Chapter 40 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Ilang buwan pa ang lumipas bago tuluyang bumalik si Lucas sa Hasyenda Cordova upang simulan ang kanyang pangangampanya. Malakas ang kalaban niya na angkan din ng isang kilalang pamilya, ngunit buo ang kanyang kumpiyansa sa sarili at nanindigan siyang maging totoo sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi siya palasalita sa entablado; sa halip, serbisyo publiko ang kanyang inuuna, dahil iyon ang pinakapokus niya.Pang tatlong taon na kasi ng ama at bababa na ito sa pwesto niya. Habang papalapit nang papalapit ang araw ng lokal na halalan, lalo ring tumitindi ang kaba sa dibdib niya. Sa huling araw ng kanilang kampanya, ginanap ito sa bayan ng Oas matapos nilang libutin ang buong lalawigan ng Albay. Nasa harapan s

