"CALLIOPE TUMALON KA NA!" Sigaw ng isang lalaki.
Lumuluha namang umiling ito sa kaniya. "Ayoko! Gusto ko kasama ka!"
Tila nanghihinang hinawakan ng lalaki sa magkabilang balikat si Calliope. "Tumalon ka na, wala ng iba pang paraan..."
"P-pero..."
"Mahal na mahal kita Calliope at hindi ko nanaisin na may mangyaring masama sa'yo." Puno ng emosyong saad ng binata.
Mas lalong umagos ang kaniyang mga luha. "M-mahal na mahal rin naman kita, kaya nga sumama ka na lang sa'kin at ng m-magkasama na tayong d-dalawa ng mapayapa."
Hinawakan naman ng binata ang kaniyang pisngi at pinakatitigan siya sa kaniyang mga mata. "Gustuhin ko man, pero hindi na maaari, mahigit limang taon na akong nanatili sa mundong ito at hinding-hindi na ako makakabalik pa." Napaluha na ang binata.
"M-may paraan pa naman siguro, hindi ba? O k-kaya mananatili na lang ako dito para magkasama tayong dalawa." Umiiyak niyang aniya.
"Wala ng iba pang paraan..." Hinalikan siya ng binata sa kaniyang nuo. "Kung mananatili ka pa rito ay papaslangin ka lang rin nila, hindi lang ako, mas gugustuhin kong mapahamak ang aking sarili kaysa ikaw ang mapahamak..." Saad nito na siyang mas kinaiyak niya.
"Tumalon ka na..." Puno ng pagmamakaawa nitong saad sa kaniya.
...
"Alam kong matagal ka ng hinihintay ng iyong pamilya at ng mga taong nagmamahal sa'yo, bumalik ka na sa mundo kung saan ka nararapat." Pagkatapos nitong bitawan ang mga salitang iyon ay siya namang pag-angkin nito sa kaniyang mga labi na kaniya namang buong puso tinugon.
Bawat halik na iginagawad nito sa kaniya ay siya ring pag-sariwa ng kanilang magagandang alaala. Mula nuong una silang magkakilala at ang pagdating niya sa mundong ito.
Pagkatapos nilang halikan ang isa't-isa ay mahigpit siyang niyakap ng binata sabay bigkas ng...
"Mahal na mahal kita Calliope."
"Mahal na mahal rin kita..." Humiwalay ito sa kaniya at puno ng pagmamahal siyang tinitigan sa kaniyang basang mga mata.
Hinaplos nito ang kaniyang pisngi na siyang ikinapikit niya, dinadama bawat dampi ng kamay nito sa kaniyang pisngi. Bawat haplos nito nito sa kaniyang. balat.
"Darating rin ang araw na magkikita tayong muli mahal ko..." Saad nito at kasabay nun ang pagtulak nito sa kaniya sa balon.
Pilit niyang inabot ang mga kamay ng binata ngunit hindi siya nagtagumpay.
"Patawad mahal ko." Anito.
Tila isang eksena sa pelikula. Unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata habang dahan dahan siyang nahuhulog sa balon, ngunit kasabay rin ng unti-unting paglamon ng kadiliman sa kaniya ay siya ring paghatak ng mga gwardya ng kaharian sa lalaking kaniyang minamahal.
"Hindi!!!!!!!"