Chapter 41 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- "Ate!" "Huh!" Gulat na napalingon si Jasmine kay Jolie nang bigla itong sumulpot sa kanyang likuran. Nabitawan niya ang hawak na sandok at nahulog ito sa sahig ng kanilang kusina kaya pati si Aling Pacita ay napatingin sa gawi nila. "Ate, gulat na gulat ka naman," natatawang sabi ni Jolie habang pinulot ang sandok at dinala ito sa lababo. Napahawak naman si Jasmine sa kanyang dibdib at sumandal sa gilid ng lababo dahil sa pagkabigla at hindi niya namalayan ang pagdating ni Jolie "Sino bang hindi magugulat sa’yo? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa likod ko," inis niyang sabi sa kapatid. "Hmm… ang sabihin mo, malalim ang iniisip mo kaya hindi mo ako naramdaman, kanina ka pa kasi tahimik diyan," sagot ni Jo

