihintay namin ang milk tea. Isang grupo ng lalaki ang tumabi saakin.
" Hi Miss..." hindi ko ito tinignan pero alam kong ako ang kinakausap niya.
" Yes? " sabat ni Cecillia.
" Ah ano kasi--kanina ka pa namin napapansin.. pwede ba kaming magpakilala?"
Lumayo ako sa kanila at sa likuran ni Cecillia ako pumuwesto.
" Ah Miss wag kang matakot... ako nga pala si Hendrix... sila naman mga barkada ko. "
Ngunit hindi pa din ako tumingin sa kanila. Ramdam ng mata ko na mapanganib sila.
" ah sorry pero hindi nakikipag kausap ang pinsan ko sa mga strangers..."
" sinabi na nga pangalan ng leader namin... di hindi na kami stranger... Hahaha" sabat ng isang kasama niya.
" Halika na...." aakmang aalis na kami ng biglang humarang sa harapan ko ang lalaking nagpakilala kanina.
" Wag ka namang bastos Miss... Nagpapakilala naman ako ng maayos... tsaka hindi ko ba ako kilala?"
" Hindi..." tipid kong sagot.
" Pwede ba umalis kayo sa daanan namin... kayo ata ang bastos.."
" Come on girls....wag naman kayong pakipot.." sagot pa ng isang lalaki. Apat silang magkakasama.
" Sandali lang taba... hindi naman ikaw ang gusto naming kasing nakilala... Kundi yang kasama mo. "
" Boss... Akala ata niya kagandaha.. Hahaha"
" Eh bastos pala kayo eh... Ayaw nga ng pinsan kong magpakilala..."
" hoy taba!... - - - -" pagduduro niya kay Cecillia.
Ayaw kong iniinsulto ang mga babae kaya sinampal ko ang lalaking nasa harapan ko na dinuro duro si Cecillia.
Pak!
Natahimik ang mga kasama niya.
Bago pa man mapalingon ito ay hinatak na ako ni Cecillia palayo doon. Sa paglingon ko ay hinahabol na nila kami.
" Cecil....andyan na sila.. Takbo!"
Hinatak na din namin si Kristine na nagseselfie sa kanyang kinatatayuan. Maging ito ay sinali namin sa takbuhan.
" OMG!... bakit nila tayo hinahabol!" maarteng tanong ni Kristine.
" Tska na namin ikwekwento.. Ang mahalaga ay matakasan natin sila..." Cecillia
Lumingo ako uoang tignan ang humahabol sa akin.
" Jusko Cecil... Malapit na sila... Bilisan natin... "
Binilisan namin ang pag takbo. Marami na din kaming nabundol. Ngunit sa kamalasan ay nabitawan ako ni Cecillia. Sinundan ko nalang ang kanilang gawi...
" Cecil!!" tawag ko sa kanila.
Sa huli kong paglingon nakaramdam ako ng takot. Malapit na sila saakin.
Sa pagbalik ko ng tingin...
Beeeep....!
Beeeep....!
Beeeep....!
Busina ng sasakyan ang nagpahinto ng pagtakbo ko. Hindi makagalaw ang mga paa ko.
Nasa gitna na pala ako ng daan.
Sa kasamaang palad... nahuli nila ako.
" Ano ba! Bitawan mo ako!"
" Masyado kang pakipot...!"
Nagpupumiglas ako pagkakahawak niya saakin.
" Sinampal mo ako kaya humanda ka..."
Hinahatak niya ako ng biglang may lalaking nagsalita.
" hey!...Let her go!"
Napalingon naman kami sa kanya.
" Wag kang mangealam dito...! "
" ano ba bitawan mo ako! Hindi naman kita kilala...!" pagmamakaawa ko.
Sa pagpupumiglas ko.... isang kamay ang pumigil sa pagkakahatak sa akin.
" I said let her go! "
Agad akong lumayo ng bigla nabitawan ang kamay ko ng lalaking humabol sa akin.
" Saakin siya! " sabi ng lalaki.
" Hindi ka daw niya kilala....kung ipagpipilitan mo pa.. Tatawag ako ng pulis!"
Isang masamang tingin ang pinukol sa akin ng lalaki.
Nakayuko lang ako at hawak hawak ang brong nagka pasa sa pagkakahatak saakin ng lalaki.
" Hey! Miss... Are you Ok? "
Umangat ang tingin ko sa lalaki. Sa pagtama ng aming mata... nagulat ito sa kanyang nakita.
Gaya ng dating nabiktima ko ay iisa ang kanilang reaksyon sa pagsilay sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Bago pa man magtanong ito ay dumating sina Cecillia.
" Belle tara na.... Pogi salamat sa pagligtas sa pinsan ko... sige ha.."
Agad kaming umalis at iniwan ang lalaki.
Nilingon ko ito at nakatingin lang ito saakin.
Pagdating namin bahay
" Jusme! Belle... tama nga ang sinabi nila sa gandang meron ka panganib ang dala.."
" ano ba kasing nangyari?... hindi pa tapos kanta ng Parokya ni Edgar... nag eskapo na tayo... at what those goons na humahabol sa atin?"
Nagkatinginan kami ni Cecillia.
" Kasi--binastos kami.. at itong si Belle... sinampal niya yung nognog na lalaki kanina... "
" Anong nognog? " Kristine
" Maitim na lalaki.... jusme! Para tayong tumakbo sa marathon... " pabagsak niyang inupo ang kanyang sarili sa upuan.
" Sinasabi ko na kasi eh... may mangyayari eh.. "
" Pero alam mo... ang pogi ng nagligtas sayo kanina... " Cecillia
" truth! ... Naku sabi ko na nga ba... dito natin mahahanap ang The One natin..." sambit nj Kristine
" ayun!!! Lumabas din ang dahilan bakit gustong mag aral dito... kasi sa kakapanood mo ng kdrama..." Cecillia
" Anong kdrama?"
Ako naman ang tinignan nila.
" Teleserye sa Korea... kdrama ang short term nun... oh siya... magbihis na tayo. At magluluto na ako ng hapunan natin. "
Gabi na ng mapansin ko na nagkapasa na ang braso ko sa higpit ng paghatak saakin kanina.