Chapter 53: Claude Zeph's POV Hindi ko akalain na magagawa kong takbuhin mula ospital hanggang sa MCU. May kalayuan din ito dahil kapag sumakay ka mula ospital hanggang MCU ay mayroon ding labing limang minuto. Dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Tyron, hindi ko na naisip 'yon. Hingal na hingal ako nang makarating ako sa MCU. Pero hindi ko inaasahan ang maaabutan ko pagpasok ko ng MCU, ikinagulat ko ang dami ng estudyante na animo'y uhaw pumatay. May kanya-kanyang kalaban, nagkalat sa buong paligid. Bukod sa kanilang mga naglalaban ay madami ng nakahandusay, tanda na kanina pa nagaganap ang labanang ito. Nang pagmasdan ko sila, ang ginagamit na armas ng bawat isa ang pumukaw ng atensyon ko. Naningkit ang mata ko, nangingibabaw ang armas na baraha at kikil. Parang naiintindihan ko na, Po

