CELINE NANDITO na ako sa subdivision namin, hindi ko na pinaalam kay mama at papa na nandito ako. Bumili din ako ng donut na parehong paborito namin ni mama. Madalas man kaming pagbawalan ni papa dahil dito, hindi namin inda 'yon ni mama at masarap nga naman ito. Bawal na kasi kay mama lahat ng matatamis mula n'ong ma-diagnose siyang may diabetes. Hindi ko rin nagawang pigilan kung ano ang gusto ng mommy ko. I can't control her though, kaya hinayaan ko na lang maglaon. Ang importante hindi naman ito nagpapasaway pagdating sa gamot nito, regular na umiinom ng maintenance si mama. Iyon na lang talaga ang maganda sa kaniya at hindi naman ito nagpapasaway kay papa; masunurin pa rin naman itong asawa. Maayos kong na-park ang kotse ko sa labas ng bahay namin. Na-miss ko pala ng sobra ito

