Chapter 1

2385 Words
CHAPTER 1 Offer Sa hindi mabilang na pagkakataon, binura ko ang sinulat kong pangatlong paragraph sa laptop. “Ang cringe!” naiinis na utas ko sa aking sarili. Sa huli, inusog ko na lang ang laptop ko palayo sa ‘kin. Ilang beses na yata akong sumusubok na sumulat ng romance story! ‘Yong inumpisahan kong story na ganoon ang genre, ni hindi ko matapos at pakiramdam ko, ang sabaw-sabaw. Pa’no ba kasi?! Nagrereklamo na ang mga reader ko dahil nasa 30 chapters na raw ang kuwento pero ni halikan, wala man lang nangyari. E kasi naman! Hindi ako marunong! Parang ang sabaw-sabaw ng lahat! Nagbasa naman na ako ng ilang libro na romance ang genre. Inaral ko na rin ang ginawa ng ibang author na gaya ko para lang makatapos ng isang story sa genre na ‘yon pero wala talaga! Parang may kulang. Kulang yata ako sa experience. Chos. “Hay naku. Delete ko na naman siguro ‘to. Ang bobo mo kasi, Viy! Sobrang bobo!” sambit ko sa sarili. Hinawakan ng binata ang kamay ko. Pagkatapos noon, hinalikan niya na ako. Iyon ang nabasa ko sa screen na isinulat ko. Ang cringe lang talaga. Ang pumapasok sa imahenasyon ko ay isang manyak na binata. Parang ang kulang ng lahat pero hindi ko naman malaman kung ano ‘yon! Ilang araw na yata akong hindi makaalis sa chapter na ‘to. Abang na abang na ang readers ko. Na-pe-pressure na ‘ko! “Ang cringe naman. Potek na ‘yan.” Sa sobrang pokus ko sa ginagawa, halos nakalimutan ko nang may iba pa pala akong kasama sa bahay ngayon. Sinita agad ako ni Papa. “Para ka na namang baliw r’yan, Vivigerl. Kausap mo na naman ang sarili mo!” puna sa akin ni Papa habang nag-aayos ng sirang sofa ng kapit-bahay namin. Wala kasi akong sariling kuwarto at sa maliit na sala lang namin ako nagsusulat. Kaya naman dinig na rinig at kitang-kita rin ng pamilya ko ang mga ginagawa ko minsan. Sayang lang hindi pa ako nakapag-ipon para mapalakihan ang bahay namin. Bukod kasi sa natigil muna ako sa pagtuturo dahil sa bakasyon ngayon at ang school naman na pinag-apply-an ko ay nagsarado na, hindi rin malaki ang kita sa pagsusulat. At ito nga. Ni hindi ko pa matuloy-tuloy ang isang istoryang sinusulat ko dahil sa hindi ko talaga maatim na sumulat ng ganito. Madalas na genre na sinusulat ko ay mystery na wala talagang relasyon sa buong kuwento. Sinubukan ko lang naman talagang lumabas sa comfort zone ko bilang isang author at sinubukang sumulat ng romance at ito na nga ang nangyari. Nakaka-stress! “Gerly, nababaliw na yata ‘tong anak mo,” biro ni Papa kay Mama. Ako ang pinatutukuyan niya. Si Mama naman na abala sa nilulutong ulam para sa paninda, sumabat din. “Baliw naman talaga ‘yang panganay mo. Pa’no kasi, hindi pa yata ‘yan kumakain, nakaharap na agad sa laptop niya,” si Mama. Tama naman dahil hindi pa talaga ako nag-a-almusal kahit mag-a-alas dose na ng tanghali. Bukod kasi sa alas dos na ako natutulog tuwing gabi, alas diyes na rin ako nagigising. Wala naman kasing ibang trabaho e. Sa huli, sinunod ko na lang din si Mama at tumayo na nga sa study table ko. Bibili muna na ako ng almusal, bakasakaling gumana ang natitira kong braincells at matapos ko na rin ang sinusulat kong chapter para sa dalawa kong bida. Tumayo muna ako sa harap ng salamin para tingnan ang sarili. Kahit na mukha akong lamanglupa dahil sa malaki kong