Kabanata 1. Bet

2108 Words
"Ate naman. Huwag mo namang iwan sa balkonahe mo ang mga paniki mo!" -Emily- . Bet  . . "Ate! Ano na naman 'to?" . Tumaas agad ang kilay ng kapatid ko habang pinagmamasdan ang painting na dala ko ngayon. Maingat kong binaba ito at namaywang pang tinitigan ito sa harap ko.  . "Ang ganda 'di ba?" Hindi naman maipinta ang mukha niya. Umiling pa ito at ngumiwi pang nakatitig sa kabuuan ko. "Ba't ganyan ang suot mo, ate?" "Ah, ito? Suprise drama kasi namin kay Tessa at prosti ang dating ko." Sabay hawi nang buhok ko sa harap niya. Natawa na siya. "Mabuti na lang at walang nakakilala sa'yo, ate. Ang sagwa mo!" Sabay talikod niya. "Talaga?"  . Humakbang na ako patungo sa malaking salamin at tinitigan ang sarili. Napangiwi ako. Hindi nga naman nagkakamali ang kapatid ko. Mukha akong pokpok sa damit ko! Kaya siguro parang kabuteng lumabas ang lalaki kanina sa elevator! . Akala niya siguro type ko siya? Ang pangit kaya ng likod niya! E, likod nga lang naman ang nakita ko sa kanya.  . Humakbang na ako patungo sa balkonahe at hinubad lang ang damit ko dito. Naka bra ako ngayon at ikli pa ng short. Namaywang na ako, nang hindi ko makita ang mga sinabit ko dito kanina.  . "Where's my stuff here, Em?" "Kinuha ko na, Ate. Nasa kwarto mo na. Nakakahiya ka!" malakas na tawa niya. Agad namang pumalupot sa paanan ko ang pusa niya. Ngumiti na ako at kinarga ito. "Oh, Mango! I love you!" Sabay halik ko nito. "Hihiramin ko si Mango, Em. Iwan mo naman sa akin!" pasigaw ko.  . Inaayos na niya kasi ang mga pinamili ko ngayon. Emily, short for Em is my typical bubby sister. Malapit lang siyang nakatira dito, sa kabilang building lang ang condo unit nila ni Danny. Maaga kasi siyang nag asawa, at naunahan pa akong talaga. Wala pa silang anak, at seaman si Danny. Siya lang din ang nag iisang kapatid na pinakmamahal ko. . "Naku, Ate hindi pwede! Araw araw nga ang trabaho mo, paano mo pa maalagaan ang pusa ko? Ayaw mo bang kumuha ng katulong? Taga linis?" ngiwi niya. "Ba't pa? Wala namang lilinisin sa bahay ko?"  . Pinaikot na niya ang mga mata. Nakalimutan ko tuloy ginawa ko na pala siyang tagalinis dito kada linggo. Well, I have given her an extra money every time I transact a huge amount of deal. Kaya nagsisikap din ako para sa malaking porsyento to bunoses. Hindi ko na kasi inaasa ang sweldo ko sa lahat. Mas malaki kasi ang kinikita ko sa mga sideline designs na nagagawa ko.  . "Ate naman. Huwag mo namang iwan sa balkonahe mo ang mga paniki mo!" "Paniki? Ano?" kumunot-noo na akong tinitigan siya. Panay lang din ang ikot niya at ayos sa pinamili ko. "Ano pa ba. E, itong mga bra at panty mo! Baka mamaya may manyak kang kabit-bahay at masilipan ka pa!" Natawa na ako. Nakakatawa nga naman siya. "E, 'di sumilip sila! At okay lang ano! Ang mamahal kaya ng mga panty at bra ko. E, 'di ipagmalaki ko na!" nguso ko. Humakbang na ako patungo sa refrigerator at kumuha ng tubig at ininom ito. "Wala pa naman akong kapitbahay. Madilim pa ang tatlong unit na katabi ko, kaya huwag kang mag alala. Sinadya ko talagang kunin 'tong parteng ito, dahil alam kong decente ang magiging kabit-bahay ko in the future." Sabay ikot ko. "Talaga lang ha? E, kanina may tao na diyaan sa katabing unit mo. Hindi ko lang nakita, pero parang pinapaayos ang loob." Kinuha na niya ang bag niya sa upuan at inayos ang sarili. "Talaga? May kapit bahay na ako? May nakakuha na sa presyong ginto na katabing unit ko?" Taas kilay ko. "Oo! At isauli mo nga sa akin ang squeaky rat ni Mango! Hindi ko mahanap e," sabay kuha niya sa pusa, at nilagay na niya ito sa cat cage niya. "Oo, heto. Nakita ko sa labas ng pinto. Lumabas 'ata si Mango at naglaro siguro sa hallway ano?" ngiwi ko sa kanya. "I don't know! Naglilinis kasi ako kanina, at nakabukas ang pinto mo. Baka nga... Salamat!" Sabay kuha niya. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Sabay halik ko sa kanya. "You too, Ate. Babalik ako sa susunod na linggo. Siya nga pala, si Mommy tumawag kanina. Kailan na niya ng pera." "Okay, ako na magpadala bukas." "Okay, love you, Ate! Goodnight nadin!"  . Inihatid ko lang siya sa pinto at sinarang muli ito. Huminga ako nang malalim ng maalala si Mommy. Ba't ba kasi ayaw niyang tumira na kasama ako? Si Mommy talaga, mas gusto niya kasi na kasama ang dalawang kapatid niya sa iisang bahay. Kaya pinababayaan ko na, kung saan siya masaya ay supurtado namin siya ni Emily.  . Napatingin akong muli sa canvass na binigay sa akin ni Ceilo. Tsk! Ang baliw nga naman niya. Ito pa talaga ang binayad niya sa akin. Mariin ko itong tinitigan. Hindi ko tuloy alam kung anong klaseng art ito? Ba't ang mahal nito? E, parang inikis-ekis lang naman ito ng brush. Kaya ko rin namang gawin 'to ah! Ngumuso na ako habang pinagmamasdan ito. . Saang banda ko kaya pwedeng ilagay 'to? Napalingon na ako sa maliit na hallway sa gilid. . "Hmp, pwde ka na dito!" Kibit balikat ko. Tumunog na ang cellphone ko at sinagot ko lang 'to. "Fia! Asaan ka na ba?" si Ceilo, ang baliw makasigaw talaga. "Wait lang? Don't tell me andiyaan na kayo? Ang bilis ah!" reklamo ko.  . I know that we agreed to party after the display. Well, I have to go home because this canvass painting is way too big in my car. Halos nag acrobat na ako sa loob ng sasakyan ko para lang magkasya ito. . "Yes, we're all here. Ikaw na lang ang kulang," si Ceilo sa kabilang linyo. "Okay, I'll be there in ten minutes!"  . Pinatay ko na ang tawag at mabilis na pumasok sa kwarto. Naghanap na ako ng damit. Umiling iling pa ako sa sarili ko. Ang harot nga naman ang role ko kanina. Nakakatawa! Nag stage play kasi kami sa isang exhibit, at mabuti na lang at naibenta ko ang iilang painting na gawa ni Lessandra. She's an ambassador of woman's equality rights. Kaya iba iba ang damit namin kanina.  . Malapit lang naman ang bar na pupuntahan ko. It's only five minutes from here, but I have to change, so consider it ten minutes!  . "Sa wakas nakarating na ang reyna!" pabirong sigaw ni Ceilo at natatawa pa siya. "Sorry na. And congratulations, Beauty!" Sabay halik ko sa kanya. "Sa weekend na ang regalo ko ha, or pwede na rin sa kasal ninyo ni Drew," bungisngis ko. "Ano ka ba, hindi na importante iyon. Ang mahalaga kompleto tayo dito," ngiti niya.  . Ang bait nga naman ni Beauty. She deserved the title when she won as darling of Asia's Model. She's indeed a beautiful model. Her beauty stands in every direction. At pati na rin si Drew Mondragon. Isa rin siya sa mga magagaling sa larangan ng negosyo.  . Kompleto na nga kami rito. Ang iingay pa ng mga kasama ko. It's Beauty's Bridal shower at nagsimula na agad ito. Panay ang kalukuhan at pakulo na ginawa nila sa kanya at natatawa lang siya talaga. I believe that the owner of this bar is a Mondragon too. Kaya exclusibo kaming mga babae ngayon. Nandito ang ate niya, mga kaibigan, at kasamahan sa opisina.  . I've known Beauty from a very long time ago. Were very close when were at high school, but Ceilo is more likely my bff now. Kagaya ni Beauty, model din siya at ako lang din ang naiiba sa kanila. I'm an architect, I have my title at pumasa ako sa licensure exam. Hindi nga makapaniwala ang iba, dahil hindi raw halata sa hitsura ko. Ewan ko ba sa kanila!  . Everyone screams for more when the huge cake showed up right in front of Beauty. Si Ceilo ang may gawa ng lahat ng ito, at panay kalukuhan lang din ito. Pero ang mas nakakatawa, ay imbes na isang macho dancer ang lumabas, E si Drew Mondragon ito, dahilan ng sigawan ng lahat ng nandito. . "Ang daya mo naman, Drew!" sigaw ni Ceilo.  . Agad lang niyang niyakap si Beauty at hinalikan ito. Mas napangiti na ako. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita silang in-love sa isa't-isa. Kailan pa kaya ang para sa akin talaga?  . Mas nag-ingay ang lahat ng lumabas na sila at nagpaalam sa amin. Sagot lahat ni Drew ang unlimited drinks sa bar, kaya parang baliw na si Ceilo sa harap dito. Nagpaalam nadin ang iilang kasama namin at ang ate ni Beauty at si Bobita. Naiwan na lang kaming tatlo ni Ceilo at Pinkie. . "Huwag ka nga'ng magwala, Ceilo! Nakakahiya ka!" si Pinkie sa kanya. "Ay sus, nagsalita ang desperada at broken hearted!" malakas na tawa niya. "Si Fia lang 'ata ang walang boyfriend sa ating dalawa?"  . Sabay silang nakatingin sa akin at ininom ko lang din ang tequila ko. Nakalimutan kong may mga boyfriend na pala ang dalawang bruha na ito. Pero mukhang dumaan sa away si Pinkiea sa boyfriend niya ngayon, dahil sa inasal niya. Samantalang walang pakialam naman ang boyfriend ni Ceilo, dahil nasa ibang bansa naman ito.  . "Sakit lang sila sa ulo." abay inom ko pa. "Talaga? What about that handsome guy in the corner? Type mo ba?" Ssi Pinkie sa akin. . NIlingon ko naman agad ito. Okay, he's got the look, at mukhang easy playboy ang dating. Umiling iling na ako. . "Sorry, hindi ko type!" ngiwi ko habang nasa bibig ko ang lemonsito. "Ten thousand pesos, Fia! I dare you to kiss him!" Sabay turo ng mga kamay niya.  . Ang akala ko tuloy ay ang lalaki kanina ang tinuro niya. E, tumaas ang kamay niya, at napako sa ikalawang palapag pa. Naituro niya ang lalaki na nakatayong nakatitig sa banda namin ngayon. Pumikit pa akong pinagmasdan siya. Hindi ko tuloy makita masyado ang mukha niya, dahil sa kinang ng ilaw sa paligid. . "Ano? Kaya mo ba?"  . Napalunok na ako at mas ininom pa ang isang shot ng tequila sa harapan ko. Ang lakas! Isip ko. Ang dami ko na kasing nainom sa mga sandaling ito. . "Money first!" Sabay lahad ko sa cellphone sa harap niya. "Transfer it first," ngiti ko na parang aso sa kanya.   . Natawa na si Ceilo.  Ang akala ko kasi nagbibiro lang siya, kaya mas natawa na ako ngayon. I won't kiss a stranger, no way! Pero nanlaki lang ang mga mata ko nang makita ang complete transfer transaction ngayon na ginawa niya. . "Okay, kiss him my dearie, Fia!" "Oh my god! I thought you're kidding, right? Are you serious?" Kurap ko. "Come on, Fia! Kiss him now! I won't accept my money back, not unless you'll double it," taas kilay niya.  . Holy s**t! I even rolled my eyes in front of her. Mukhang wala na 'ata akong takas dito. Tumayo na ako at tumingala sa itaas. . "You can get on top if you don't have this," sabay bigay ni Ceilo sa VIP pass.  . Alam ko 'to. I know this place, and girls are dying to go to the top floor. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba ng mga nasa itaas at nasa baba, dahil para sa akin pare-pareho lang kaming mga tao rito! Hmp, iba nga naman ang mundo! . Napansin ko agad ang grupo ng kababaihan na panay tili at tingin sa itaas. . "Oh, that's Marco Walter!" si Ceilo. "Who's Marco?" kunot-noo akong tumingin ulit dito. "He's a Mondragon baby. Pinsan ni Drew Mondragon."  . Tumango na ako. Ibang klase nga naman ang mga Mondragon. Ang hirap nilang maabot at makuha, kaya hindi na ako mangangarap pa sa sino man sa kanila! Pakialam ko ba! . "Come on, Fia. Ang tagal ah!" lasing na tugon ni Pinkie.  . Mas tumingla na ako at mariin na tinitigan siya. I don't know if he's looking towards me, because I cannot see it properly. I swallowed hard and think. Kaya ko namang bayaran si Pinkie ng double, pero ayaw kong mag-aksaya ng pera. She did it to me once before, but that was a different bet. And I know her, if she say so then I must do it.  . Tumayo na ako at inayos ang sarili. Tiningnan ko pa ang hawak kong VIP pass ngayon. Ibang klase nga naman si Ceilo pagdating sa mga ganito. Kinindatan niya lang ako at ngumiti na. Okay, I can do this. Bahala na!  .  . C.M. LOUDEN, Vbomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD