Chantal Ngayon ang simula ng rehersal namin para sa gaganaping contest two weeks from now. Tinototoo nga ni Kuya Edison na ito ang sasagot sa lahat ng gastusin ko mula sa damit na susuotin ko, hanggang sa make-up artist na kinuha ni Cherry para maging maayos daw sa akin at presentable ang ayos ko sa mga rehearsal at sa mismong pageant contest. Katatapos lang ng last rehearsal namin ng iba ko pang mga kasamang kandidata ng biglang may dumating na isang babae sa open area ng grand hotel kung saan ginagangap ang practice namin. Hindi ako maaring magkamali, si Alexa ang rumarampa sa harapan ko ngayon. Kasunod nito ang tatlong alalay kabilang ang make-up artist na kasama nito na may dalang make-up kit. Bakit nandito ang babaeng iyan? Wala naman ito sa screening ng magpunta kami ni Cherry ah?

