Chapter 55: Hinaing ni Claude Zeph's POV "Bakit..." Iyon nalang ang nasabi ko. Pakiramdam ko, wala akong kwenta. Wala akong nagawa. Humantong sa ganito ang lahat ng wala akong kamalay-malay? "Bakit kailangan kong magmukhang tanga sa harap ninyong lahat!" Naibuhos ko ang lahat ng lakas ko sa sigaw na iyon dahilan para mapaupo ako. Wala ng tigil ang mata ko sa pag-iyak. Mahirap ang posisyon na hindi mo alam kung dapat ka pang lumaban o kung may pinaglalaban ka pa... Bwisit. Bwisit. Bwisit. "Nakita mo na ginawa nila sayo Zephaniah? Pinaglaruan ka nila. Samantalang ako, umpisa pa lang isa lang gusto ko... Ang sumali ka sa Dark Spade at hiranging kang bagong Queen of Street Fighters at ako ang maswerteng iyong hari. Wala na akong pakialam kung wala na ang mga walang kwentang miyembro na