eyebags at magulo kong buhok na tila ba kinalahig ng manok, ipinagsawalang bahala ko na ‘yon. Tinanggal ko lang ang muta ko at kaagad nang lumabas ng bahay para bumili ng almusal na sa palagay ko ay ubos na rin. Lumabas ako kahit nakasuot pa ako ng pantulog. Talagang wala na lang din akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa akin. Bata pa lang din kasi ako, usong-uso na ang mga chismosa sa lugar namin. Kahit ngayong 24 na ‘ko, hindi pa rin sila naubos. Kaya gustong-gusto ko na ring makaalis dito sa lugar namin e. “Ano’ng tinda niyong almusal, Ate Lira?” tanong ko sa kapit-bahay naming nagtitinda rin. Ayos na sanang magkanin na lang at kumuha ng ulam sa mga niluto ni Mama kaso ay ayaw kong masyadong mabigat ang kinakain ko tuwing umaga. Kaya naman, lumabas pa talaga ako para lang magtanong ng spaghetti o kung anong almusal. “Almusal, Viy? Masyado ka yatang maaga para bukas,” pamimilosopo ng kapit-bahay namin na akala mo naman ay close kaming dalawa. “Wala na! Tanghali ka naman masyado maghanap!” Napangiwi na lang ako. Itong si Ate Lira, sasabihin lang na wala, mamimilosopo pa. “Viy?” Aalis na sana ako dahil dagdag stress lang si Ate Lira sa akin kaso ay may pamilyar na taong tumawag ng pangalan ko. Narinig niya sigurong tinawag ako ng nanay niya kaya naman lumabas si Barra sa bahay nila para silipin ako. Parehong nanlaki ang mga mata namin nang magkita. “Vivigerl sisteret!” natutuwang bati niya sa ‘kin. “Barra! Ang fresh natin ngayon, huh?” balik ko naman sa kanya. Ilang buwan na nga ba mula nang huli kaming makapag-usap? Magkapit-bahay lang kami pero hindi na kami madalas nagpapang-abot. Kaibigan ko si Barra mula pa noong grade 7 kaming dalawa. Magkaibang-magkaiba ang personalidad namin pero naging maging magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Tuluyan na nga siyang lumabas sa bahay nila para mas makapag-chika-han kami nang bongga. Napatitig ako sa kanya. Mukha kasing aalis siya at natigilan lang sa pag-aayos nang mabanggit ni Ate Lira ang pangalan ko. Mula pa noong grade 7 kami, pansin ko na ang galing niya sa pananamit. Kahit na madalas ay maraming hindi nakaiintindi ng paraan niyang magbihis dahil nga mahilig siya sa medyo sexy na damitan, hinangaan ko talaga ang pagiging matapang niya para hindi maapektuhan ng sinasabi ng ibang tao. Ngayon, wala pa rin siyang ipinagbago. Nakasuot siya ng hapit na hapit na dress na pula. Nakamamangha rin ang ganda talaga ng hubog ng katawan niya. Malaki ang balakang niya at pati na rin ang dibdib niya. Medyo nakikita nga lang ang cleavage niya. Pagdating sa mukha niya, maganda rin talaga si Barra. Mas gumanda pa ‘yon dahil ayos na ayos din ang mukha niya ngayon na may pulang-pulang matte lipstick. Nakasuot din siya ng malalaking hikaw na mas lalong nagpaganda sa kanya. Walang problema sa akin ang itsura niya. Sa katunayan, nakakamangha nga dahil ang laki ng confidence niya na suotin at gawin ang gusto niyang gawin sa sarili niya. Kaso ay hindi talaga maiiwasang matahin siya ng mga kapit-bahay namin. Kahit nga sina Mama, ayaw rin sa kanya at ilang beses na akong pinalayo sa kanya noon dahil nga baka raw ma-impluwensiyahan ako ni Barra. Pero hindi naman ako naniniwala roon. Nasa akin pa rin naman ‘yon kung magpapaimpluwensiya ako. Ang siste ko naman, naglalagay