Chapter 22: The Real Fight Begins Zeph's POV Habang patuloy na nagsasalita ang teacher sa harap, nakatulala lang ako sa bintana. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko, ni hindi ko na nga alam kung ano ba talaga iniisip ko eh. "Is there anything wrong, Ms. Hernandez?" Agad akong tumingin sa pagtawag ng teacher ko. Bakit ngayon niya lang ako sinita sa buong tanang buhay ko dito sa MCU?! "Masakit lang ulo ko..." Sabi ko nalang. Nakakapagtaka naman at napansin niya ko ngayon. "You can go to clinic..." Aniya. Diretso at seryoso akong tumingin sa kanya. Tumayo ako at lumabas. Kailangan ko na din siguro magpahangin. Napabuntong hininga na lamang ako nang umupo ako sa bench. Hindi na ako makasabay sa nangyayari, hindi ko na alam ang nangyayari. Pakiramdam ko ay bulag ako. Pakiramdam ko ang

