CELINE "SORRY NATAGALAN AKO," sambit ni Megan nang lumapit ito sa gawi namin ni Sabrina. Umupo ito paharap sa akin. "So. Nabalitaan ko kinasal ka na pala.." anito sa akin. "Ya! Halos isang buwan na rin ang lumipas—sa Siargao kami kinasal ni Wade." "W-Wade? Uhm! Siya ba 'yong boyfriend mo n'ong college?" tanong nito sa akin. Oo nga pala! Kilala pala nito si Wade—ilang beses niya na rin naman nakaharap ito halos noong nag-aaral pa lang kami. "Yes. Sorry ha. I forgot to invite you. Biglaan lang din kasi ang kasal namin atsaka, baka abala ka rin sa trabaho mo," aniya ko sa kaniya. "No! It's fine. Late ko na rin nabalitaan halos ang kasal niyo. Atsaka, if you guys invite me malabo rin naman na makapunta ako at sa Siargao nga," ani sa akin. Napangiti kami sa isa't isa. Ilang sandali du

