There are things better left unsaid. Sometimes we don't want to talk about it because it embarrassed us. But most of the time, we just think that no one will understand even if we did. Kaya naman mas pinipili nating itago na lang ang lahat sa ating mga sarili dahil tingin natin ay iyon ang makakabuti.
I used to agree and believe in that, too. I was the type of person who didn't want to share her worries to other people and trouble them when I knew they had their own struggles. But then, I realized that all these things I had been holding back were being stuffed in my chest.
Sobrang bigat sa dibdib na parang hindi ka makakahinga nang maayos. Pakiramdam ko ay unti-unti na akong nilalamon ng buo habang hinahatak pababa. These worries started to get into my head, transforming into something dark and dangerous, which made me decide that it was time to let it all out.
Sa gitna ng tirik na araw, isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. The day was bright and clear, contradicting the storm inside me. The wind blew my way and a few strands of hair covered my face. Mabilis ko iyong sinikop at iniladlad sa kanang balikat kung saan papunta ang direksyon ng hangin bago ako nag-angat ng tingin sa karatula na gawa sa malapad at malaking kahoy. Pinaningkitan ko ang aking mga mata upang mabasa ang nakasulat. Sa gitna no'n ay nakaukit ang pangalan ng lugar gamit ang mga malaking letra—KALINAW. It was written in all bold and black capital letters, standing out from the Earth colors.
Mahigpit akong humawak sa strap ng aking bag. Napalunok ako at hindi malaman kung itutuloy ko pa ba ang pagpasok sa loob o aatras at uuwi na lamang. Damang-dama ko ang nerbiyos na dumadaloy sa aking katawan. The urge to back out was winning the poll inside my head until I heard a car's engine approaching.
Napalingon ako sa kanang bahagi ng daan. Dire-diretso ang pagtakbo ng sasakyan hanggang sa unti-unti iyong bumagal habang palapit. Nang bumusina sa akin ay agad akong napaatras.
Tahimik kong pinanood ang sasakyan na pumasok sa loob ng Kalinaw matapos magmaneobra. Dahil nasa bungad lang ang maliit na parking space, nakita kong bumaba roon ang isang babaeng ayos na ayos at taas-noong naglakad. She was dressed up from head to toe with a black designer dress and stilletos. Her hair was tied in a messy bun. She had that heavy aura that would make you feel like she was unapproachable.
Hindi ko maiwasan ang mapaisip. On the surface, she looked strong-willed and headstrong. But under that façade, no one knew what she really felt inside. Walang nakakaalam kung bakit siya nandito kagaya ko. Alam kong hindi magandang pakinggan pero medyo gumaan ang loob ko nang dahil doon.
Muli akong bumuntonghininga nang nakapagdesisyon. Lumuwag ang aking paghawak sa strap ng bag at saka nagsimulang maglakad papasok.
Sa bungad pa lang ay nandoon na ang opisina. Gaya ng sabi sa instruction sa confirmation email ng schedule, doon muna ako nagpunta. Naabutan ko pa sa loob ang babaeng naka-kotse at kausap niya ang isa sa dalawang staff.
“Good morning! Welcome to Kalinaw!” bati sa akin ng receptionist. She wore a warm smile which seemed genuine and accommodating. “Do you have any appointment or booking with us?”
Tahimik akong tumango at ipinakita ang email. “Ito ‘yong schedule ko…” sabi ko gamit ang maliit na boses.
“Aryah Santana…” sambit niya sa pangalan ko bago tiningnan ang monitor sa harapan. Mabilis siyang nag-scroll doon bago sumilip sa kabila. “Oh! Magkagrupo po pala kayo ni Ma’am Bridgette.”
Napaawang ang aking mga labi. Sabay kaming nagkatinginan. Hilaw akong ngumiti sa kanya bilang simpleng pagbati. Akala ko ay hindi niya ako papansin, but she forced a small smile out of courtesy before turning away. And to be honest, that was enough for me.
Alam ko kung gaano kahirap makisama sa ibang tao, lalo na ang mga kagaya kong socially awkward at introvert. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagdalawang-isip na tumuloy sa schedule. May offer din namang individual consultation ang Kalinaw, ngunit naisipan kong magandang mapasama sa isang grupo. That way, I wouldn’t feel like I was the only one struggling to get through each day. I wouldn’t feel alone.
