Chapter 30 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- “Jasmine! Jasmine, nariyan ka ba?!” Sunod-sunod ang malalakas na katok ni Lenny, umaalingawngaw sa tahimik na silid. Sa loob, halos hindi na makita ni Jasmine ang mga gamit niya dahil nalulunod ang paningin sa mga luhang walang tigil na dumadaloy. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit niyang isinusuksok ang mga damit sa bag. Nagbukas ang pinto. Mabilis ang mga yabag ni Lenny papasok.Nagtaka kung bakit siya nag-iimpake. “Jasmine!” halos pasigaw nitong tanong. “Ano bang nangyayari sa’yo? Bakit ka nag-aalsa balutan?” “Lenny…” namutawi mula sa labi niya bago siya tuluyang napahagulhol. Nabaluktot ang kanyang tuhod, bumagsak siya sa malamig na sahig, at itinukod ang mga palad sa kama para maitago ang mukh

