Chapter 42: The Real Tyron Zeph's POV Parati kong iniisip dati kung ano ang gagawin ko kapag nagkaharap kami ulit ni Tyron. Inaalala kung paano ko sisimulan ang usapan o kung kakausapin ko pa ba siya kapag nangyari iyon, pati na din kung hahayaan ko ba na magtagal pa ang paghaharap namin o lalayuan ko siya at hindi na nanaisin na magkaharap ulit kami. Kung ano ano pa ang tumatakbo sa isipan ko kapag naiisip ko siya, kahit kasi anong mangyari sa akin o sa paligid ko hindi siya nawawala. Palagi siyang laman ng panaginip ko. Pero ngayon ay naglaho na ang mga alalahanin na iyon, parang sa isang iglap ay nasagot ang lahat ng inaalala ko sa isang yakap lang niya. Minsan pa nga ay gusto kong tumalon o sumigaw dahil sa sobrang saya. Hindi ko maipaliwanag. Dahil ba sa katotohanang nagkausap na

