Chapter 19: Confess Ranz's POV Walang ibang lugar ang pwede kong puntahan maliban sa likod ng building, dito pinakaligtas tumambay. Wala na kong balak bumalik pa ng room matapos ang eksenang nangyari kanina. Yung mga sinabi ni Roxanne kanina... Pakiramdam ko hindi na siya yung Roxanne na nakilala ko. Ganoon ba kabilis magbago ang tao? Dahil lang sa hindi mo pagsasabi ng bagay na akala mo ay para din sa kanya? Para din sa kaligtasan niya... "Kamusta bro?" Isang napakatalim na tingin ang ibinaling ko sa lalaking gusto ko ng patayin ngayon. Kelan ko pa siya naging Bro?! Isang ngisi ang sumilay sa mukha niya na talagang lalong nag-painit ng ulo ko, "Bakit ka nag walk-out?" Aniya. "Ano bang pakialam mo?!" Singhal ko. "Woah! Bakit ba ang init ng ulo mo sakin ha? May kasalanan ba kong nag

