Tamara
"Davon!" Magiliw kung pagtawag sa pangalan nito habang bumababa ito sa hagdanan.
Hindi ko maiwasang mamangha sa itsura nito. The word handsome is not enough to describe how perfectly he was, from hair down to his foot. Walang sayang, walang tapon. All I can say is, his like a great Goddess who can attract attentions even if his doing nothing.
Nang makababa ito ng tuluyan ay ngumiti ako ng malapad.
"Nagluto ako ng breakfast para sayo. Tara kain tayo." Mabilis na nabura ang ngiting pinakita ko sa kaniya ng nilagpasan lamang ako nito at nagtungo sa ref para kumuha ng tubig.
Hindi man ako nito tinaponan ng tingin, maski ang pagkain na inihanda ko para sa kaniya. Hindi ko maiwasang masaktan, nanatili parin akong hangin sa paningin niya.
Nagsalin ito ng tubig sa baso at saka nilagok lahat ng laman noon saka umalis ng hindi man lang ako nilingon.
Sa halos isang taon naming pagsasama kahit kailan ay hindi ako nito binigyan ng kahit anong atensyon. Tila ba hindi ako nag e-exist sa kaniya.
Ano nga ba ang aasahan ko, kinasal lang naman kami dahil sa mga magulang namin. Hindi ako tumutol dahil sa iyon ang pangarap ko. Ang makasal sa taong mahal mo, pero sa sitwasyon ko ako lang naman ang nagmamahal sa relasyong ito.
Pinilit lang si Davon ng kaniyang lolo Felipe na pakasalan ako, dahil natatakot ito na maiwan ang apong mag-isa. Magkaibigan ang lolo ko at lolo ni Davon, they decided to merge our company with them. Doon na din naungkat ang arrange marriage na plinag-planohan nila. I am not against with it, noong nalaman ko iyon natuwa ako, simply because I'm in love with Davon, at pumayag ako sa gusto nila, and now, here we are not happily married.
Bagsak ang mga balikat akong bumalik sa kusina para ilagay sa tupperware ang mga inihanda kong pagkain. Dadalhin ko na lamang ito sa trabaho dahil sayang naman kung hindi nakakain.
Sa araw araw na paghahanda ko ay hindi ko man lang maranasan na matikman ni Davon ang mga niluto ko. Dahil sa tuwing umaga ay hindi ito kumakain, bagkus ay sa opisina na ito nakakapag-breakfast, ganoon din ang tanghalian at panghapunan kaya sa huli ako lang ang kumakain ng mga niluluto ko.
Mabilis na akong gumayak para pumasok sa trabaho. Hindi ko kinuha ang posisyon bilang CEO ng company dahil kung tutuusin hindi iyon ang aking gusto. Mas pinili kong maging President ng Architecture Department sa mismong company na kung saan si Davon ang naging CEO. Wala akong habol sa posisyong iyon, sapat na saakin na mai-pursue ang course na kinuha ko. Si Davon lahat ang humahawak sa bawat company at businesses nila mas mayaman ng di hamak si Davon kaysa sa pamilya ko.
Nang matapos ay agad na akong nagtungo sa aking sasakyan. Davon bought this for me because he doesn't want to go with me pag papasok ng trabaho.
I don't know why he hated me a lot, na kung saan kabaliktaran ng sa akin.
Bago ako nagtungo sa company ay may dinaanan muna ako bago pumunta sa trabaho. Bumili na rin ako ng mga kandila at bulaklak bago nagtungo sa sementeryo.
It's my lolo and parents death anniversary.
Isa-isa kong sinindihan ang bawat kandila sa bawat lapida. I miss them so much, until now I wasn't able to move on, kahit halos isang taon na ang nakalipas, parang kahapon lang ang nangyari ang lahat.
