Chapter 35 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Sa mahabang hapag ng Hasyenda Cordova, magkaharap sina Don Armando, Lucas, Zandra, at Lucille. Tanging kalansing ng mga kutsara at tinidor ang maririnig habang kumakain ang pamilya.Matiim ang tingin ni Don Armando kay Lucas bago ito nagsalitaat binasag ang katahimikan. “Itong term ko bilang gobernador ng Bicol ang huli, Lucas. Inaasahan kong ikaw ang papalit sa akin sa puwesto. Tutulungan ka naman ni kumpadre sa kampanya mo sa nalalapit na eleksyon.” Bahagyang napahinto si Lucas sa pagnguya, saka siya napailing.Actually, lagi na itong bukang bibig ng kanyang ama ngunit wala siyang sinasagot dito dahil wala naman siyang balak na pasukin ang mundo ng pulitika. “Dad, ilang beses ko bang sasabihin? Hindi ako papas

