Chapter 5- Simula ng Pangarap

1797 Words
Chantal "We are here." narinig kong sabi ni Cherry ng iparada nito ang sariling kotse na sinasakyan namin papunta sa Manila Hotel kung saan magaganap ang screening ng sasalihan kong pageant. Aaminin ko na medyo kinakabahan ako sa maaring maging resulta ng pagpunta namin sa lugar na iyon. Hindi naman ito katulad lang ng mga pageant na sinasalihan ko sa probinsiya, kaya siguro ganoon na lang nararamdaman ko hanggang sa mapansin ako ni Cherry. "Hey, what's wrong Chantal? You look tense." Nang lingunin ko ito ay nakangisi ito sa akin na parang wala lang dito ang sinabi sa akin. Tinanggal na rin nito ang nakakabit na seatbelt sa katawan. Hindi niya katulad ay kalmadong-kalmado lang ito, maayos ang gayak at ang sarili. "Cherry, kinakabahan kasi ako." Pag-amin ko sa kanya na muli nitong ikinangisi. Para sa katulad ko na isang probinsyana ay hindi naman talaga maiiwasan ang ganoong pakiramdam lalo na at ito ang unang beses akong lalaban sa isang malaking pageant. "Chantal, listen okay. Your beautiful inside and out kaya alam kong kakayanin mo ang laban na ito. Just believe in yourself, remember that." Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya sa akin. At least, kahit isa na kaibigan ko ay may naniniwala sa aking kakayanan, and it means a lot for me. "Salamat ng marami Cherry, kung wala ka sa tabi ko hindi siguro ako magkakalakas ng loob na gawin ang mga bagay na ito." Ang tinutukoy ko ay ang pagluwas ko ng Manila para lang makasali sa pageant contest na magiging unang hakbang ko sa pag-abot ko sa mga pangarap ko sa buhay, lalo na para kay Tiya Isabel. "Ano ka ba naman Chantal, ang ganda ng pagkaka make-up natin sayo kanina huwag mong sirain." Biro nito sa akin ng makita nito na bahagya ng namula ang mga mata ko. Natawa na lang ako sa sinabi nito at nagpatuloy ako sa pagtitig sa kanya. "Totoo naman ang sinasabi ko Cherry, ikaw ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ayaw kong isuko ang pangarap ko na maging beauty queen." Pag-amin ko sa kanya "Ganoon ba, salamat din at nagtitiwala ka sa akin. Basta gawin natin ang lahat para makuha mo ang crown, okay?"Paalala nito sa akin, tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Tinanggal ko na rin ang seatbelt na suot ko. "Let's go?" Yaya nito sa akin, at saka nito kinuha sa backseat ang mga gamit namin na dala tulad ng make up kit at mga ilang damit na kailangan ko para sa screening. Pinagtulungan naming dalhin ang mga ito at saka kami tuluyang pumasok sa loob ng building. "Good morning ladies! Woohhh, you're all gorgeous and..." pabiting sabi ng isa sa mga organizer ng pageant na isang professional model at ngayon ay isa sa mga screening comittee ng pageant na sasalihan ko. Nakikita ko na siya sa tv dati pa at alam kong maganda ito sa personal, at hindi nga ako nagkamali at talagang para itong diyosa sa tangkad, kinis at ganda ng mukha nito. "...mukhang mahihirapan ang mga judges natin this year. Lahat kayo magaganda at mukhang may ibubuga." Excited nitong pahayag sa amin kasama ang iba pa naming nga kasama sa pageant. Nasa eighty plus ang mga kasama ko ngayon sa malaking function hall kung saan ay kailangan lang pumili ng fifty cantidates na papasok sa mismong unang round ng pageant. Nagdarasal ako na sana ay kahit kahuli-hulihan na akong matawag ay makasama lang ako sa top fifty na kailangan, ayoko naman agad na umuwi ng Bicol na biguan. Bulong ko sa sarili ko ng makita ko kung gaano kagaganda at kaseseksi ang mga kalaban ko sa pageant na iyon. Nilingon ko saglit si Cherry sa isang panig ng function hall at ngumiti lang ito sa akin saka nagthumbs up na parang sinasabi na kaya kong kuhanin ang isa sa slot para makapasok ako at maging isa sa mga candidate ng Ms. Grand Philippines. Nagsimula nang magsalita ang isa sa mga screening comittee na maaari ng magsimula ang screening ay bigla akong kinabahan. Number twenty four ako kaya may pagkakataon pa akong magprepare at tanggalin ang kabang nararamdaman ko. Hindi ako dapat pangunahan ng kaba para magawa ko ng maayos ang mga bagay na makakapagdala sa akin sa tagumpay. Kailangan naming rumampa sa harapan ng mga screening comittee at pagkatapos ay sasagutin namin ang isang tanong na naka assigned sa amin. Napausal ako ng dasal na sana ay makaya kong sagutin ang itatanong sa akin. Although sanay naman ako sa mga question and answer portion pagdating sa ganitong pageant kaya lang ay iba talaga kapag ganito kalaki ang sasalihan kong beauty pageant. Buong bansa ang maaaring makapanuod sa akin kapag nagawa kong makapasok sa top fifty kaya kailangan kong pagbutihan. Magagaling at puro tumpak ang mga sagot ng mga kasamahan ko ng ang mga ito na ang sumalang. At lima na lang ang kailangan kong hintayin bago tawagin ang number ko. Saglit kong nilingon si Cherry na ngayon ay papalapit pala sa akin na may dalang bottled water. "Chantal..." tawag sa akin ni Cherry ng makalapit na siya sa gawi ko. May bakanteng upuan sa tabi ko kaya doon ito naupo. Nakaramdam ako ng saglit na relief at alam kong anuman ang mangyari sa akin sa pageant na ito ay nasa tabi ko pa rin si Cherry. "Kaunti na lang at ikaw na ang sasalang. Heto ang candy, mag candy ka