ako ng bakod. Ewan ko ba bakit may mga taong mapangmata. Hinuhusgahan agad ang iba dahil lang sa paraan ng pananamit at kung paano gumalaw. Husga nang husga sa iba pero ayaw naman mapakialaman ng ibang tao ang buhay nila. Mga hipokrito lang. Kilala ko si Barra. Medyo maharot lang talaga siya at pala ayos pero wais siya. Kung may ginagawa man siya sa buhay niya ngayon, wala na dapat pakialam ang ibang tao roon. “Siyempre naman,” sagot sa akin ng kaibigan ko. “Sana lahat.” Natawa ako sa sarili kong biro na medyo totoo talaga. Kalat na kalat na kasi sa buong lugar namin na nakabili na ng bahay si Barra para sa pamilya niya sa ibang lugar. Umaasenso na rin siyang talaga. Sana lahat talaga. Tandang-tanda ko pa, sabay kami noong nagsabi na gusto naming mabilhan ng bahay at lupa mga magulang namin. Magkasing tanda lang naman kami pero napakalayo na ng agwat namin. Ako, nakatira pa rin sa mga magulang ko. Wala ring maayos na trabaho. Habang siya… kung anu-ano na yata ang nabili niya sa pamilya niya. Talagang si Ate Lira lang ang ayaw umalis dito sa lugar namin at gustong-gusto pa rin magtinda. Dahil mabait na anak si Barra, sinasamahan niya pa rin ang mama niya rito. Iyon nga lang, hindi ‘yon nakikita ng ibang tao. “Bet mo rin? May i-o-offer ako sa ‘yo!” Biglang hinawakan ni Barra ang dalawa kong kamay dahil sa excitement. Nataranta naman ako. Sineryoso niya yata ang biro ko! “H-Huh? Hindi ‘no!” Mabilis akong umiling. “I mean…” Gusto kong yumaman pero hindi sa paraang alam niya! “Tara. Usap tayo sandali! Tamang-tama at naghahanap din ako ng p’wedeng mag-sub sa ‘kin!” utas niya na animo’y hindi nagproseso sa utak niya ang pagtanggi ko. “Huh?!” Anong pinagsasasabi niyang sub? Kaso ay hindi niya pinansin ang sagot ko. Hinatak niya na ako papasok sa bahay nila. Wala na tuloy akong nagawa kung ‘di ang sumunod. “Ano bang i-o-offer mo? Trabaho ba?” tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa bahay nila. Naupo kami sa sofa nila. “Author ka ‘di ba?” Sa pangalawang pagkakataon, sinagot niya ang tanong ko gamit ang isa ring tanong. “O-Oo.” Sobrang lakas ng puso ko sa kaba. Nasasabihan niya rin kasi ako ng mga raket niya at alam kong hinding-hindi ko gagawin ang alinman doon. Walang problema sa akin na sa ganoong klaseng paraan siya kumikita pero ang gayahin ‘yon, hindi ko yata magagawa. “Tanggal ka na rin sa trabaho?” nakangiting dagdag niya pa na animo’y may maganda roon sa tanong niya. “Grabe! Hindi naman!” pagtatanggol ko sa sarili. Hindi ko kasi gusto ‘yong tunog na tinanggal. Hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit wala akong matinong trabaho ngayon e! “‘Yong school ang mismong nagsara, ‘no!” “Kahit na. Hindi ka nagtuturo ngayon, tama?” “Oo—” “Perfect!” Nawindang ako sa biglaan niyang pagsigaw samantalang magkatabi lang naman kaming dalawa. Parang talagang tuwang-tuwa siya sa pagkumpirma kong wala akong regular na trabaho ngayon. “Hoy! Nakagugulat ka naman!” “Sorna.” Natawa rin siya sa ginawa niya. “Problemado lang kasi noong nakaraan. Sayang kasi kung mapupunta sa iba ‘yong offer. Ang laki pa na man ng down payment.” Napatitig lang ako sa kaibigan ko dahil sa mabilis na pagsasalita niya na animo’y isa siyang rapper. “Hindi na ‘ko p’wede kasi nakakontrata na ako sa iba,” dugtong niya pa. Hindi