Chapter 40: Do the right thing Kris's POV Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao nang makalapit ako sa kanyang hinihigaan. Habang tinititigan ko ang maamo niyang mukha na parang mahimbing lang na natutulog ay iniisip ko na kung bakit kailangang mangyari pa ito sa kanya at hindi ko alam kung paano ba ito ibabalik sa dating sigla. Ang dating katawan niya na sapat lang ang hubog ay napalitan na ng kaawa-awang pangangatawan dahil sa biglang pagbagsak nito, kitang-kita ang pangangayayat niya. Roxanne, why I caused you like this... Alam ko kung ano ang mga pagkakamali ko. Alam ko kung ano ang pagkukulang ko. At handa na akong itama ang lahat ng ito... Naramdaman ko ang presensiya ni Mace sa kaliwa ko, ramdam ko din ang tingin niya sa akin habang hindi ko inaalis ang tingin ko kay Roxan