One month matapos kaming makasal ni Davon, nasangkot ang mga magulang ko kasama na ang lolo ko sa isang aksidente. Sa kamalasan ay tatlo silang agad na kinuha sa akin. I was so devastated, tanging lolo ni Davon ang umalalay sa akin sa mga oras na iyon dahil wala naman akong maasahan kay Davon.
Habang nalulungkot sa pagkawala ng mga magulang ko ay ayon siya, kaliwat kanan ang mga babaeng ikinakama.
Alam ko kung bakit niya iyon ginagawa, just because he want me out of his life. Gusto niyang kamuhian ko siya, but I don't know, nagiging tanga na talaga siguro ako dahil kahit anong gawin niya ay mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya.
I remember the day na gusto niyang makipaghiwalay pero nagmakaawa ako, wala na akong ibang mapuntahan dahil ang katotohanan na hindi na sa akin ang bahay na tinitirahan namin noon. Dahil ang totoo niyan kung bakit kami naikasal ni Davon ay lubog na kami sa utang.
Tanging company na lamang ang naisalba dahil iyon sa tulong ng lolo ni Davon. Bilang pasasalamat naisipan nilang ikasal kami para sa ganoon may makakasama si Davon sa oras na mawala sa mundong ito ang lolo nito. Naniniwala ito na kaya kung palambutin si Davon umaasa rin ako roon.
Nagmakaawa ako sa kaniya na wag akong hiwalayan dahil siya na lamang ang meron ako. He knows, he knows that I love him the reason why he hated me a lot. Nakiusap din ang lolo nito na huwag akong hiwalayan, kaya nanatili pa rin na kasal kaming dalawa.
Alam ko na darating ang araw na pwede siyang mawala sakin, dahil nasisiguro ko na gagawin nito ang lahat mawala lang ako sa buhay niya. Nakahanda ang sarili ko sa oras na mangyari iyon, pero hindi ko alam kung kakayanin ko. Wala akong ibang maisip sa ngayon kung hindi ang namnamin ang bawat araw na kasama ko siya. Aasa ako na balang araw ay matutunan ako nitong mahalin.
Nang halos mag isang oras na, I decided to leave. Muli akong tumingin sa mga lapida.
"I hope you guys were guiding me."
***
Nang makarating ako sa company ay agad na akong nagtungo sa Architecture Department para simulan ang pagtra-trabaho, lalo na ngayon maraming projects ang kailangang i finalize.
"Cleinne Tamara Salvador!" Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin. Lumapad ang pagkakangiti ko ng mapagtanto kung sino iyon.
"Solielle! Gosh, I miss you!" Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya, halos isang buwan akong hindi nakapasok dahil sa pagkakasakit ko, hindi ako pinayagan ni Lolo Felipe na magtrabaho kaya pinag-leave ako nito ng isang buwan. OA nuh.
"Ano na kamusta na pakiramdam mo?" pagtatanong nito sa akin, alam lahat ni Solielle ang mga ganap sa buhay ko. She's my childhood bestfriend. Matalik na magkaibigan ang mommy ko at mommy niya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit kahit papano ay nagagawa kung mamuhay ng masaya. Having her by my side it does complete me.
Nag-usap lang kami saglit at bumalik narin sa kaniya kaniyang gawain. Abala ako sa pagperma at pagbabasa ng mga projects ng biglang tumunog ang aking cellphone.
Napangiti ako ng makita kung sino ang tumawag.
"Yes?" Bungad ko sa tumawag.
"Sasabihin ko lang sayo na bukas wag kayong mawawala ni Solielle sa Birthdya ko! Aba't baka nakalimutan niyo na." Napailing na lang ako sa pagiging isip bata ng isang ito.
"Hello! Hoy Tamara sinasabi ko sayo." Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa pag-sigaw nito. Kahit kailan di parin nagbabago ang isang ito.
"Oo na. Istorbo ka ng trabaho alam mo ba iyon!" Kunwaring naiinis kung turan. Rinig ko pa ang pagkayamot nito bago ko pinatayan ng tawag.
"Did Kairo call you?" Umupo sa harapan ko si Solielle at halata rito ang pagka-inis. Malamang dahil na namn ito sa kaibigan naming pinaglihi sa hindi malamang pagkain dahil sa pagkakaroon ng kakaibang ugali na tanging kami lang ni Solielle ang nakakaintindi.
"Yup, bakit inasar ka na naman ba?" Napairap si Solielle sa naging tanong ko. Sa aming tatlong magkakaibigan itong si Kairo at Solielle lagi ang nagbabardagulan. Kulang na lang talaga iisipin ko gusto nila isa't isa eh ayaw lang na maamin sa mga sarili.
"Sabay tayong mamili ng regalo para sa kaniya mamaya ah." Pagkasabi ko nun ay umirap lamang siya at saka bumalik sa sarili nitong mesa.
Mag alas singko na ng matapos kami sa office work, maghapon na hindi ko nakita si Davon. Dahil kung tutuusin sa umaga at gabi ko lamang ito nakikita. Minsan ay halos isang linggo ko ito hindi nakikita sa bahay namin o kaya sa trabaho man lang.
Gaya ng napag-usapan namin ni Solielle ay nagtungo kami sa mall para mamili ng ireregalo kay Kairo dahil 25th Birthday nito bukas. Naghanap na din kami ng susuotin para sa birthday nito bukas.
Halos mag 7 o'clock na ng gabi natapos sa pamimili, agad na rin akong umuwi sa oras na iyon. Mabuti na lamang din at napagpasyahan namin ni Solielle na kumain na lamang sa labas dahil for sure hindi na ako makakapagluto. Isa pa ako lang din naman ang kakain sa mga niluluto ko. Kahit na may mga kasambahay kami ay mas gusto ko na ako padin ang nagluluto para sa sarili at kay Davon kahit na hindi naman nito kinakain ang mga luto ko.
Nang makauwi ay agad ko na ding binigay ang susi ng sasakyan sa bodyguard namin upang igayak ito sa parking area ng mansion.
Malawak ang bahay nina Davon, tanging mga katulong, bodyguards at kaming tatlo lang ang nanatili dito. May sariling nurse si Lolo Felipe dahil hirap na din itong gumalaw galaw, tanging sa kwarto na lamang ito madalas na namamalagi. Paminsan-minsan ay lumalabas ito para makalanghap ng sariwang hangin.
Walang kaalam-alam si lolo sa mga pagtrato sakin ni Davon. Ang alam nito ay maayos na ang pagtrato sakin, kaya kung minsan ay nagiging plastic kaming dalawa pag kaharap namin si Lolo. Iyon na ata ang bagay na mas gusto ko maranasan kahit plastic at least nagagawa ko itong mahawakan.
Pagkapasok ko sa loob ng mansion ay nagmistula akong naestatwa na hindi makagalaw sa kinatatayuan.
I saw my husband kissing a woman, nakaupo ang babae sa kandungan ng asawa ko paharap ito sa kaniya. Gulat ang mga kasama nito ng makita ako, pero ang dalawa ay tuloy parin sa paghahalikan.
"Hey! Tamara baby!" Hindi ako natinag sa pagtawag sakin ni Kenzi kahit na pilit nitong pinapasigla ang paligid. Kita ko ang pag-iling ng mga kaibigan nito dahil sa nagaganap sa oras na ito. Bumalatay sa mga mukha nila ang awa. Alam ko naman iyon, ilang beses na din nila akong sinabihan na makipaghiwalay na lang dahil aminado sila sa pagiging gago ng kanilang kaibigan.
Ngumiti ako ng mapait kay Kenzi bago nagtungo sa hagdan papunta sa kwarto ni Lolo Felipe, gusto ko itong dalawin para masigurong okay lang siya.
Nang makapasok ako sa kwarto nito ay nadatnan ko pa ang private nurse nito na inaayos ang higahan nito, sumenyas na lamang ako na iwan na muna niya kami.
Mahimbing ng natutulog si lolo Felipe, naalala ko si Lolo Sebastian, malalapit ang loob ko sa mga matatanda kaya ganoon na lang kadali sa akin na mapalapit kay lolo Felipe.
Pinagmasdan ko lamang siya habang mahimbing na natutulog.
Hindi ko na namalayan ang paghikbing pilit kung pinipigilan, tinakpan ko ang aking bibig upang hindi siya magising. Tila ako isang batang nagsusumbong sa kaniya.
Ngayon mas naramdaman ko iyong sakit na pumapalibot sa akin. Napapagod ako pero bakit hindi ko magawang bumitaw sa kaniya.
Napatingin ako kay Lolo Felipe ng maramdaman ko ang pagpisil nito sa aking kamay.
"Iha, Bakit ka umiiyak?" Puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang mga luhang sunod sunod na nagsisipatakan, at ngumiti kay lolo Felipe na ngayon ay nagising na, marahil sa nagawa kung pag-iyak.
"Pasensya na ho lolo, nagising ko pa kayo." Ngumiti lamang ito sa akin at muling pinisil ang mga kamay ko. Sa paraang iyon ay muling bumuhos ang masaganang luha na hindi ko na kayang mapigilan pa.
"May problema ba? Bakit ka umiiyak?" Muli nitong pagtatanong sa akin. Iyong apo niyo lolo wala ng ibang ginawa kundi ang saktan ako, ang sakit sakit niyang mahalin pero mas nanatili padin ang pagmamahal ko, hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil kahit na gago siya mahal na mahal ko siya. Iyon ang mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Bagkus ay mas pinili ko na lang na wag sabihin ang dahilan ng pag-iyak ko.
"Namimiss ko lang ho sina mommy, death anniversary nila ngayon." Hindi nakatakas sakin ang pagguhit ng kalungkutan sa mga mata ni Lolo Felipe, alam kung pati siya ay nabigla sa mga nangyari.
"Iiyak mo lang iyan iha, andito lamang ako. Halika." Tinapik nito ang kama, pahiwatig na pinapalapit ako nito roon upang mayakap ako nito.
Nang makalapit ay tuluyan ng bumigay ang katawan ko, ang hikbi ko ay napunta na sa hagulgol. Naninikip ang dibdib ko sa sakit at kalungkutan. Hindi ba ako naging mabuting tao sa nakaraan kung buhay kung kayat tinatamasa ko ang pangit na kapalaran na ito.
Nang kumalma ako ay pinatulog ko na lang si lolo at saka iniwan kasama ang private nurse nito. Rinig ko sa baba ang halakhakan ng mga magkakaibigan hindi padin sila umaalis.
Nagtungo na ako sa aking sariling silid upang makapag-pahinga. Hindi kami natutulog sa iisang kwarto ni Davon, at hindi iyon alam ni lolo Felipe dahil nga hindi naman ito gaanong lumalabas kung kayat hindi nito nakikita kung ano ang nangyayari sa amin ni Davon.
Nagpasya akong maligo muna bago mahiga. Nang matapos sa pagligo ay agad na rin akong nahiga sa aking higaan. Muling sumagi sa isipan ko ang nadatnan ko kanina. Sa malamang nasa kwarto na ang mga iyon at pinagpatuloy ang pagpapasaya sa mga katawan nila.
Muling nanikip ang aking dibdib dahil sa isiping iyon. Ito na ata talaga ang kapalaran ko ang gabi gabing pag-iyak dahil sa ginagawa ni Davon sa akin.
Hanggang kelan ko kakayanin ang sakit na ito? Kung darating man ang oras na iyon, kakayanin ko ba? Makakaya ko bang kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya?
Hanggang kelan ba ako magpapakatanga sa isang katulad niya? Pero kahit anong mga tanong ang ibato ko sa sarili, tila ni isa sa mga iyon ay hindi ko man lang magawang bigyan ng tamang sagot. Siguro nga kapalaran kung masaktan.