muna saka ka uminom ng tubig para marelax ka." Inabot sa akin ni Cherry ang lalagyanan ng double mint na candy at kumuha ako ng isang piraso, pagkatapos ay uminom ako ng tubig. Nang kumalma ang aking pakiramdam ay binalingan ko si Cherry na ngayon ay may hinahanap sa handbag na dala nito. "Ayusin natin ang kilay mo Chantal para mas lalong maging fierce ang hitsura mo." Suhestiyon nito sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya at talagang napaka supportive nitong kaibigan sa akin, wala akong masabi. Inayos din nito ang strap ng gown na suot ko na kulay cream, casual dress ito at may v shape itong design sa leeg. Maikli ito at nahantad ang mahahaba at morena kong hita at binti. Saktong-sakto naman sa hugis ng katawan ko ang tabas nito, at humakab sa aking balinkinitang baywang ang tela nito. Maging ang aking malulusog na dibdib ay na emphasized sa suot kong damit. "Basta huwag kang kakabahan, okay? Isipin mo lang na nandito ka para sa mga pangarap mo friend...hmmmp?" Paalala nito sa akin. Tinanguan ko siya at nginitian pagkatapos. "Para kay Tiya Isabel at sayo Cherry, gagalingan ko." Paninigurado ko sa kanya. Iyon ang ginagawa kong motivation para mas lalo ko pang galingan ang napili kong pangarap na gusto kong abutin sa buhay. "Para sa akin talaga friend? Sige na nga." At sabay kaming nagtawanan ng mahina. Dahil sa ginawa ni Cherry at mga sinabi nito sa akin ay bahagyang pumanatag ang dibdib ko sa kaba. "Next candidate, number twenty four." Nagkatinginan kami ni Cherry ng tawagin na sa wakas ang number ko. "Chantal, you can do it!" Hinawakan ni Cherry ang isa kong kamay at pinisil. Tumayo ako ng tuwid, at inayos ang suot kong damit. Naka chin-up, magaan kong inindayog ang aking mga balakang papalapit sa stage. Maingat akong umakyat pataas sa stage mula sa limang baitang na hagdan ng hindi ko pinuputol ang mga mata ko sa mga taong nasa harapan ko partikular sa mga nakaupo sa screening comittee table. Buong tapang akong rumampa sa harapan ng mga screening comittee. Nakita kong bahagyang nagbulungan ang mga kasamahan kong kandidata pero hindi ako nagpaapekto. Ibinigay ko ang buong lakas at galing ko para makuha ko ang atensyon ng mga taong nasa harapan ko. Makailang ulit akong nagpabalik-balik sa stage at umikot habang pumapalo ang balakang ko sa bawat pagtapak ng high heels na suot ko na nakakatulong para mas tumaas pa lalo ang self confidence ko. Matapos kong gawin ang aking signature walk ay tumapad na ako sa isang dinamic microphone na may stand. Inayos ko ang taas nito na sakto sa aking taas. "Good morning Ms. Morris, how are you today?" unang bungad sa akin ng isa sa mga comittee. Nakangiti kong inilapit ang aking labi sa microphone para magsalita. "I'm absolutely fine, thank you. " Kampante kong sagot sa kanila at pinilit kong hindi maalis sa kong labi ang ngiti kahit na parang sasabog na sa kaba ang aking dibdib. "Okay, for your question. What can be your greatest contribution in the community?" agad kong pinagana ang aking isip at kailangan kong masagot ng maayos ang tanong sa akin para magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa top 50. Itinaas ko ang aking mukha at confident kong sinagot ang tanong sa kin ng isang comittee. "Thank you for that wonderful question." Huminga ako saglit ng malalim at nagpatuloy magsalita." One of the greatest contributions I can give to community are joining clean and green projects, charity missions, livelihood seminars, and I believe pagent like this is also a good way for me to help other young generation to achieve dreams by sending my thoughts that every individual has a right to believe and achieve their goals in life in any possible way." Dirediretso kong sagot sa mga screening comittee na napangiti naman ng matapos akong magsalita. "Thank you Ms. Morris. Your answer is suprisingly incridible." komento ng isa sa mga comittee. Napangiti ako ng maluwang at hinanap ko ang upuan kung saan ko iniwan si Cherry at maging ito ay masaya sa narinig na sagot ko, nag thumbs up pa ito sa akin. Nagpasamalat ako muli at saka ako umikot ng isang beses bago bumaba ng stage. Kita ko ang ilan sa mga kasamahan kong finalist na nakataas ang kilay ng makababa ako ng stage, hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang upuan na kanina ko pa inukopa. "Chantal! Ang galing ng sagot mo!" simpleng hiyaw ni Cherry ng makaupo ako sa silya. "Talaga ba?" Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay makaupo na rin ako, ang pakiramdam ko ay para na rin akong nabunutan ng tinik sa dibdib. "Oo kaya, sure na pasok ka na sa top 50!" Napapalakpak pa si Cherry sa sobrang tuwa. Ako man ay masaya na sa wakas ay nakatapos na rin ako sa unang screening at maghihintay na lang kami ng result. Within two weeks daw ay malalaman namin kung nakapasa ako o hindi, padadalhan na lang daw kami ng sobra na katunayan na nakasama kami sa top 50. Excited ako na malaman ang magiging resulta ng screening na pinagdaan ko. Niyaya ako ni Cherry na magmiryenda sa labas pagkatapos namin umalis sa Manila Hotel at alam daw nitong gutom na gutom ako dahil halos hindi na ako nakakain bago kami umalis ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD