Chapter 44: Please Zeph's POV Akala ko nu'ng una, wala ng pag-asa na sumaya pa ako. Nang mamatay si ate Tiffany ay sinundan pa ito ng sakit sa nangyari sa amin ng kinilala kong pinsan ko. Sobra akong naging miserable. Naging sobrang tigas ng puso ko, halos galit nalang ang mababasa mo sa aking mukha. Pero nagbago ito nang makilala ko si Xenon, ang sarap sa pakiramdam na malaman mong may taong nagsasakripisyo para sayo. May nagmamahal sayo ng totoo. Napangiti nalang ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, walang katapusang saya. Bumaling ako sa pagkakahiga upang lingunin si Xenon, ang gwapo niyang titigan habang nakapikit. Mukhang mahimbing pa ang kanyang tulog. Ang sarap din pala sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga, ang