ko naiwasang mapakunot-noo. Anong connect ba sa i-o-offer niyang trabaho sa pagiging author at teacher ko? “Ano ba kasi ‘yong i-o-offer mo? Ghost writer ba?” hula ko tuloy. Napangiwi si Barra. “Ano ‘yon, sisz? Multong manunulat? Ghost fighter ba ‘yan na writer version?” Akala niya siguro ay nagbibiro ako sa term na ghost writer. “Tungeks, hindi. Ghost writer, ‘yong magsusulat ka—” Ipaliliwanag ko pa sana sa kanya para hindi na siya nagtatanong pero mukhang hindi rin naman niya gustong malaman. “Hush!” pigil niya sa akin sabay lapag ng hintuturo niya sa labi ko para matigilan na ako sa pagpapaliwanag. “‘Di ko alam ‘yan. And ‘di ako interesado.” Pasmado rin talaga ‘tong si Barra e. Ako naman tuloy ang napangiwi ngayon. Inalis ko ang hintuturo niya sa labi ko. “So, hindi gano’n ‘yong i-o-offer mo?” “Hindi. Mas maganda pa ro’n.” Nanginang ang mga mata niya. Bakas na bakas doon ang excitement sa ibabalita niyang chika. Pa’no niya nasabing mas maganda ang offer niya e hindi niya naman alam kung ano’ng ghost writer? Imbes na pilosopohin pa siya, ginusto ko na lang din malaman ang trabahong tinutukoy niya. “Ano nga! Siguraduhin mong matino ‘yan, huh?” “Oo promise. Basic lang ‘to sa ‘yo. Perfect ‘yong skills mo e.” Tinaas niya pa ang kanang kamay na animo’y nangangako sa akin. “Oh, s’ya. Ano ba ‘yon?” “Teacher lang naman.” Namilog ang mga labi ko sa isinambit niya. Teacher lang pala e! Ano’ng connect sa pagiging writer ko? “Bata ba ang tuturuan?” tanong ko naman. “Parang pero hindi.” “Huh?” Muntik nang luminaw ang paliwanag nito ni Barra, huh? Parang masisiraan na ako ng bait sa sobrang curious. “Basta, two million ang down payment!” aniya na lang na siyang hindi ko naman pinaniwalaan agad. Sandali akong hindi nakatugon agad. Sino ba namang maniniwala sa ganoon ‘di ba? Daig pa nanalo sa lotto. Maliban na lang kung bilyonaryo at afam na celebrity ang tuturuan. Pero mas pinaniwalaan kong nakadroga lang siya ngayon. “Barra… high ka ba ngayon?” Sinilip ko ang mga mata niya para tingnan kung namumula ba ang mga ito na maaaring senyales ng pagdodroga niya. Parang ang imposible naman kasi! Nabatukan tuloy ako ng kaibigan ko sa ginawa. “Gaga! Hindi! Seryoso ako ‘no!” nakangiwing sambit niya. “Ano? Game?” Sa muli niyang pag-aya sa akin na tila ba nagmamadali siya ay nataranta ako. Hindi ko rin kasi talaga alam kung nagbibiro ba siya o ano! Parang joke ang mga sinabi niya e! Kaso, hindi naman siya mukhang lulong sa masamang gamot. Ang boses niya pa, seryosong-seryoso! “Sandali lang naman! Seryoso ba?” paninigurado ko habang naghuhurumentado na ang puso ko. “Teacher tapos may down payment na two million?! Ilegal ‘yan ‘no?” “Hindi rin! Basta!” “Anong klaseng teacher ba kasi?! Ano’ng ituturo?” Rumahas ang kunot ng noo ko sa sobrang gulo na ng mga bagay-bagay sa isip ko. Idagdag pa na wala pa akong almusal at tila ba nagbakasyon ang braincells ko kaya walang magpoproseso ng mga sinasabi ni Barra. “Parang tutor ba. Basic lang ‘to sa ‘yo. Author ka, ‘di ba?” Binanggit niya na naman ang salitang author. “Malamang, marami kang maituturo sa kanya na mga alam mo na.” Sobrang makahulugan ng huling sinabi niya. Idagdag pa ang ngisi niyang mala-demonyo kaya naman nahulog ang panga ko sa kaba. Huh?!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD