HARRIS POV Ngayon ang huling gabi ng lamay ni Zinn, ang babaeng mahal ko. Mas dumami pa ang mga nakiramay pati buong students nandito. Dumating din ang Dela Peña family, sila Stella. Hindi rin niya inaasahan ang nangyari kay Zinn, magkaaway sila dati pero pagkatapos no'ng engagement namin ni Zinn lumayo na siya sa akin. Naka upo lang ako dito sa harapan habang minamasdan ang mga taong sumisilip sa coffin ni Zinn. Hanggang ngayon nahihirapan akong tanggapin, at ang sakit dahil bukas ang huling araw na makita ko siya. Bakit siya pa? Bakit ikaw pa Zinn? Tanong ng isipan ko habang tumutulo ang mga luha ko. "H-harris," tawag sa akin ni Stella. Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya. "H-hi, may kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya. "No, ahm... Condolence, I didn't know how to s