Pagkatapos naming mag-fill up ni Bridgette ng form ay sinamahan kami ng isang staff papunta sa kuwarto kung saan nagaganap ang group consultation. She told us that the other member of our group, who arrived ten minutes earlier, was already waiting for us.
Habang tahimik na naglalakad, nilibot ko ng tingin ang Kalinaw. Dahil nasa probinsya ay maraming nakatanim na mga halaman at puno sa loob at paligid ng lugar. Dinig din ang magandang paghuni ng mga ibon. Aside from rooms for consultations, there were also a lot of cottages to provide lodging to people who wanted to do soul searching and get a break from their stressful life. Kung hindi ito isang healing dome ay puwede ring pumasa bilang nature-themed resort or hotel.
Sa laki ng lugar, halos tatlong minuto rin kaming naglakad papunta sa kuwarto kung saan kami naka-assign. Pagkapasok pa lang sa loob ay agad kong nahanap ng tingin ang isa pa naming kasama ni Bridgette. Her head gracefully turned our way. She looked a little surprised at first but she eventually smiled.
She was wearing a white semi-formal attire and her hair was neatly combed. Mahinhin siyang tumayo upang bigyang respeto ang aming pagdating. She moved with poise and discipline, looking so prim and proper.
Nag-aalangan akong pumasok kasama si Bridgette habang ang mga mata ay nananatili sa kanya. The staff bid us goodbye and told us to wait for the counselor to join us before starting the session. Pagkatapos no’n ay iniwanan niya na kaming tatlo sa loob.
The consultation room had a rustic bohemian themed interior, playing with colors white and different shades of brown. It was like a simple and cozy living room with bean couches, sofa, center table, and other boho decorations. Katulad sa labas ay mayroon ding mga halaman sa loob na mas nagbigay buhay at kulay sa kuwarto.
Just being inside the room could be very calming, but I couldn’t move comfortably because of the awkward atmosphere among us three. It was a little suffocating. Parang mayroong sariling mundo si Bridgette habang nagse-cellphone samantalang ang isa pa naming kasama ay tahimik din. Nakaupo siya nang diretso habang nakatingin sa kawalan, ngunit nang napansin ang titig ko sa kanya ay muli siyang ngumiti sa akin.
“Hi! Good morning!”
Halos mapatalon ako sa gulat nang nadinig ang boses at pagpasok ng aming counselor. Napalingon ako sa may pintuan kung saan siya nanggaling.
“I’m sorry. Kanina pa ba kayo naghihintay?” masiglang tanong niya habang naglalakad papunta sa sofa kung saan nakaupo si Bridgette. “Tabi tayo, ah?”
Tipid na tumango si Bridgette at agad na naupo ang counselor sa tabi niya. Napaayos din naman ako ng upo lalo na nang muli kong naramdaman ang kaba. My legs started shaking on their own, a sign that I was feeling anxious. Unti-unti ring lumakas at bumilis ang pagtibok ng aking puso.
“Hi ulit! I’m Divine!” pakilala niya sa kanyang sarili. “Ako ang magiging counselor ninyo ngayon dito sa Kalinaw.”
Sabay-sabay kaming bumati sa kanya, ngunit kahit na ganoon ay halos hindi marinig ang pinagsama-samang boses naming tatlo dahil sa sobrang hina. I was also aware that I already looked constipated as I couldn’t smile as naturally as I could. Masyado akong nadadala ng kaba dahil nagsisimula na.
“Bago tayo magsimula, gusto ko lang itanong kung lahat kayo ay nakapirma na ng NDA?” Isa-isa niya kaming tiningnan para makuha ang aming sagot at tipid lamang akong tumango. “Dito sa Kalinaw, we value our clients’ privacy next to their mental health. Since you all opted for a group consultation, we want to make sure na kung ano man ang pag-uusapan natin dito sa loob ng kuwartong ito ay walang makakalabas.”
Muli akong tumango-tango upang ipakitang naiintindihan ko ang kanyang mga sinasabi.
“At dahil lahat kayo nakapirma na ng NDA, puwede na tayong magsimula,” sabi niya. “Alam kong medyo awkward pa tayong lahat sa isa’t isa at ayos lang ‘yon dahil ngayon pa lang tayo nagkakila-kilala. Siguro ay napapaisip na kayo na mali ang naging desisyon ninyong sumali sa isang group consultation, pero ngayon pa lang, sinasabi ko sa inyong malaki ang magandang maidudulot nito sa atin,” paliwanag niya. “Magkakaroon tayo ng group sharing. Isa-isa nating pag-uusapan iyong mga bagay na gusto nating mailabas at kabilang na rin ako do’n. To be fair, I will also share my experiences which led me to where I am right now.”
The way she explained things sounded very convincing to me. I could also see how passionate she was to help other people.
“To formally start our session, I want you to introduce yourselves first para makilala natin ang isa’t isa,” sabi niya at saka nilingon si Bridgette. “Is it okay if we start with you?”
Tipid namang tumango si Bridgette sa kanya bago humarap sa amin. She wore a small smile and casually introduced herself, “Hi. Just call me Bridge.” Sobrang ikli ng kanyang pakilala na para bang napilitan lang siya.
“Bridge. Okay.” Ngumiti si Divine saka inilipat sa akin ang tingin. “Ikaw naman.”
Humampas nang malakas ang aking puso sa dibdib. Ipapakilala ko lang ang aking sarili pero katakot-takot na ang kaba na nararamdaman ko. Para bang pati sa pagsasabi ng aking pangalan ay puwede akong magkamali.
“Uhm, I’m Aryah…” I hesitantly said. May gusto pa sana akong sabihin ngunit hindi na rin nasundan at agad kong itinikom ang aking mga labi.
Mukhang napansin naman iyon ni Divine kaya ngumiti na lamang siya sa akin. Hindi niya na ako pinilit pa.
“Hello! I’m Seychelle,” the woman in white dress introduced herself in a friendly way but still soft-spoken. “It’s nice meeting you all.”
“Great!” Divine reacted. “Bridge, Aryah, and Seychelle.” Inisa-isa niya ang aming mga pangalan. “So, gaya nga ng sabi ko kanina, magkakaroon tayo ng parang group sharing. Nandito tayo para ilabas ang mga bagay na ikinikimkim natin. Gusto nating mawala ‘yong bigat sa ‘ting mga dibdib.”
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Dahil pinuna niya iyon ay muli kong naramdaman na parang pinipiga ang aking puso.
“Alam kong magiging mahirap ito para sa inyo, kaya para magkaroon kayo ng lakas ng loob, ako na ang mauuna,” pagpapatuloy niya saka umayos sa pagkakaupo at huminga nang malalim. “I grew up in an unconventional family. Ang sabi nila, isa akong bunga ng pagkakamali ng mga magulang ko. Ayoko mang maniwala, pero kasi nararamdaman ko rin ‘yon. Alam kong ayaw naman nila talaga sa akin. Inaalagaan lang nila ako kasi responsibilidad nila ‘yon bilang magulang ko—and I was thankful for that. Masaya ako kasi binigyan nila ako ng pagkakataong mabuhay,” kuwento niya. “Pero syempre, no’ng una, mas inisip ko na sana hindi na lang ako nabuhay. I felt so unwanted, lalo na noong nagkaroon na sila ng sari-sariling pamilya. I was left all alone. At kapag nakikita ko kung gaano nila kamahal ang mga anak nila sa taong pinakasalan nila, mas lalo kong naramdaman na parang wala talagang nagmamahal sa akin. That’s why as soon as I was able to stand on my own, they let me go.”
Napaawang ang aking mga labi. Sumikip ang aking dibdib at parang hindi ako makahinga nang maayos. I wasn’t just empathizing with her, but I experienced that myself firsthand.
Naranasan ko na ang mawalan ng pamilya. Hindi lang isang beses, kung hindi dalawa. Alam ko kung gaano kasakit na ipagtabuyan. Alam ko kung ano ang pakiramdam na maging mag-isa; na para bang walang nagmamahal sa ‘yo kung hindi ang sarili mo.
