Kabanata 3. Offer

1874 Words
"Love those who will love you when you have nothing to offer but your company."  . Offer  .  . I don't know that time I got home. After I drop them home I went to the night market. Malapit lang din kasi ito, madadaan ko pauwi patungo sa condo ko. I ended up eating loads of food. Wala na akong pakialam sa diet at iba pa! Dahil sa inis ko sa tigreng Marco Mondragon na 'yon.  . I wake up with such a fluffy face. Na-sobrahan 'ata ang kain ko ng instant noodles kagabi. That's what they've said. If you eat too much an instant packet of noodles at night, the next day you will have a puffer look face. . Huh, talaga lang ha! Mabuti na lang at wala akong trabaho ngayon dahil Sabado naman.  . I yawn and stretched my body in both ways. I turn my coffee maker on and placed-in my favourite mug. Hinintay ko lang na matapos ito ng iilang minuto. Lumabas na muna ako sa balkonahe at ginawa ang body stretching ko. At least, this city is not yet toxic and this building has a nice standard. That's why I love my place so much.  . I looked at my neighbour's balcony. Wala namang bago rito at wala pa rin akong kapit-bahay talaga. It was luck on my side when I got this place. The main broker and dealer is a close friend of mine. It wasn't cheap at all and I paid eighty percent of it. Galing sa limang taon na ipon at side line kumisyons pa ang perang naibayad ko nito. Konti na lang din at matatapos na ako.  . I bend both of my legs and throw punches in the air. I even walk in a run mode and lifted my legs way up high. Nahinto na ako pagkatapos ng sampung minuto, at kinuha na ang kape ko. Bumalik lang akong muli sa balkonahe at ininom ito, habang pinagmamasdan ang pagtaas ng araw.  . I should sleep more longer, but my eyes is like an alarm clock. Kusa na lang itong bubuka pag oras na talaga. My phone send me an alarm, and I swiped it. It's six o'clock on the dot. Mas nauna pa akong nagising ngayong araw na 'to. E, wala namang trabaho. Naalala ko lang ang nangyari kagabi at napailing na ako. . "Ang baliw ko talaga! Ba't ba kasi ako pumatol sa dare ni Pinkie?" salita kong mag-isa.  . Tinapos ko na ang kape at pumasok na. I did my routine every weekends. Laba, linis, mamalansta at iba pa. Alas dyes na ng matapos ako at nakadama ng gutom ang tiyan ko. Egg sandwich lang din ang kinain ko. Nagmadali pa ako dahil may appointment ako ngayon.  . Ace Buenaventura wants to see me personally, in regards with his new project. He's my best friend when I was at college. He finished two Bachelor's Degree and ace in both. He's a Civil Engineer and at the same time an Architect too. I've seen him a lot of times, but because of our busy schedules we haven't had the time to catch up.  . "Architect, Fia, baby." Sabay halik niya sa pisngi ko. . Umupo na agad ako sa upuan na nilahad niya. Binigay niya agad ang menu ng restaurant at ngumiti na ako. . "Kanina ka pa ba?"  . I asked without looking at him. Sa menu na kasi napako ang mga mata ko. Gutom nadin ako. I only had that sandwich and I'm pretty starving now.  . "Ten minutes, but its okay." "Oh, sorry. I'm ten minutes late? Ako na ang magbabayad okay," ngumiti na ako. "No, Fia. Why would I let you? Its on me, and besides were catching up. It's about work, baby."  . He opened the menu and called the waiter whom standing in the corner. Lumapit na ito at kinuha ang order namin dalawa at umalis na. Napansin ko agad ang laptop niya sa gilid at binaba na niya ito sa mesa. Nilagay lang din sa katabing upuan niya.  . I looked at the restaurant lights in each table while bitting my lower lip. Nag iisip kasi ako. Maganda na sana ang lamesa, pero hindi bagay ang kinang ng ilaw dito. Masyado kasing madilim sa mga kumakain. . "So, how are you?" . Napatingin na ako sa kanya. He actually looks different now from way before. He's more matured and I would say responsible. . "I'm good, thanks."  . Dumating na agad ang waiter at binigay na sa amin ang inomin. I've ordered pineapple juice for myself and he ordered fresh lemon drink. Kailan pa ba naging health conscious ang isang 'to? Dahil sa pagkakaalam ko hindi naman siya dating ganito. . "Ikaw talaga ang gusto kong makuha sa project na 'to, Fia. I know you work on a certain foundation with Lessandra, and this project will help a lot of people," panimula niya.  . He mention this to me a while ago, and I was too busy at that time. Ang akala ko tuloy tapos na ang proyektong ito, hindi pa pala.  . "Is it a housing one?" Sabay inom ko sa pineapple juice. "Yes, we have our architects already, tatlo pa nga sila. Ang gusto ko lang ay ikaw ang mamamahala sa interior designs sa loob ng mga house models." Kumunot na ang noo ko at bahagyang nataas pa ang kilay ko. "Ba't ako?" I know he works in the best field. Ba't pa siya kukuha ng iba? "I believe you have the best Architects in your department right? Why need me, Ace. Pinagluluko mo 'ata ako!" Bahagya na akong natawa. Panay lang din ang titig niya sa akin ngayon. "Yes, you're right, but we have to get an outsider. Ito kasi ang napagkasunduan namin sa meeting. We will get an outsider that represent a certain foundation too," paliwanag niya. "So, it's a stage marketing? Ganoon ba?" "Well, sabihin na natin na tama ka. We need it anyway. The company needs to reach out to the ordinary people who wish to live in a safe and sustainable environment. And that's why I need you here in this project."  . Tumango na ako. Okay, I get the point. Ganito naman talaga ang strategy nila. Pero kilala ko ang kompanya ni Ace at sigurado akong mahal ito, at hindi kaya ng bulsa ng ordinaryong tao.  . "So what do you want me to do?" taas kilay ko. "This is what I love about you, Fia. Alam kong nag iisip ka," kindat niya. "Bilisan mo na dahil gutom na ako!" ngiti ko. Nakita ko na kasi ang order namin at papalapit na ito. "Be our interior designer. Hindi naman sa lahat. Nakaka-stress na masyado sa'yo kung ibibigay ko lahat ng trabaho. I wouldn't do that to my baby," kindat niya at ngumiwi na ako. "Ang badoy mo!"  . Natawa lang siya at inilapag lang din ng waiter ang lahat ng pagkain sa mesa. Nagulantang pa ako sa dami ng ini-order niya. He's extravagant when it comes to foods. Gusto niya 'ata akong tumaba! Kahit noon pa ay ganito na talaga si Ace. He was my consistent suitor for two years, but I rejected him a handful of times. Hindi ko kasi type ang mga katulad niya.  . "Eat up, baby. Ang payat mo na. Sagutin mo na kasi ako," yuko niyang nakangiti pa. Umiling iling na ako. "You know my answer to that, Ace." "I know... I know," buntong hininga niya. "Huwag ka nga'ng OA ang dami mo kayang babae." Sabay turo ko ng tinidor sa mukha niya.  . Mas natawa na siya nang husto at nilagyan lang ng ulam ang plato ko. Hinayaan ko na siya dahil kadalasan naman niya itong ginagawa sa akin talaga. I looked at him again, and shook my head. He's a playboy and I lose count on how many girls cried on him. Ang dami na niyang pinaiyak na babae, at ayaw kong mabilang sa numero nila.  . "Salamat. Kailan mo ako gusto magsimula?" "I'll send you my designs okay, by next week. May meeting pa kami mamaya for finalization and then we can start. I will meet you again together with the team." Tumango na ako at kumain na kaming dalawa. "May gagawin ka pa ba pagkatapos dito?" "Yes, I have to meet Donna. May pinapagawa kasi ako sa kanya." Sabay subo ko. "Okay, then you can leave first after this. Don't worry about me, because my tiger boss will be here in an hour," sa mabilis na kain niya at tingin sa relo. Napatingin nadin ako sa relo ko ngayon. May isang oras pa naman kami. "Kaya ba nag order ka ng marami?" "No, you have to eat up, baby. Sa'yo lahat 'to." Tinabi na niya ang plato, tapos na siya at namilog lang din ang mga mata ko. "Ha? Ano ako baboy? Ito lang ang kaya ko ano!" Sabay hawak sa plato ko. May ibang pagkain pa nga na hindi pa nagagalaw ng kutsara. Tapos sasabihin ipapakain sa kain lahat talaga? Ang hanep ah! "I'll ask them to pack it all up and take it with you, please..." Pa-cute niya. "Ang daya mo talaga! Gawain mo talaga 'to ano?" ngiwi ko habang kumakain pa.  . Pagkaraan ng bente minuto ay natapos na ako. Naka-packed nadin ang ibang pagkain sa food container. Imbes na ako ang magbayad, E, nagbayad na pala siya. I took the opportunity while he was in the men's toilet. It's too late because he paid it all already.  . "Okay, baby. I'll see you next time." Sabay dampi ng halik sa pisngi ko. Sinapak ko na ang mukha niya at natawa lang din ito. "You and your moves. Hindi na uubra sa akin 'to!" Irap ko.  . Sabay lang kaming bumaba. Alam kong ihahatid niya lang ako hanggang sa kotse ko. I unlocked my car and he opened the back side to put the food inside. . "Are you going home after meeting Donna?" Pamaywang niya. "Oo, at salamat ulit." "Can I visit you tonight?" seryosong tugon niya.  . Umiling iling na ako. Ayaw ko kasing tumangap ng bisita pag gabi na. And besides, dalawang beses pa lang siyang nakapasok sa condo ko.  . "Not at night time, Ace." Pumasok na ako sa kotse at binaba ang bintana para sa kanya. Sumadal din agad siya. "Ang hirap mo talagang makuha. That damn ex of yours numb your heart completely."  . Tumitig na ako sa kanya, at seryoso lang din siyang nakatitig sa akin. He licked his lips and I wrinkled my nose. I looked away and laugh, then I start the ignition. . "You take care, baby. I'll see you soon."  . Umayos na siya nang tindig at kumaway na ako. Napansin ko rin ang kotse na agad huminto sa tabi ko. I reversed and beep at him before I step on the accelerator for a go. Tumingin pa ako sa side mirror at nakita ko pa ang paglabas ng isang lalaki at sinalubong agad niya. Iyan na 'ata ang boss niya. Umiling iling na ako.  . Si Ace Beunaventura ka nga naman talaga. Sorry, best friend. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong isukli sa lahat ng pagmamahal mo...  .  . C.M. LOUDEN/Vbomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD