CELINE "SIGURADO ka ba sa desisyon mo?" ilang beses na ba natanong sa akin ni Terrence 'to? Paano pa ba nito naiisip na hindi ako sigurado? E, nandito na nga kami sa set hindi ba? "Nag-aalangan ka ba?" balik tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi siya magawang maintindihan— nong nakaraan lang pinipilit niya ako maging talent niya. Tapos heto at nagpapabalik-balik lang ang tanong niya sa akin. "Ano naman nagpabago ng isip mo?" tanong ulit nito sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya— abala ito sa pag-aayos ng Camera nito sa tabi ko. Tinapon ko ang tingin ko sa harap ng malawak na karagatan, hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot. Pero mas nangibabaw ang galit na mayroon ako sa puso ko ngayon Napasinghap ako. "Minahal ko siya," simula ko. Gusto kong buksan ang bahagi ng buhay