“Naging mahirap para sa akin ang lahat, lalo na no’ng nag-migrate ang mama ko kasama ang pamilya niya sa Canada. It got harder for me to reach her. Kasabay din no’n ay unti-unti ding lumalayo sa akin si papa. I was filled with too much negative emotions at that time. Sobrang naging mahina ang mental health ko. I was emotionally unstable, too. Dumating ako sa punto na parang…” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Para bang ayoko nang mabuhay. Naisip kong wala namang may pake kung mawala man ako. Walang masasayang na buhay dahil wala naman akong kuwenta. Nakakahiya mang aminin pero sinubukan ko.”
Napasinghap ako sa kanyang sinabi. Dahil sa nagawa kong ingay ay napalingon sa akin si Divine at tipid na ngumiti.
“Sinubukan ko talagang kunin ang buhay ko,” ulit niya nang mas malinaw. “Alam kong hindi naging maganda ang pamamaraan ko, pero dahil do’n ay nakilala ko iyong taong nagturo sa akin dito sa Kalinaw. Nakahanap ako ng mga taong nakakaintindi sa akin. I also went to a group consultation and became friends with the people I was grouped with.”
Lihim akong napatingin sa mga kasama ko. Parehas silang seryosong nakikinig kay Divine. Dahil sa sinabi niya, hindi ko maiwasang isipin kung mayroon din ba kaming mabubuong pagkakaibigan.
“Because of my experience, I was inspired to become like those people who helped others with mental health problems. Gusto kong maging iyong tao na puwede ninyong masandalan at iyon ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa harapan ninyo,” nakangiti niyang sabi. “So, ayon! Hindi ko na pinahaba pa. That’s my story and real-life experience.”
I exhaled a deep breath after Divine concluded her story. Pakiramdam ko ay noon na lamang ako nakahinga ulit nang maluwag. Natutuwa akong mas pinili niya ang mabuhay. Kahit na hindi kami magkakilala, masaya akong nalampasan niya ang mga bagay na ‘yon. It was something that I also wanted for myself. Gusto ko na ring maging malaya.
“Ngayong tapos na ako, kayo naman,” biglang sabi ni Divine at muli akong napaangat ng tingin sa kanya. Mayroon siyang inilabas na parang bunutan. Inalog-alog niya iyon at nagpatuloy sa pagsasalita. “To be fair, gumawa ako ng simpleng bumutan. Kung sino ang una kong mabunot ay siya ang sunod na magsasalita, ayos lang ba ‘yon?” nag-aalangan niyang tanong sa amin.
Tumango ako bilang pagsang-ayon at ganoon din naman sina Bridge at Seychelle.
“Okay! Bubunot na ako.” Muling inalog ni Divine ang lalagyan bago ipinasok ang kamay sa loob upang bumunot. Naging mabilis lamang iyon at agad niyang binasa ang pangalan na nakasulat sa papel. “Oh!” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Aryah.”
Para akong nanigas sa aking kinauupuan nang banggitin niya ang pangalan ko. Hilaw akong ngumiti habang ang kaba ko ay mas lalong tumindi. Nanuyo ang aking lalamunan. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
“You can start anytime. We’ll wait for you to get ready,” Divine told me, wearing a reassuring smile.
Tumingin ako sa paligid. Bahagya akong nanlamig nang nakita kong nasa akin lahat ang kanilang mga atensyon. I pushed my head down and stared at my lap. I was getting cold sweats on my nape and temple. Pakiramdam ko’y puwede akong himatayin na lang bigla. Kaya nga lang ay bigla akong napaisip.
Nandito na ako at nauubos na ang oras. It felt like I was slowly getting swallowed by a quick sand. If I would still remain quiet and let myself sink into my worries, I might not be able to pull myself up. Wala nang makakasagip pa sa akin at ayaw kong mangyari ‘yon.
Marami pa akong plano sa buhay. Mayroon pa akong responsibilidad na dapat gampanan at may taong hindi ko kayang iwanan. I don’t want to completely submit myself to the dark. While I can still find my way out by trying to find the light, I will do it.
“Namatay ang mga magulang ko no’ng bata pa lang ako,” agad kong kuwento nang nahanap ang lakas ng loob upang magsalita. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng aking damit. “Simula no’n ay doon ako tumira sa kapatid ng mommy ko. Hindi maganda ang pakikitungo nila sa akin dahil ang tingin nila, ako ang nagdala ng kamalasan sa pamilya namin. Pero kahit na gano’n, naging maayos pa rin naman ang buhay ko sa kanila kahit na hindi pamilya ang turing nila sa akin. Masaya pa rin akong kinupkop nila ako at pinayagang mag-aral.”
