Chapter 31: Maybe Riz's POV Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, is this real? Kwarto nga ba ito ni Senon? Napa-singhap ako nang maalala ko ang nangyari kahapon. Asar, malamang nga kwarto niya ito. Dito niya siguro ako dinala pagka-gamot sa akin sa clinic. Ramdam ko pa ang sakit ng aking katawan dahil sa bugbog. Bwisit, dapat pala hindi ko hinayaan na patayin sila ni Senon. Para ako ang papatay sa kanila paggaling ko. Pero di bale, makakaganti naman ako sa mga kasapi nilang talunan eh. "Gising ka na pala." Nakangiting saad ni Senon sa paglapit niya sa akin. May dala siyang pagkain. "Bakit mo ko niligtas?" Tanong ko naman. Tumawa muna siya bago sumagot, "Alam mo, 'yan din ang tanong sa akin ni Zeph nu'ng dinala ko siya dito. Co-incidence lang ba o ginagaya mo talaga siya?"

