CELINE HALOS magkasabay lang kaming nakarating ni Wade sa bahay namin. Magkasabay lang din kaming bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan ako nito ng gate, hanggang sa main door. Nanatili akong walang kibo. Ito mismo ang hihintayin kong magsalita. Tulad nga ng sabi ko sa kaniya, may gusto akong malaman. Dahil kung may gusto man itong malaman mula kay Harold, wala akong dapat na itatago sa kaniya..Kung nakita niya man kaming magkasama nito, walang masama sa ginagawa namin dahil kung mayroon man gumagawa ng mali malakas kutob ko at sigurado akong ito. "Magtubig ka muna," alok niya sa akin. Hindi ko man lang namalayan na may dala na pala itong isang baso nang tubig nang tumungo ito sa kusina. Masyado yatang naging okupado ang isip ko at hindi ko napansin ang pagbalik niya. "Tell me! Ask me!