I licked my lower lip and took a deep breath. Pinagsalikop ko naman ang aking mga daliri habang nanatili pa ring nakayuko ang aking ulo.
“Pero isang araw, nakilala ko siya…” sabi ko at binalikan ang araw na ‘yon. I could still remember it so clearly.
Wearing a polite smile, I pushed the door open to the faculty. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Professor Quintos. She was focused and busy doing something on her desk. Tahimik akong naglakad papasok at binati ang mga ibang professors na nasa faculty habang papalapit sa kanya. Naabutan ko siyang nag-eencode ng mga scores galing sa isang activity.
“Ma’am…” mahina kong tawag sa kanya nang nakalapit sa kanyang lamesa.
Sa gulat ay bahagya siyang napatalon at agad na nag-angat ng tingin sa akin. Nang nakita ako ay napabuntonghininga siya.
“Jusko! Akala ko kung sino…” sabi niya, marahang hinawakan ang aking braso. “Ikaw pala Aryah.”
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. “Sorry po, Ma’am.”
“Ayos lang.” Umiling siya. “May gusto sana akong ipagawa sa ‘yo kaya kita pinatawag.”
Agad naman akong tumango. “Sige po. Ano po ba ‘yon?”
“Well, I have this student, Ishmael Alcantara… Hindi ko alam kung kilala mo siya,” sabi niya at mayroong inilabas na outline.
Ishmael Alcantara…
Narinig ko na ang pangalan niya dahil sikat siya sa campus kaya lang ay hindi ko pa siya nakikita. Kilalang-kilala rin sa buong Santa Catalina ang mga Alcantara. They own the biggest milling company in the province. Aside from that, the oldest son also had a position in the local government. Their family is very powerful and they hold a lot of influence. Walang may gustong bumangga at kumalaban sa kanila.
“Pareho kayong graduating student at medyo delikado siya dahil kulang siya sa credits…” nag-aalangan niyang sabi. “Sana ay okay lang sa ‘yong tulungan siya sa kanyang extra credits. Nasabihan lang din ako ni Sir Gozon. Gusto niyang ikaw ang mismong tumulong kay Ishamael at dadagdagan na lang daw ang sasahurin mo. Kilala mo naman siguro ang mga Alcantara…”
Napanguso ako at napaisip.
Simula first year college ay nagpa-part time na ako bilang student assistant ni Professor Quintos. Ang sahod ko bilang S.A. ang ginagamit ko pambili ng mga kailangan sa school dahil hindi na ako binibigyan ng allowance nina tito at tita. Mabuti na lang at wala na akong binabayaran sa tuition dahil sa academic scholarship. Ayaw ko mang mahati ang atensyon ko sa pag-aaral, sayang din ang dagdag na sahod.
Aside from earning to pay for my academic needs, I also needed to save money to move out of my uncle’s house and settle down on my own. Kahit magkano ang idadagdag nila sa sahod ko ay malaking bagay na iyon.
“Hmm… Ito po ba ang mga kailangan niyang gawin?” Tinuro ko ang outline na nilabas niya kung saan nakalagay ang mga requirements na kailangan niyang tapusin upang makuha ang extra credits na kulang niya.
“Oo. Medyo marami-rami pero mahaba pa naman ang oras,” sabi niya. “Nasabi din ni Sir Gozon na puwedeng ikaw ang mag-ayos ng magiging schedule ninyong dalawa. Ipapasa na din sa iba ang mga current workloads mo para hindi ka mahirapan.”
Muli akong napanguso. Mukhang napag-isipan itong mabuti ni Sir Gozon. But I guessed he would do anything to please the Alcantaras because they were part of the board. At gaya nga ng sabi ko, hindi mo sila gugustuhing kalabanin.
“Sige po, Ma’am.” Nakangiti akong nag-angat ng tingin kay Professor Quintos nang nakapagdesisyon. “Ako na po ang bahala.”
Umaliwalas agad ang mukha ni Professor Quintos nang pumayag ako. It was like a huge burden had been lifted off her shoulders. And without knowing what was waiting ahead of me, I kept the smile on my face, thinking that everything would be easy—until I finally met him.