Chapter 22 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Kapwa sila humihingal nang matapos ang lahat. Ramdam ni Jasmine ang bigat ng katawan ni Lucas na nakadagan pa rin sa kanya, habang ang dibdib nito ay mabilis ang pagtaas-baba sa bawat hinga nito.Marahan siyang hinalikan ni Lucas sa noo bago ito gumulong sa tabi niya. Pareho silang tahimik, tanging tunog lamang ng hangin at alon sa labas ang naririnig at lakas ng t***k ng kanilang mga puso. Nakatingin si Jasmine sa kisame, gulong-gulo ang isip. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga sumunod na sandali. Kanina lang, iniiwasan pa niya ang damdaming pilit niyang itinatago, pero ngayon… buong katawan niya ang nagpapaalala sa kanya ng ginawa nila at ngayon nakumpirma niya ang tunay na nararamdaman para kay Lucas

